Nabaliw na talaga ang hilagang kampo. Ang mga sundalong ito na supling ng maharlika ay hindi pa siguro nakakapatay kahit manok sa kanilang buhay dati, gayon pa man ibinabandera nila ang mga espada nila at sumugod na parang kawan ng lukton. Umaapak sa katawan at dugo ng bumagsak nilang kakampi, walang takot silang sumugod!
Umirit ang mga agilang lumilipad sa himpapawid, at ang maaraw na umaga ay sa isang banda ay naging maulap at malilom, na tila uulan kahit anong oras. Natakot ang mga sibilyan at sinubukang tumakbo sa ligtas na lugar, ngunit ang buong kalye ay puno na ng sundalo, paano pa sila makakaalis?
Sumigaw sa kawalan ng pag-asa nalang ang nagawa nila, tinatapakan ang isa't-isa, hinahanap ang kanilang pamilya, tinatawag ang pangalan ng isa't-isa. Sa maikling sandali, ang buong maunlad na kalye ay naging mala-impyernong patayan!
At ngayon, kakalabas lang ni Li Ce sa palasyo ng Jinwu kasama ang imperial na hukbo niya. Ang prinsipe ng Tang, na kilalang hindi marunong sumakay ng kabayo, ay magiting na nakasakay sa kabayo ngayon, sumusugod sa daan, ang kanyang roba ay pumapagaspas sa likod niya. Ang kanyang tingin ay matalas, na tila tatagos sa lahat ng nakaharang sa kanya.
"Crown Prince," ilang tagamanman ang bumalik at tumawag sa kanya, "ang gitnang kalye ay kompletong nahaharangan ng mga sibilyan. Hindi makapunta ang imperial na hukbo sa posisyon."
"Nahaharangan?" Nagtaas ng kilay si Li Ce bago malamig na nag-utos, "Kung hindi tayo makadaan, tatapakan natin ang mga bangkay nila. Lahat ng hindi magpapadaan ay papatayin!"
"Kamahalan?" Nagulat ang tagamanman sa malupit na utos na ito at mahinang sinabi, "Iyon ay mga mamamayan natin…"
"Mamamayan…" naningkit si Li Ce at sumagot sa nagdadalawang-isip na sundalo, "Kung mas magtatagal pa tayo, mas malaking kasawian na dahilan ng paglalaban sa pagitan ng imperial na hukbo at hilagang kampo ang matatamo natin. Iyong mga sundalong iyon ang tunay na kayamanan ng imperyo ng Tang!"
Naliwanagan ang tagamanman sa sinabi ng prinsipe, at matatag na tinanggap ang utos, "Naiintindihan ko! Maghintay muna kayo. Pangungunahan ng alipin na ito ang mga kakampi natin at magbubukas ng daanan para sa iyo kamahalan."
Tumugon si Li Ce, "Salamat! Sun Di, madali kang pumunta sa departamento militar at utusan ang 50,000 sa Wolf Army tungo sa syudad para pigilin ang kaguluhan. Saka, pausukin ang usok na senyales, at sabihan ang northern garrison na patuloy na bantayan ang kahit anong kilos ng hukbo ng Xia! At…" ilang segundo siyang nagdalawang-isip bago nagsumikap na sabihin ang susunod na mga salita, "magpadala ng mga tagamanman sa hangganan sa timog! Para sa susunod na 24 oras, bantayan ang daanan ng tubig sa hangganan sa timog para sa kahit anong biglaang paglusob ng Yan Bei!"
Nagulat si Sun Di sa huling utos at nagtanong, "Yan Bei? Magsisimula ng digmaan ang Yan Bei sa imperyo ng Tang?"
"Sa tingin mo hindi nila gagawin?" Napasinghal, ang tono ni Li Ce ay mas malamig pa sa nyebe ng taglamig nang nagalit siya, "Kung aksidente siyang mamatay sa teritoryo ng imperyo ng Tang, kailangan natin ihanda ang sarili natin sa galit ni Yan Xun. At…" dahan-dahang pumikit si Li Ce. Ang malinis at mala-anghel na mukha ng babae, na may namumulaklak na mga lotus sa likod sa ilalim ng panggabing kalangitan, ang umibabaw sa isip niya. Pabulong na lumambot ang kanyang boses, at ang kanyang kilay ay malalim na nakakunot. Kahit na hindi masyadong maintindihan, maririnig pa rin ang matatag niyang salita, "Hindi ko rin mapapatawad ang may pakana nito."
"Oo, aalis na ang alipin na ito at gagawin ang ipinag-uutos mo."
"Isang bagay pa! Linawin mo ang bagay na ito sa akin matapos mong ihatid ang mensahe!" Minulat ni Li Ce ang kanyang mata, at ang panandalian niyang kahinahunan at pagod ay nilipad ng galit sa kanyang mata. "Gusto ko lahat ng datos ng buong pagsasanay ng hilagang kampo! Gusto ko lahat ng impormasyon, kahit ang mga kompidensyal na bagay! Anuman ang ranggo, lihim, o kahalagahan! Gusto kong malaman kung sino ang nakilala nila sa nakaraan mga araw, saan sila pumunta, o kahit kung nagtae sila o madalas na pumunta ng palikuran. Gusto kong malaman ang lahat!"
Agad na nakuha ng matalas na pag-iisip ni Sun Di ang lohiko sa likod ng aksyon na ito. Ganap na namutla ang mukha niya at hindi makapaniwalang nagtanong, "Iniisip ba ng kamahalan na ang buong pagbabago na ito ay hindi nagkataon lang?"
"Nagkataon?" Lumingon si Li Ce at tumitig kay Sun Di habang malamig na pinahayag, "Nagahasa si Zhao Chun'er sa sarili niyang silid, at ang buong court ay gustong tulungan ang imperyo ng Xia imbis na ikonsidera ang imperyo ng Tang. Nang nagtangka siyang magpakamatay para makakuha ng simpatya, nagkataon na nasa tabi niya lang ang hilagang kampo. Paanong ang mga supling ng mga maharlikang pamilya ay madaling mabago ng ligaw na tsismis? At alam din nila ang eksaktong gawain ni Tie You, at nasa karwahe si Chu Qiao. Maraming nagkataon ang sabay-sabay na nangyari, hindi ka ba nakakita ng hindi natural?"
Naiwang nakanganga ang bibig ni Sun Di dahil hindi niya masalungat ang walang kamalian na lohika. Nanigas ang ekspresyon ni Li Ce nang nagpatuloy siyang mag-isip, "Simula sa umpisa hanggang huli, hindi ako nakatanggap ng kahit anong impormasyon. Kahit ang matandang Dou Mingde na iyon, na nag-umpisa nang ihiwalay ang sarili sa pulitika, ay may alam din. Nakahawak pa rin tayo sa kapiranggot! Napaka planadong istratehiya, napaka maingat na pagsagawa, napaka tagumpay na kinalabasan, sa tingin mo ba talaga ay nagkataon lang ang lahat?"
Habang nagpatuloy ang pag hangin, mas lumakas ang sigaw mula sa harap. Nag-umpisa na ang pwersa ng imperial na paalisin ang mga sibilyan at tumira ng mga palaso dito. Walang patutunguhan na nagmamadali, ang eksena na ipinakita ng mga sibilyan ay tila ang buong bagay na ito ay isang komedya. Nakatingin sa mata ng isa't-isa, hindi na mapigilan pa ni Sun Di at Li Ce ang tumataas na hindi pagkapalagay sa loob nila.
Tumango si Li Ce. "Tama, hindi pa naging ganito kalapit sa atin ang kamatayan. May naghanda na ng bitag habang hindi tayo nakatingin, at pumuslit sila sa hilagang kampo, sa capital, at kahit sa palasyo natin!"
"Ang imperyo ng Xia kaya ito? O ang imperyo ng Song?"
"Hindi kasama si Nalan Hongye sa mga opisyal na iyon. Ang ganoon kalaking galaw, hindi niya malalagpasan ang aksyon. Para naman kay Zhao Chun'er, sa karamihan, may mapupukaw siya sa loob ng palasyo. Ngunit ang ganoon katiyak na pagkalkula ay siguradong wala sa kanya."
"Kung ganoon ay sino iyon?" Tanong ni Sun Di habang nakasimangot.
"Sino?" Malamig na ngumiti si Li Ce at nag-angat ng tingin. Inoobserbahan ang madilim na ulap, marahan niyang iniling ang ulo at bumulong, "Sana mali ako."
Isang palaso ang tumagos sa labanan, tulad ng isang matalas na kuko, tumira sa pinakamagandang sandali. Panandaliang napatigil ang buong hukbo, para lang makita ang dalaga, nakasuot ng matingkad na dilaw na bistida, ang nakatayo sa tuktok ng bagong karwahe na kakahinto lang sa Rose Square. Nakahawak ng gintong dilaw na pana, tinutok niya ito tungo sa gitna ng madugong gulo sa loob ng Rose Square. Ang kanyang noo ay nababalot ng benda, at bahagyang makikita ang dugo na nasa ilalim nito. May whoosh na lumipad tungo sa puso ni Chu Qiao ang palaso!
Sa pinaka sandaling ito, madapa-dapa si Tie You na pinrotektahan si Chu Qiao. May nakakahilakbot na tunog, tumagos sa braso niya ang palaso.
"Tie You!" Sigaw ni Chu Qiao. Gagalaw na sana siya para tulungan ito nang maraming palaso ang lumipad, mapirming hiniwalay siya kay Tie You.
Ang babae sa tuktok ng karwahe ay mabagal na bumaba at hindi pinansin kung paanong ang malinis niyang sapatos ay namantsahan ng madugong gulo. Ngumiti siya at umakyat sa plataporma kung nasaan si Chu Qiao. May bundok ng bangkay sa pagitan niya at ni Chu Qiao, nagsalita siya sa lakas na tanging si Chu Qiao at ang mga gwardya niya lang ang nakakarinig, "Masama ba ang loob mo? Ngunit hindi sapat iyan!" nang masabi iyon, kinuha niya ang patalim mula sa kanyang gwardya at sinaksak ang tiyan ni Tie You, na nanghihina na at wala nang lakas.
Bumulwak ang dugo sa bibig ni Tie You! Nabaluktot ang kanyang tuhod, at may malakas na kalabog siyang bumagsak sa lupa.
"Wala ka bang malakas na pakiramdam ng katarungan? Hindi mo ba ayaw kapag naghihirap ang iba dahil sayo? Kung ganoon ay bakit hindi ka pa mamatay ngayon? Oras na mamatay ka, papakawalan ko siya."
Kagat ang ibabang labi, napasimangot si Chu Qiao, kaharap ang babaeng may ekspresyon na tila nagyeyelong karagatan, lubos na hindi sumasagot sa kanya.
May malamig na ngiti, iniunday ng baliw na babae ang kanyang patalim at sinabi, "Hindi ko talaga matagalan kung gaano ka mapagkunwari!"
Natatakpan ng pagkauhaw sa dugo ang mata ni Chu Qiao. Nanginginig niyang hinawakan ang kanyang patalim. Hindi siya natatakot, pero mahina siya at hindi makakuha ng lakas. Ngunit sa susunod na sandali, tila isa siyang maliksing leopard. Sa isang kumpas ng kanyang patalim, napwersa niya pabalik ang babae, at sinaksak ang kanyang dibdib!
Ngunit tila walang balak ang kalaban ni Chu Qiao na ihampas pababa ang patalim nito, habang ang mga gwardya nito ay nagmadaling lumapit. Nagkunwaring napatid, ang matingkad na dilaw niyang roba ay namantsahan ng dugo. Inangat ang kanyang ulo, nakakahindik siyang umirit, "Bilang babeng ikinasal sa imperyo ng Tang, hindi na ako puro! Hayaan niyo akong isakripisyo ang sarili ko para sa bansa! Patayin mo ako!"
Ang mga sundalong nanahimik na ay nagalit ulit. Nakikita ang hindi mabilang na patalim sa harap niya, hindi na kaya ni Chu Qiao at bumagsak siya sa lupa na nawalan ng malay.
Kung mabibigyan siya ng isa pang pagkakataon, gagawin ba niya ulit ang parehong bagay? Na ligtas makarating ang dalawang iyon? Ngunit sa kasamaang palad, walang gayong mga naiisip na sitwasyon sa tunay na mundo.
Bago siya mawalan ng malay, nakita niya si Tie You na bumangon ulit, at narinig ang mga salitang inutal nito, "Inutusan ako ng Crown Prince na protektahan ka."
Isa kang hangal… isang luha ang tumulo mula sa gilid ng mata ni Chu Qiao. Walang magawa na bumagsak sa Rose Square, naalala niya ulit ang dalagang humahagulgol sa kwebang iyon.
"Patayin sila! Patayin sila! Patayin sila!" Ang iyak nito ng kawalan ng pag-asa ay naririnig niya pa rin. Ngayon, nagawa niya talaga iyon.
Pagkatapos makatulog ng hindi malamang tagal, isang balde ng malamig na tubig ang itinapon sa mukha ni Chu Qiao. Inaantok na gumising, nakangiting mukha ni Zhao Chun'er ang pumuno sa paningin niya.
"Nasaan si Tie You?" Paos ang mababang boses ni Chu Qiao at tila handa siyang sumabog.
Bumungisngis si Zhao Chun'er at kaswal na sumagot, "Patay na siguro siya. Mukhang ilang beses siyang nahiwa ng mga galit na sundalo ng hilagang kampo. Kakaiba iyon. Nakarinig ako ng tsismis sa syudad ng Zhen Huang na mahina at madaling matalo ang sundalo ng Tang, ngunit mukhang iba ang katotohanan sa tsismis."
Marahang pumikit si Chu Qiao at pinilit pababain ang kalungkutan na umaakyat mula sa dibdib niya. Bahagyang tumatango, marahang sinabi ni Chu Qiao, "Pagbabayaran mo ang ginawa mo ngayon."
"Ganoon ba?" isinantabi lang ni Zhao Chun'er ang puna na iyon. "Pero siguradong hindi mo na makikita pa ang araw na iyon."
Pagmulat ng mata, tumingin si Chu Qiao sa mata ni Zhao Chun'er at diretsong sinabi dito, "maghihiganti si Yan Xun para sa akin."
"Wag mo siyang ipaalala sa akin!" Tumayo si Zhao Chun'er, natumba ang inuupuan niya sa proseso. Sa mata niyang nagliliyab, tumitig siya kay Chu Qiao, na nakatali sa poste. Sumigaw siya, "Kapag nagsalita ka pa ng tungkol sa kanya, papatayin ko siya!"
Hindi siya pinapansin, ang malamig na mukha ni Chu Qiao ay nagpakita ng bahid ng pagkalibang. "Natatakot ka?"
Hinarap ang tingin ni Zhao Chun'er na puno ng poot, naningkit ang mata ni Chu Qiao na tila isa siyang pusa. May malalim ang boses siyang nagtanong, "Anong balak mong gawin matapos mo akong patayin?"
Malamig na nakangiti nang sumagot si Zhao Chun'er, "Wala ka nang pakialam doon. Masasayahan akong ipaalam sayo kung anong mangyayari dahil malamang ay hindi mo na makikita iyon. Kung ang kahit anong gawin ko ay hindi mo makikita, sayang iyon."
"Alam mo ba, maghihiwalay ang imperyo ng Tang, at mamamatay si Li Ce. Ang buong korte ay bubuuin ulit, at ang dating gwardya ay mawawasak. Ang pwersa ng Xia ay nahuli ang Yan Bei. Sa padating na taglamig, wala kang salapi o pagkain, paano ka mabubuhay? Habang ang mga sundalo mo ay gutom, at mga kabayo ay mahina mula sa taglamig, ang pinagsamang pwersa ng imperyo ng Xia at imperyo ng Tang ay sabay na sasalakayin ang Yan Bei. Kapag nangyari iyon, ang mga sibilyan ng Yan Bei ay maililibing ng buhay sa mga tao, at ang hukbo ng Yan Bei ay malilipol. Ang lupa ng Yan Bei ay mabababad ng dugo. Ang kahit sinong sumalungat, ano man kung ito ay ang Da Tong Guild, o ang Iron Eagle na hukbo ng Yan Bei, lahat ay yuyukod sa kagitingan ng imperyo!
"Sasabihin namin sa iyo gamit ang patalim sa mga kamay namin kung ano ang kahihinatnan sa pagtraydor sa imperyo!" Mapula ang mata ni Zhao Chun'er, at tila halos baliw na nagpatuloy sa monologo niya, "Kapag dumating ang oras na iyon, hahablutin ko si Yan Xun at paluluhurin siya sa paanan ko at magmamakaawa para sa awa ko. Dudukutin ko ang mata niya, babaliin ang binti, at pahihirapan siya sa lahat ng paraan na kaya ko! Sisirain ko ang kahit anong ginawa mo! Paano iyon? Natatakot ka na ba?"