Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 111 - Chapter 111

Chapter 111 - Chapter 111

Tag-isang kamay na kinaladkad ni AhJing ang dalawang lalaki na walang pagdadalawang-isip.

Hindi makapagsalita ang kumpol ng tao. Ikalawang palapag ito! Sa ibaba ng gusali ay napakalalim na maliit na lawa, at walang gulat na nakarinig sila ng malaking tilamsik ng tubig.

Pagbalik ay tumayo sa likod ni Yan Xun si AhJing. Ngayon, kahit si Feng Mian ay tumayo sa likod ni Yan Xun, ang dalawa ay nagpapakita ng paggalang sa binatang ito.

Inosenteng nakangiti, hindi makikitaan si Yan Xun ng awra ng pagkauhaw sa dugo na kanina ay inilalabas niya, na para bang hindi niya problema ang lahat ng nangyari. Maaliwalas niyang sinabi, "Pasensya sa pagkasabik ko ngayon lang."

Sobrang katahimikan ang tanging tugon. Ang mga matandang ito na karaniwan ay sadyang inuutusan ang iba ay hindi maproseso ang nangyari. Parang tanga lang silang nakatingin kay Yan Xun na para bang isa siyang bisita mula sa ibang mundo.

"Ngayon, napapaisip ako kung mayroon sa mga gwardya niyo ang marunong lumangoy?" Eleganteng nakangiti, tahimik itong sinabi ni Yan Xun habang nakasuot ng kanyang pinaka magandang ekspresyon. Kung ibang araw ito, maiinitan ang pakiramdam nila kapag nakita ang ekspresyon na ito. Ngunit ngayon para sa mga nakakatandang ito, ang kanyang ngiti ay may bahid ng pagkademonyo, pinaparalisa kahit ang kanilang naiisip.

"Natanong ko iyan dahil naniniwala ako na kung walang pupunta at sasagipin sila ay malulunod talaga ang dalawa." Walang nagawa na napailing siya habang nakasandal sa kanyang upuan. "Napaka malas talaga, hindi ko napansin ang lawa nang dumating kami."

Pagkatapos niyang paliwanagan sila ay tumugon na ang mga ito. Patalon na tumayo ang matatanda at nagmadaling humanap ng mga taong magliligtas sa dalawang nalulunod. Ang pasilyo ay agad na nilamon ng magulong aktibidad. Sa wakas ay nagawa na nilang iahon ang nalulunod na si Elder Yu. Nang napunasan na nila sa wakas ang malamig na pawis sa kanilang noo at nakabalik na sa kanilang mga upuan ay natapos na ni Yan Xun ang kanyang kinakain.

"Lord Feng, sino ang kaibigan mo na ito? Dahil kakampi din siya sa loob ng samahan, paanong hindi niya alam ang patakaran?" isang nakakatandang nakapula ang nagpahayag. Ang apelyido ng matanda ay Liu at isa siya sa may hawak ng susi sa sangay ng Da Tong Guild sa loob ng syudad ng Xian Yang. 40 taon na niyang hawak ang posisyon niya at ang kanyang impluwensiya ay malaki at malayo ang sakop. Kahit si Ginoo Wu at Lady Yu ay hindi magtatangkang ignorahin ang kanyang naiisip. Kapag nakipagdigma ang hukbo ay kailangan nila ng pinansyal at orkestrasyon. Si Elder Liu mismo ang may kontrol noon sa loob ng samahan ng Da Tong.

Kalmadong sumagot si Yan Xun na hindi nasisira, "Mga ginoo, ipapakilala ko na dapat ang sarili ko. Dahil mainipin si Elder Yu ay hindi ko nagawa. Naniniwala ako na dapat ko nang kunin ang oportyunidad na ito para ipakilala ang sarili ko." Naiilawan ng kumukutitap na apoy, ngumiti si Yan Xun at madahan na sinaad, "Ako si Yan Xun, kakarating lang mula sa Yan Bei. Ikinagagalak kong makilala kayo."

"Ang hari ng Yan Bei?" napatayo si Elder Liu at sa proseso ay aksidente niyang natabig ang tsarera na nasa harap niya. Halos kalahati ng maganda niyang kasuotan ang natapunan ng tsaa ngunit hindi niya ito binigyan ng pansin at nanglalaki ang mata sa hindi pagkapaniwala habang nakatingin sa hindi mapanganib na nakangiting mukha ni Yan Xun.

"Mas tama, kahit na pinahayag na ng Yan Bei ang pagsasarili nito, hindi pa ako pormal na nakokoronahan bilang hari. Pero kung ipipilit ni Elder Liu, ayos lang na tawagin niyo akong ganyan."

"Paano nangyari iyon?" hindi makapaniwalang komento ng isa pang nakakatanda. "Paanong dumating ang mga taga Yan Bei dito sa Xian Yang?"

Tinawanan lang ito ni Yan Xun. "Elder Xi, syempre, hiniling mo na hindi ako dumating. Iyon ay dahil naplano mo nang ilipat lahat ng pagmamay-ari mo sa imperyo ng Tang. Kapag dumating ako, mabibigo ang plano mo."

Sa deklarasyon na iyon ay natigilan nanaman ang lahat! Takot na tumitig ang mga nakakatanda kay Yan Xun, ang kanilang mga mukha ay walang mga kulay.

Ang ngiti sa kanyang mukha ay naglaho, ang kanyang tono ay naging mapanglaw. "Ang imperyo ng Xia ay malapit nang bumangon mula sa abo at bumalik sa syudad ng Zhen Huang. Iniipon ni Zhao Yang ang kanyang hukbo kasama si Zhao Che na binabantayan ang syudad ng Zhen Huang habang isinasaayos ang pwersa ng imperyo. Nagbabadya na ang gyera sa pagitan ng Yan Bei at imperyo ng Xia. Mukhang hindi na nararamdaman ng Da Tong Guild na mananalo ang Yan Bei kaya pinagpaplanuhan niyo nang umatras tungo sa imperyo ng Tang, diba?"

"Yan... Prince Yan," naglabas ng dahilan si Elder Liu, "isa itong istratehiya mula sa nakatataas! Para maiwasan ang kompletong pagkaubos ng pwersa namin, inutos ito ng pinuno ng samahan! Kasama ng Da Tong Guild ang Yan Bei sa buhay man o kamatayan nitong mga nakalipas na taon at kompletong inihanay ang aming interes sa Yan Bei. Para sagipin ka, nagsakripisyo kami ng hindi mabilang na tauhan. Ngayon, isa lang itong maistratehiyang relokasyon para ipreserba ang aming lakas!"

Malamig na tumitig si Yan Xun sa natatakot nilang tingin at malamlam na pinahayag, "Nitong walong taon, ginamit ng Da Tong ang titulo ko para mapanatiling maayos ang Yan Bei at sinigurado na hindi magdudusa ang mga sibilyan. Ako, si Yan Xun, ay hinding-hindi makakalimutan ang pasasalamat na iyon! Ngunit!" umigting ang mukha ni Yan Xun na napasingkit at nagpatuloy, "Ngunit kayo ang nagkontrol sa pinansyal at buwis ng Yan Bei. Kinuha ang kontrol sa Baiyu Pass at kalakalan sa kanluran, nakakuha kayo ng malaking yaman. At kalahating taon ang nakakaraan, bago ako bumalik sa Yan Bei, kinuha niyo ang oportyunidad na mangolekta ng sampung taon na buwis at ninakawan ang mga sibilyan ng kabuhayan nila. Ngayon, nang makitang magsisimula na ng gyera ang Yan Bei sa pwersa ng imperyo, pinaplano niyong iwanan nalang ang Yan Bei? Saan niyo gustong pumunta ang Yan Bei?" nang masabi iyon ay ngumiti si Yan Xun at nagpatuloy na hamakin sila, "Ang mga bata at matapang na mandirigma ng Da Tong ay ipinagsapalaran ang kanilang buhay sa labanan ngunit tinatamasa niyo ang karangyaan dito. Hindi niyo ba nararamdaman na nagdurusa ang mga konsensya niyo? Narinig ko na may hawak na datos si Feng Mian. Ano kaya ang masasabi ni Lady Yu kung isasapubliko ko ito?"

Mas namutla pa ang mukha nila nang marinig ang maliwanag na banta. Sa mga susunod na henerasyon ng batang pinuno, si Wu Daoya ang may malaking impluwensiya, ngunit pagdating sa abilidad, si Lady Yu ang pinaka magaling. Ang mga malupit nitong taktika at labis na poot tungo sa mga itinuturing niyang masama ay hindi mapapantayan. Kung malaman niya ang datos na iyon, hindi nila maisip kung anong galit ang makakaharap nila.

"Tungkol dito, Prince Yan, naniniwala ang matandang ito na hindi dapat makarating kila Daoya at AhYu ang datos."

"Syempre." Ngumiti sa pagsang-ayon si Yan Xun. "Elder Liu, nasa parehong panig tayo. Marami pang trabahong kailangan gawin. Isa-isa dapat kaharapin ang labanan, at ang pader ng imperyo ng Xia ay dapat unti-unting sirain. Kailangan natin ng malakas na hukbo at payapang gobyerno sa ibabaw. Tulad nito, hindi dapat masyadong linawin ang ilang bagay. Kung hindi ay baka mawalan ng kumpyansa ang populasyon sa Da Tong."

"Oo, tama."

"Kung ganoon ang kaso, sigurado akong alam niyo kung anong dapat niyong gawin."

Nagtanong si Elder Liu para makasigurado, "Payapa lang kaming maghihintay ng tagumpay ng Yan Bei sa Xian Yang?"

"Hindi niyo na kailangan." Iling ni Yan Xun. "Pwede niyong ipagpatuloy ang paglipat ng ari-arian niyo sa imperyo ng Tang."

Gulat ulit, hindi makapaniwalang napatitig ang Elders sa binatang ito sa hindi na mabilang na beses ngayong araw para lang makita na tusong ngumiti si Yan Xun. "Huwag kayo mag-alala. Mangyari lang na patungo din ako sa imperyo ng Tang. Pagkatapos noon, tutungo ako sa timog na hangganan bago bumalik sa Yan Bei. Ang mga kayamanan na ito ay dadalhin pagkabalik ko."

Agad na umasim ang ekspresyon ni Elder Liu at ng iba nang marinig iyon. Tumayo si Yan Xun at kaswal na tinapos ang usapan. "Tama, masarap ang hapunan at ang pag-uusap ay natapos na. Oras na para umalis ako. Elder Liu, ngayon, gagamitin ko ang pangalan ng pamangkin mo para makapasok sa imperyo ng Tang. Sana bukas ay maisaayos mo na ang lahat. Sa wakas ay ikakasal na ang prinsipe ng Tang. Bilang kauna-unahang mangangalakal sa Xian Yang, dapat ay magdala ka ng maayos na regalo ng pagbati." Nang masabi iyon, hinarap ni Yan Xun ang silid na puno ng Elders sa paghawak ng kanyang mga kamay at pinahayag, "Paalam!"

Naglakbay ang karwahe sa kailaliman ng gabi sa Xian Yang, ngunit kahit ganoon, puno pa rin ang mga kalye ng aktibidad.

Naguguluhang nagtanong si Feng Mian, "Prinsipe, malaki ang pag-aari ng mga taong ito. Masyadong delikado kapag dinala ang lahat ng iyon sa imperyo ng Tang. Bakit hindi nalang direktang bumalik sa Yan Bei?"

"Sa tingin mo ba na kapag diretso itong dinala sa Yan Bei ay magiging ligtas ito?" kontrang tanong ni Yan Xun. "Sa hindi matatag na politika ng imperyo ng Xia, mahirap masigurado na mangyayari ang lahat na walang problema pabalik ng Yan Bei." Bumuntong-hininga si Yan Xun habang nakasandal sa karwahe tapos ay nagpatuloy, "Dahil ayaw nating bumagsak sa mga kamay ng opisyal sa imperyo ng Xia ang mga kayamanan na iyon, at ayaw din natin na patuloy itong mawaldas ng mga nakakatanda na iyon, tanging landas tungo sa imperyo ng Tang ang matatahak natin. Ang seguridad sa imperyo ng Tang ay maganda. At pinaka una, gagawin ko ang papel ng mayamang lalaki na sinusubukang lumipat sa imperyo ng Tang mula Xian Yang. Para masigurado ang patuloy na pag-unlad ng kanilang ekonomiya, magpapadala ng sundalo ang imperyo ng Tang para protektahan ang pag-aari natin papunta sa Tang Jing. At oras na nasa loob na tayo ng Tang Capital, marami tayong paraan para tumakas at pumasok sa hangganan sa timog pabalik sa Yan Bei."

"Ngunit," Balisa pa rin na nagtanong si Feng Mian, "marami dapat na maharlika sa Tang Jing at marami doon ang makakakilala sayo. Kapag nagkunwari ka na pamangkin ni Elder Liu, hindi ka ba makikilala?"

"Tungkol doon, hindi mo na kailangan mag-alala. Mayroon akong paraan." Pinakalma ni Yan Xun si Feng Mian, "Para maiwasan na kumalat ang mensaheng ito, pagkatapos kong umalis, maari lamang na bantayan mo ang mga iyon. Humanap ka ng paraan para habang buhay na silang manatiling tahimik at hindi na tayo mag-alala."

Nagulat si Feng Mian sa kalupitan at nakalimutang makilala si Yan Xun.

Nagpatuloy na kalmadong nagsalita si Yan Xun, "Dahil nandito ka ay hindi na ako masyadong nag-aalala. Sa tingin ko ay oras na para makaranas ang Southeastern logistics ng bagong pinuno. Feng Mian, kahit na bata ka pa, oras na para magkaroon ka ng totoong karanasan."

Sa wakas ay nakatugon na si Feng Mian ngayon, "Naiintindihan ng tagasilbing ito!"

Mukhang inaantok na si Yan Xun dahil lumambot na ang boses nito. "Ang mga Elders na iyon siguro ay mapusok na myembro ng Da Tong noong kabataan nila. Ngunit nang parami ng paraming kapangyarihan at materyal na kayamanan ang nakuha nila, hindi nila maiwasang maging ganid. Bilang tao, pwede kang mangarap ng malaki ngunit hindi ka dapat magnasa sa mga bagay na hindi sayo. Maaari kang bigyan ng pangarap ng malaking tagumpay, ngunit ibabagsak ka sa impyerno ng pagkaganid. Feng Mian, bilang tao na may malaking kapangyarihan, pag-isipan mo ang mga bagay na sinabi ko."

Unti-unting namutla ang mukha ni Feng Mian. Tumungo siya sa paggalang at nanatiling tahimik.

Umihip ang hangin sa karwahe. Sa ilalim ng anino ng kumukutitap na apoy, ang ekspresyon ni Yan Xun ay biglang hindi mabasa.

Nakaramdam ng ginaw si Feng Mian pababa ng kanyang likod nang bigla niyang naalala ang mga salita ni Chu Qiao dalawang taon ang nakakaraan bago siya umalis, "Tapat ka, maalaga, matalino, matapang. Lahat ng tungkol sayo ay maganda bukod sa katotohanan na masyado kang mahusay."

Hindi niya ito pinaniwalaan at hindi maingat na kinonsidera ang mga salitang iyon. Ngunit sa puntong ito, habang nakatingin sa amo niya, bigla siyang naliwanagan. Maingat niyang pinulot ang roba at kinumot kay Yan Xun. Kahit na alam niyang hindi pa tulog si Yan Xun, maingat siyang hindi gumawa ng kahit isang ingay. Unti-unting sumulong ang karwahe sa mga tao. Biglang nagambala si Feng Mian. Taos-puso niyang hiniling na mananatiling ligtas ang amo niya sa paglalakbay na ito at madaling makakabalik ang binibini sa tabi ni Yan Xun. Siguro, ang tanging pinagkakatiwalaan ni Yan Xun ay ang binibining iyon lang.

Sa gabi ng tag-init na iyon, ang mga kasamang sundalo ng Yan Bei ay nagpalit ng kasuotan ng Xian Yang at ginamit ang mga kabayo nila. Sa pangalawang araw, sa ilalim ng paghatid ng dakilang mangangalakal na si Liu Mingjun, ang mga ito ay nilisan ang syudad ng Xian Yang at galanteng tumungo sa Tang Jing.

Related Books

Popular novel hashtag