Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 96 - Chapter 96

Chapter 96 - Chapter 96

Tumango si Zhuge Yue at nagdala ng ilang tagasilbi si Yue Qi para tanggalin ang sagabal sa harap. Sa mabilis niyang pagsuri sa buong pamilihan, naririnig niya ang iyakan ng mga babaeng alipin. Nang inilingon niya ang kanyang ulo, nakita niya na nasa 8 hanggang 12 taong gulang lang ang mga bata at nakasuot ng gamit na gamit na kasuotan na hindi masyadong natatakpan ang kanilang katawan. Ang matandang lalaki ay mukhang lagpas na sa animnapung taong gulang at nakasuot ng marangyang pulang kasuotan na may gintong ingot na nakaburda. Ngayon, may masamang ngiti sa kanyang mukha habang mapanikis na hinahawakan ang malambot na mukha ng mga batang babae.

Nagdikit ang kilay ni Zhuge Yue ang kanyang mata ay napuno ng hindi pagsang-ayon at pandidiri. Ikinumpas niya ang kamay at sinenyasan si Zhu Cheng na lumapit. "Bilhin mo iyong mga batang iyon." Utos ni Zhuge Yue.

"Master?" natigilan si Zhu Cheng. "Bakit tayo bibili ng alipin? Mahirap iyon habang nasa daan tayo."

"Kapag sinabi kong bumili ka, ibig sabihin kailangan mong gawin. Bakit naguguluhan ka?"

Dahil napagsabihan, nanginig si Zhu Cheng at agad na kumilos. Sa oras na ito, nakarinig siya ng malalakas na pagalit. Lumingon si Zhuge Yue para tignan ito at nakakita ng malinis at kaaya-aya na lalaking alipin ang sinipa sa tabi. Pagapang siyang tumayo na mukhang nasasabik, na para bang may nais siyang sabihin. Ang lalaking iyon ay masyadong malayo kay Zhuge Yue kaya hindi marinig ang sinasabi niya.

Hindi rin ito pinansin ni Zhuge Yue ngunit hindi sinasadya na nakita niya sa gilid ng hawla na mayroong isang mahinang kabataan ang nakaupo. Ang balikat at kasuotan ay nahaharangan ng ibang alipin at tanging kamay at ibabang katawan ang nakikita.

Sa isang iglap ay para bang tinamaan siya ng kidlat! Nangunot ang noo ni Zhuge Yue at matalas na siniyasat ang hawla. Kahit na isa lang itong kamay, nakaramdam siya ng malakas na pagkapamilyar dito. Para bang nagsimulang kumulo ang kanyang dugo at ang kanyang puso ay bumilis kasabay ng pagkulo ng dugo niya. Hindi na niya masyadong inisip pa na tumalon sa kanyang kabayo at malakas na itinulak ang mga tao.

Napakalaki at magulo ang kumpol ng tao, at ang kanyang pagtulak sa mga tao ang nagdala ng pagalit. Walang pakialam sa kanila na nanatiling nakakunot si Zhuge Yue at pagkatapos ng madaming pagsisikap ay nakarating siya sa harap ng mga tao. Hawak-hawak ang bakal na harang ng hawla, hinanap niya ang may-ari ng kamay na iyon.

Nangangamoy basura ang hawla at puno ng nagyuyumukyok na mga katawan at natatakot na mga mata. Marami ang maingat na tumingin sa kanya at nang mapansin ang tumatagos na tingin, agad silang umiwas ng tingin.

Wala dito, wala dito, wala pa rin dito! Lumitaw ang galit sa loob niya. Hindi nasisiyahan na paulit-ulit sa paghahanap si Zhuge Yue ngunit hindi siya nakakita ng kahit anong bakas. Mali nga ba ang nakita niya? Yamot siyang tumayo sa harap ng hawla, ang pagsimangot ng mukha niya ay mas malalim pa sa dati.

"Master!" lumapit sa kanya si Yue Qi na naguguluhan sa kanyang kilos at maingat na sinabi, "Pwede na tayong umalis ngayon."

"Master! Master!" tumatakbong lumapit si Zhu Cheng na may nakasunod na halos isang dosenang batang babae. Ang mga batang ito ay naibenta ulit at napabuntong-hininga sa ginhawa dahil hindi na nila kailangan pagsilbihan ang kilalang mahalay na iyon. Takot na tumingin sila sa kanilang bagong amo at agad na napagtanto na sinwerte sila. Naiingit na tinignan sila ng mga alipin na nasa hawla pa rin at desperadong umasa na ang mayamang binata na ito ay magiging mahabagin na bilhin din sila.

"Master?" maingat na tawag ni Zhu Cheng. Nakapukol pa rin ang tingin ng young master sa hawla. Maaari bang may nagustuhan siyang isa pang alipin?

"Halika na." Tumalikod si Zhuge Yue at dinala ang kanyang mga tagasilbi paalis sa hindi tama o mali na lugar na iyon. Isang nakakakilabot na sigaw ang narinig nang kakatalikod niya lang. Ngunit alas, ang sigaw na iyon ay natakpan ng pinagsama-samang palakpakan ng mga nanonood nang makita nila ang grupo ng mga babaeng alipin na umakyat ng entablado. Dahil doon, hindi napansin iyon ni Zhuge Yue at dinala na palayo sa tindahan ni Boss Mu ang mga tauhan niya at patungo sa Water Transport Yamen.

Ang natutulog na babae ay napairit sa sakit at bumagsak sa dibdib ni Liang Shaoqing. Ikinaway ng matandang doktor ang palaso kay Boss Mu at sinabi, "Tignan mo, napakahabang palaso ang nakabaon sa kanyang balikat. Kung naiwan pa ito ng isang araw sa kanyang balikat, kahit ang mga diyos ay hindi na siya maililigtas pa!"

Sa tolda sa likod ng hawla, naiinip na nagsalita si Boss Mu, "basta't buhay ang bata, ayos lang iyon. Mamaya, mayroong mga mayayamang tao ang darating. Ihalo siya sa hawla at ibenta. Pagkatapos niyang makaalis sa atin, wala na akong pakialam kung mabuhay siya o mamatay." Tumalikod na siya at umalis ng tolda pagkasabi niya noon.

Mahabang napabuntong-hininga sa ginhawa si Liang Shaoqing at pinasalamatan ang doktor. "Doktor, salamat talaga sa tulong mo."

Parang isang mahabaging tao ang doktor. "Ang taong ito ay kailangan lang magpahinga para gumaling. Sa kabilang banda, para malunasan siya ay nabugbog ka. Masasabi ko na isa kang iskolar, paano ka nakaligtas doon? Ang kapus-palad!"

"Doktor, huwag ka mag-alala, ayos lang ako."

"Halika dito, susuriin din kita."

Maingay ang mga tao at ang langit ay malinaw na hindi makikitaan ng ulap. Kalaliman ng Hunyo, ang klima sa timog-silangang rehiyon ay mainit. Mga ibon ng lahat ng uri ay lumilipad sa ibabaw ng mga tao at pumipinta ng tanawin ng kasaganahan.

Malalim na nag-iisip si Zhuge Yue habang nakaupo sa taas ng kanyang kabayo na hindi nagsasalita.

"Master? Master?" ilang beses na tawag ni Zhu Cheng sa kanya bago niya ito napansin. Bumalik sa reyalidad ang young master at nagtanong, "Anong nangyari?"

Napabuntong-hininga si Zhu Cheng at sumagot, "Bibili ba ako ng ilang kabayo at karwahe? Imposibleng masundan tayo ng mga batang ito na gamit lang ang mga paa nila, diba?"

Tumalikod si Zhuge Yue para lang makita ang mga batang alipin na pawis na pawis na at labis na hinihingal sa paghabol sa kanyang kabayo gamit ang maiikling mga paa. Puno ng antisipasyon na tumingin sa kanya ang mga bata kahit na makikitaan pa rin ito ng takot.

"Sige," pagpayag ni Zhuge Yue, "Habang nandoon ka na, bumili ka na rin ng mga bagong damit."

"Masusunod, aalis na ako ngayon." Umalis na si Zhu Cheng at nagpatuloy sila. Ang ilan sa mga tagasilbi ay tahimik na nagtsismisan. "Napakabait ng master sa mga alipin."

"Hindi mo alam? Mabait na talaga ang master sa mga alipin."

"Manahimik!" tumalikod si Yue Qi at pinagsabihan ang mga tsismosa na iyon.

Mabagal na gumalaw ang grupo, at pagkatapos ng isang oras ay nakalayo na sila sa pamilihan. Ang mga kalye ay tumahimik na at nakikita na ang Water Transport Yamen.

"Master!" tunog ng maraming yabag ng kabayo ang nanggaling sa likuran nang dinala ni Zhu Cheng at ng iba pang tagasilbi ang mga kabayo at dalawang karwahe. "Master, tapos na ang lahat."

Tumango si Zhuge Yue at pinasadahan ng tingin ang mga kabayo. Bigla ay nangunot ang kanyang noo at ang kanyang mata ay naningkit na parang isang leopard na nakita ang bibiktimahin nito. Pinalapit niya ang kanyang kabayo sa itim na itim na kabayo. Iba ang kabayong ito sa mga kabayo na nandoon dahil alerto ito nang lumapit siya. Kahit na nakarenda, umatras pa rin ito ng ilang hakbang at nagsususpetsyang tumingin sa kanya. Balisa nitong hinuhukay ang paa sa lupa. Ang katawan nito ay puno ng sugat. Malinaw na nasaktan muna ito bago mabili.

"Liu Xing?" umalingawngaw ang malalim niyang boses. Agad na tumaas ang tenga ng kabayo at gulat siyang tinignan. Nagbago ang mukha ni Zhuge Yue at nagpatuloy magsalita, "Liu Xing, ikaw ba talaga yan?"

Nagalak ang kabayo at magiliw na lumapit. Sumungkal ito sa kamay ni Zhuge Yue na parang nakita ulit ang dating kaibigan.

"Saan mo nabili ang kabayong ito?"

"Sa pamilihan ng kabayo sa harap."

"Dalhin mo ako doon."

"Master, mahuhuli na tayo. Siguro ay hindi na dapat..." sagot ni Zhu Cheng.

"Dalhin mo ako!" sigaw ni Zhuge Yue na seryoso ang mukha. Nagulat si Zhu Cheng dito at napaluhod. "Naiintindihan ko." Walang pasintabing sagot niya.

Inakala ng nagtitinda ng kabayo na may mali sa mga kabayo niya nang nagmamadali silang pumunta doon kaya madali siyang lumapit at nagtanong.

"Ang kabayong ito, saan mo ito nakuha?"

Agad nagbago ang mukha ng nagtitinda ng kabayo at ngumiti ng malaki. "Master, nagbibiro ka ata. Akin mismo ang kabayo na ito na pinalaki ko mula pagkabata."

Nandilim ang mukha ni Zhuge Yue. "Tatanungin kita ulit, saan mo ito nakuha?" mabagsik niyang tanong.

"H-hindi ako nagsinungaling!"

"Sasagot ka ba?" hinila ni Yue Qi ang kanyang espada at inilagay ito sa leeg ng nagtitinda ng kabayo.

"Patawarin niyo ako at bigyan pa ng isang pagkakataon!" mababang yumuko ang nagtitinda ng kabayo at nagmakaawa. "Nakita ang kabayo na ito na walang sakay sa Tang Ma Ridge nang naglalakbay ako! Hindi ko inakalang sa inyo iyan! Kung alam ko lang na sa inyo iyan, kahit pa sampung beses na mas malaki ang tapang ko, hindi ako mangangahas na hawakan iyan!"

"Giddyup!" itinalikod ni Zhuge Yue ang kabayo niya at tumakbo sa orihinal na daan. Nagulat ulit si Zhu Cheng dito. Nang makahabol siya ay nagtanong ito, "Master? Saan tayo patungo?"

Napasimangot nanaman si Zhuge Yue at ang kanyang mukha ay hindi makikitaan ng ekspresyon. Ngunit ang kanyang tingin, malabo na makikitaan ng pagkagiliw na mahirap itago. "Sa pamilihan ng alipin." Mabagal ngunit matatag niyang sagot.

Abala ang mga kalye, at habang ang kanilang mga kabayo ay mabilis na tumatakbo, ang mga taong naglalakad ay nadadapa at bumabagsak. Patuloy sa pagpapabilis ng kabayo niya si Zhuge Yue habang ang kanyang asul na asul na damit ay nililipad-lipad ng hangin na parang isang falcon na inuunat ang pakpak.

Mabalik nang kakaalis lang ni Zhuge Yue sa pamilihan ng alipin, isang pangkat ng mga tao ang di nagtagal ay dumating. Tumalon pababa ng karwahe ang mayordomo habang si Boss Mu ay sumunod at nilibang siya.

"Sa wakas ay nakarating ka na. Naihanda na ang mga alipin para sayo, naghihintay nalang na pamilian mo." Marahan na saad ni Boss Mu.

Lagpas 60 taon gulang na ang mayordomo at nakasuot ng maayos at malinis na blusa. Ang kanyang buhok ay walang kamalian ang pagkakasuklay at mukha talagang maaasahan. Lumakad siya sa harap ng mga alipin at panandalian itong siniyasat mabuti bago nag-umpisang magturo. "Ito, ito, iyon, at ito..."

Sumunod sa kanya si Boss Mu at naglabas ng sulatan para maitala lahat. Sa ilang saglit ay nakapili na ng 25 alipin ang mayordomo. Tumalikod siya at sinabi, "Ayos na, iyon lang lahat."

"Ano?" natigilan si Boss Mu. "Ito lang? Hindi ka na ba titingin pa? Marami pang malalakas na mga alipin. Gusto mo rin bang tumingin sa likuran?"

"Ang sabi ko ay iyon lang lahat, diba?" matatag na pinanindigan ng matandang lalaki ang desisyon niya.

Nagulat si Boss Mu at agad na sumang-ayon. "Oo, tama. Ang dami ng nasabi ko."

Nang paalis na ang matandang lalaki, isang malutong na boses ang narinig. "Mahusay na ginoo, pakiusap bigyan mo ako ng minuto!"