Isang sigaw ang pumutol sa kanilang pag-uusap kasunod ang malakas na boses na may sinisigawan, "Ang gagaling niyong mga hampas-lupa kayo! Nagawa niyo pang magnakaw?! Ayaw niyo ng mabuhay?!"
Kunot noo na lumabas si Lin Xi, sinubukan siyang pigilan ni Zhi Xiang at pabulong na sinabi, "Lumabas ka sa likod na pintuan, hindi ka nila pwedeng makita! Papatayin ka ni fourth master!"
"Hindi…"
"Dalian mo na!"
Walang mag-aakala na sa halos magibang kubo nila ay may nakatagong pinto dito. Nang buksan ni Lin Xi ang pintuan, mahigpit na hinawakan ni Zhi Xiang ang kanyang braso bago seryosong sinabi, "Kahit na anong mangyari, wag na wag kang babalik." Matapos ang kanyang sinabi ay agad itong lumabas ng pinto.
Iyak ng mga bata ang maririnig kasabay tunog ng hagupit sa mga ito. Isang matabang babae ang pumapalo sa kanila habang patuloy silang sinisigawan, "Hindi ba't kayo ang mga anak ng mayayaman na Jing?! Sino nga naman ang makakapag-isip na ganito ang kahihinatnan niyo? Ang mga kapatid niyo ay mga p*ta na sa Shi Hua Lane samantalang kayo naman ay mga magnanakaw. Isang pamilyang kasuklam-suklam!"
"Lady Song, alam namin ang aming pagkakamali, hindi na po mauulit." Agad na pumagitna si Zhi Xiang sa mga bata at sa babaeng mataba, siya ang nakatanggap ng mga hagupit sa kanyang mukha na agad nasugatan at dumugo. Lumuhod is Zhi Xiang at nagmakaawa sa babae na halos yakapin na niya ang laylayan ng damit nito. "Hindi na po talaga mauulit."
"Buti naman at alam niyo ang maling ginawa niyo? Natauhan ba kayo matapos makatikim ng palo?"
Ipinagpatuloy nito ang paghagupit sa mga bata na walang kalaban-laban. Di ito kinaya ng katawan ni Xiao Qi ang sakit ng mga palo, sa simula pa lang ay di na maganda ang pakiramdam nito. Matapos ang ilan pang palo ay nawalan na siya ng malay. Lalong nag-iyakan ang mga bata ng makita ang nangyari sa kanya, pero parang masaya ang babae sa ginagawa niya kaya nagpatuloy pa rin ito sa pamamalo at mas naging malakas pa ang mga hagupit niya.
Muli siyang papalo ngunit walang iyak na narinig. Napatingin siya sa batang babae na nasa kanyang harap. Kahit na payat ito, iba ang pamamaraan niya ng pagtitig. Ang madumi nitong kamay ay nakahawak sa dulo ng kanyang latigo bago sinabing, "Tama na."
"Hoy ikaw! Naghahanap ka ng gulo?"
"Yue Er! Bitawan mo yan, Yue Er!" gumapang si Zhi Xiang para mahatak ang damit ni Chu Qiao. Umiiyak nitong sinabi na, "Humingi ka ng tawad kay Lady Song."
Pero di natinag si Chu Qiao. "Subukan mong hagupitin
"Hindi sila ang makakatikim sa akin kundi ikaw!" Galit nitong sigaw kay Chu Qiao. Matapos ang kanyang sinabi bumwelo ito at at buong lakas na ihahaplit ang latigo kay Chu Qiao. Tumawa ng nakakaloko si Chu Qiao bago hinablot ang belt na dapat ihahaplit niya. Pagkatapos ay pinatid siya ni Chu Qiao kaya natumba ito sa sahig.
Masayang nagsisigawan ang mga bata matapos mapatumba ni Chu Qiao si Lady Song. Lumuhod si Chu Qiao bago ngumisi, "Hindi ka ba magsusumbong?"
Madaling tumayo si Lady Song bago sinabing, "Maghintay ka!" Bago tuluyang umalis sa kanilang bakuran.
Maiyak-iyak si Zhi Xiang sa pag-aalala habang patakbo kay Chu Qiao. "Yue Er, paano na to? Malaking problema to. Ano na ang gagawin natin?"
"Bantayan mo sila," ang tanging sinabi ni Chu Qiao bago sumunod kay Lady Song.
Nakabisado niya na ang daan ng dinala siya sa kanilang kubo. Matapos lumiko ng dalawang beses, nakita niya ang babaeng nagmamadali sa pagtawid sa tulay. Dahil sa laki niya, hinihingal na siya kahit hindi pa siya nakakalayo.
Nagtago si Chu Qiao sa mga damo at sinuri ang kanyang kapaligiran, matapos niyang mapagtanto na walang kahit na sino doon, agad siyang dumampot ng bato at buong lakas niyang ibinato sa babae.
Ilang sandali lang ang kinailangan ni Chu Qiao para mapatumba si Lady Song. Napatili ito bago nalaglag sa tulay.
Nasa kalagitnaan na ng winter kung kaya't nabalot na ang lawa sa makapal na yelo. Hindi naman ito nabasag ng malaglag siya, ngunit matinding sakit ang nararamdaman niya.
Lumabas si Chu Qiao sa pinagtataguan niya at mahinahong naglalakad papunta sa tulay bago sinilip ang babaeng nakahiga sa baba bago sumigaw, "Kailangan mo ng tulong?"
Napatingin si Lady Song sa pinanggalingan ng boses. Gamit ang napaka-amo na tono ng kausapin niya ito, "Mabuting bata, pwede bang humingi ka ng tulong para sa akin? Hindi ako makabangon sa sakit."
Humalakhak si Chu Qiao ng napakalakas bago siya ngumiti at binuhat ang isang napakalaking hanggang lampas ng kanyang ulo.
Namutla si Lady Song nang makita ang plano ng bata, nangangatal niya itong tinanong, "Ikaw...anong gagawin mo?"
Binitiwan ni Chu Qiao ang hawak niyang bato at di na hinayaan pang makahingi ng tulong si Lady Song. Agad na nabasag ang yelong sahig at nalunod si Lady Song sa ma-yelong tubig bago tuluyang lumubog.
Naiwan na nakatayo si Chu Qiao sa tulay na mukhang kalmado, walang pagbabago sa kanyang ekspresyon.
Mabagsik ang mundong kanilang kinaroroonan. Para mabuhay, kailangan mong alisin lahat ng magiging sagabal ng walang alinlangan.
Umikot at naglakad pabalik si Chu Qiao ng walang pagsisisi. Sa pagdating niya sa kanilang bakuran nagsilapitan lahat ng bata sa kanya. Halos lahat ay may galos at umiiyak. Niyapos ni Chu Qiao si Xiao Qi na kakagising lang at sinabing, "Wag kang matakot, okay na ang lahat."
Sa bakuran na kinaroroonan ni Chu Qiao ang may pinakamababang antas sa lahat ng mga alipin ng mga Zhuge. Dito, ang mga batang babae ay namumuhay na mas masahol pa sa mga hayop. Hindi na nila mapigilan ang kanilang luha na tumulo kaya't umiyak nalang sila para sa kalungkutan na kanilang nadarama.
Pagdating ng hapunan, ang matandang nag-aasikaso sa mga batang Jing ay nag-utos na magtrabaho na sila. Kahit ang mga batang sugatan gaya nila Xiao Qi at Zhi Xiang ay pinag-trabaho. Tanging si Chu Qiao at Xiao Ba na may tama sa kanyang baywang na natutulog ang natira sa loob ng kubo. Noong madaling-araw lamang sila nakabalik matapos ang kani-kanilang mga trabaho. Pagkakain nila ng hapunan, masunurin namang natulog ang mga bata. Dinagdagan ni Zhi Xiang kahoy ang bed-stove para manatili itong nag-aapoy. Ang mga peklat sa kanyang mukha ay pulang-pula at namamaga pa rin.
Napakatahimik sa kanilang kubo na maririnig ang kahit ang galaw. Suot ang damit na binigay ni Zhi Xiang, tumayo si Chu Qiao at lumapit sa kanya, "Kapag hindi mo ginamot ang mga sugat mo, magpepeklat yan."
Mula sa liwanag na galing sa apoy, makikita ang kapayatan ni Zhi Xiang. Tumingin siya kay Chu Qiao bago sinabing, "Yue Er, hindi pwedeng gumamit ng gamot ang mga katulad nating mga alipin. Nung huli na may dala si Lin Xi na gamot na ginamit ni Xiao Qi ng patago, hindi namin alam panganib na kaakibat nito. Kunng may nakaalam nito, maaring patay na ang lahat. Kaya hindi natin gagalawin ang sugat ko sa mukha."
Habang nag-uusap sila ay may narinig silang bumagsak. Sabay nilang lumingon at nakita na sinipa ni Xiao Qi ang kumot niya. Tumayo agad si Zhi Xiang at nilagay pabalik ang kumot nito. Pinunasan niya ang pawis na namuo sa kanyang noo bago bumalik malapit sa apoy.
Tinitigan ni Chu Qiao si Zhi Xiang, hindi pa siya sampung taong gulang pero bitbit niya ang responsibilidad para sa lahat ng mga bata. Bakit naman kailangan ng mga Zhuge ang mga bata na ganito ang mga edad?
"Ate Zhi Xiang," pabulong niyang tawag dito bago tumabi sa kanya. "Nakapunta ka na sa Jiang Nan?"
"Jiang Nan?" takang tanong ni Zhi Xiang. "Saan ang Jiang Nan?"
"Alam mo ba kung saan ang Dilaw na Bundok
Umiling lang si Zhi Xiang bago sumagot, "Ang alam ko lang ay matatagpuan ang Hong Mountain sa kanlurang bahagi ng Hong River at di rin kalayuan dito ang Cang Li River. Bakit mo pala natanong, Yue Er?"
Nakatulala lang si Chu Qiao na malalim ang iniisip. Umiling ito bago sinabing, "Wala, gusto ko lang tanungin. Nga pala, Ate Zhi Xiang, alam mo ba kung sino ang emperor natin ngayon?"
"Ang emperor ay ang emperor. Paano namin mababanggit ang pangalan niya. Pero alam kong laging nakasuot ng itim at madalas sa mga Zhuge ay ang pang pitong anak ng emperor na si Zhao Che. siya ang pinaka batang prinsipe ng Xia Empire na nabigyan ng titulo na hari."
Pumasok sa isipan ni Chu Qiao ang itsura nitong walang ekspresyon ngunit parang galit. Naningkit ang kanyang mata bago inulit ang pangalan na sinabi nito. "Zhao Che?"
"Yue Er, ano bang nangyari sayo? Kakaiba ka simula nang bumalik ka. Anong sinabi mo kay Lady Song? Paanong pinalagpas niya lahat ng ganon na lang?"
Ngumisi si Chu Qiao bago sinabing, "Okay lang ako, wag ka mag-alala. Hindi niya papalagpasin ang nangyari pero nalaglag siya sa lawa at nalunod. Nakita ko mismo kaya wag mo ng isipin na babalik pa si Lady Song kahit kanino."
"Patay na siya?" namumutlang nagulat na tanong ni Zhi Xiang.
Madaling tinakluban ni Chu Qiao ang bibig nito bago tinignan ang paligid. Matapos makitang walang nagising seroyoso nitong sinabi, "Walang ibang nakakaalam nito bukod sa ating dalawa. Kaya wag mo sasabihin sa iba. Masama siyang tao kaya napakaraming rason para mamatay siya. Patay na siya, kaya wag ka ng mag-alala."
"Yue...Yue Er," nangangatal niyang sambit. "Hindi...hindi mo siya pinatay di ba? Mag-isa siyang nalaglag hindi ba? Yung… yung anak niya yung counselor guard ng korte. Hindi natin kayang kalabanin yun."
Natawa si Chu Qiao bago tinuro ang sarili niya. "Sa tingin mo kaya ko siyang patayin? Wag ka masyado mag-isip. Marami na siyang ginawang masama, kahit walang pumatay sa kanya paniguradong Diyos na ang bahala sa kanya. Matulog ka na, alam kong pagod ka na."
Umiling si Zhi Xiang bago sinabing, "Kailangan kong bantayan ang apoy."
"Ako na, wala rin naman ako gagawin bukas dahil sa mga sugat ko. Kaya magpahinga ka na."
Tahimik na nakaupo si Chu Qiao habang dinadagdagan ang kahoy sa apoy. Sinilip niya ang mga bata at kumirot ang kanyang dibdib. Wala siyang magawa, bigla nalang siya napadpad sa panahon na ito at nasa katawan pa ng batang si Jing Yue Er. Wala na ang kanyang mga martial art skills. Hindi niya ma-alagaan ang sarili niya paano pa kaya ang iba? Ang lahat ng ginawa niya ngayon ay kabayaran para sa lahat ng ginawa ni Lin Xi para sa kanya. Pagkatapos ng lahat ng to, kailangan niyang maka-alis kaagad.
Maya-maya pa ay pinikit niya ang kanyang mata. Alam niya na limitado lang ang kaya niyang gawin. Pero sa kasalukuyan niyang kondisyon, wala siyang abilidad para pasanin lahat ng problema nila.
Tumilaok ang mga manok pagsikat ng araw. Maagang nagising ang mga batang Jing, nagbihis sila at nag-ayos para sa buong magdamag.
Pero kahit na nawala ang mga martial arts skills niya, malinaw pa rin ang kanyang pag-iisip. Hindi man siya ang Chu Qiao na super agent mula sa 9th operational division pero hindi mawawala na sumabak siya sa military training. Malaki ang lugar ng mga Zhuge at napakaraming tao dito, pero para sa isang walong taong gulang na may matalas na pag-iisip mukha pa rin itong playround.
Sa loob ng kalahting oras, lumabas siya sa kanilang bakuran at pumunta sa harap. Mas maraming bantay dito at may mga buhat silang mga armas. Hindi ordinaryong pamilya ng mga Zhuge, mapapansin ito sa pamamaraan palang ng pagtawag ni Zhuge Huai kila Zhao Jue, Zhao Che at iba pang mga kapatid niya ay.
Nakatayo siya ng diretso, ang maliit niyang katawan na nagmistulang parang isang maliit na puno. Inayos ni Chu Qiao ang kanyang damit bago tuluyang lumabas.
Isang matangkad na sundalo ang lumapit sa kanya, hugis bilog ang mukha nito at mataba ang pangangatawan. Napatigil si Chu Qiao at tumingin sa sundalo. Malambing niyang sinabing "Kuya, inutusan ako ng old master na pumunta sa kanyang outer quarters. Sabi nila pag di daw ako dumating, papayatin nila ako."