Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 12 - Chapter 12

Chapter 12 - Chapter 12

"Tumalon siya sa bangin."

"Ano?! Sa tingin mo tanga ako? Sinasabi mo bang sinet-up ka ni Jing Xing Er pagkatapos ay nagpakamatay siya?"

"Hindi…"

"Kasinungalingan!" sigaw ni Zhu Shun, "Matagal ka na rito at maganda ang naging pakikitungo ko sayo. Dapat sinarili mo na ang gulo niyo ni Jin Zhu sa Qing Shan Court pero bakit kailangan pa akong madamay? Ngayon, ano na naman itong gulo na pinasok mo? Gusto mo bang mapahamak ako sa iba pang masters?"

"Butler Zhu, maniwala po kayo sa akin."

"Kayo na ang bahala sa kanya!" sigaw ni Zhu Shun bago narinig ang isang nakakatulig na sigaw.

Sa kabilang dako, mahigpit na nakakapit si Chu Qiao sa lubid habang nakalambitin sa gilid ng bangin. Inugoy ni Chu Qiao ang katawan niya hanggang sa makapasok siya sa loob ng kweba. Nabuo ang octagonal mountain dahil sa mga charcoal rocks. Tuwing tagsibol, may kulay purple na lumot ang lumalabas sa mga charcoal rocks. Kakaiba ang amoy nito na nakapagpapakalma kapag inapuyan ito. Kaya tuwing tagsibol, kinukuha ng mga tauhan ng Zhuge ang mga ito hanggang sa nakahukay sila ng isang butas na kasing laki ng tao. Matagal tagal na rin si Chu Qiao sa bakuran na tinitirahan nila kaya napag-alaman niya ang mga bagay-bagay. Maingat niyang itinabi ang lantang damo na kinuha niya pati na rin ang lubid habang hinihintay umalis ang mga tao.

Biglang naramdaman ni Chu Qiao ang hininga sa likod ng kanyang tenga at narinig ang boses ng isang lalaki. "Ikaw, paano mo nagawa yan?" natatawang sabi ng lalaki.

Gulat na gulat namang humarap si Chu Qiao at sinubukang ihampas ang kawit sa dulo ng kayang lubid.

"Ang hirap isipin na bata ka lang na wala pang sampung taong gulang." kalmadong sabi nito habang mabilis niyang hinawakan ang kamay ni Chu Qiao.

Gamit ang isang kamay, madaling naipako ang katawan ni Chu Qiao sa sahig. Hindi naman siya natinag at tinignan kung sino ang lalaki. Nagulat naman siya ng makita ang mukha nito at taas kilay na sinabing, "Ikaw?"

Nabigla naman ang lalaki sa reaksyon nito at minabuting aralin ang bata hanggang sa matandaan niya. Napangiti siya bago sinabing, "Bakit? Sino ba ako? Ikaw pala yan, mabisa ba ang gamot?" 

May magandang kilay ang lalaki at matangos na ilong, itim na itim ang kulay ng kanyang matalim niyang mata na nagtatago sa kanyang mabuting pagkatao. Siya lang naman ang natatanging guest sa gala na ngayon gaganapin. Ang Royal Highness ng Yan, Yan Xun. 

Determinado siyang hinarap ni Chu Qiao, "Bakit ka nandito? Anong pinaplano mo?"

Napangisi naman si Yan Xun sa asta nito, "Hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan?"

Maraming bagay ang pumasok sa isip ni Chu Qiao at ilang beses niya ring naisip na itulak ang lalaking nasa harap niya sa bangin. Habang pinag-iisipan kung ano ang dapat niyang gawin sinubukan niyang abutin ang patalim na nakatago sa tagiliran niya.

"Kung ako sayo mananahimik nalang ako at hindi na mag-iisip ng kung ano pang plano kung ayaw mong malaman nila na nandito ka. Napakabata mo pero ganito ka na kasama?"

"Kumpara sa inyo, malayo pa ako sa pagiging masama. Kung nagtatago ka dito, malamang ay may masama ka ring plano. Wag mo akong sitahin para sa mga bagay na ginagawa mo rin. Wag kang mapagkunyari at ituring na napakalaking tulong mo sa akin." taas kilay na sagot ni Chu Qiao.

Tumayo agad si Yan Xun matapos marinig ang sinabi ni Chu Qiao bago siya sumigaw. "Sinong nandyan sa taas?"

Napatigil ang hinga ni Chu Qiao ng hindi niya napigilan ito. Kapag nakita siya dito, mapapahamak din si Xiao Ba. Hinugot niya kaagad ang patalim niya at sinubukang isaksak kay Yan Xun.

Mabilis naman itong naiwasan ni Yan Xun pagkatapos ay tinakpan niya ang bibig ni Chu Qiao at ikinulong ito sa kanyang bisig. Narinig nila ang mga salita galing sa taas kaya sumilip si Yan Xun at sumigaw. "Ang Royal Highness niyo ang nandito at pinagmamasdan ang mga plum trees. Ano bang pinagkakaguluhan ninyo dyan? Bilisan niyo at umalis na kayo."

Bumaluktot naman agad ang buntot ni Zhu Shun ng makita si Yan Xun at agad yumuko para magbigay pugay bago umalis kasama ng mga tauhan niya.

Nakangiti na binitiwan ni Yan Xun si Chu Qiao bago sinabing, "Siguro naman pwede na nating sabihin na malaking tulong na ang ginawa ko para sayo, hindi ba?"

Maliit lang si Chu Qiao at hindi pa siya umabot sa balikat ni Yan Xun. Pinakinggan niyang kung wala ng tao sa taas. Matapos mapagtanto na wala na talaga, ihinagis niya ang kanyang lubid. Nang makumpirma niya na matibay ang pagkakakawit niya, saka lang siya umakyat na pinanuod lang ni Yan Xun.

Masasabing maliksi siya pero mukhang wala naman siyang background sa martial arts. Matapang siya at maingat sa mga galaw niya. Isang metro lang halos ang layo ng kwebang pinagtaguan nila sa taas. Sa isang talon ay narating ni Yan Xun ang tuktok.

Minabuting sinuri ni Chu Qiao ang paligid para masigurado na walang makakakita sa kanya. Pero bago siya umalis, humarap siya kay Yan Xun. "Hindi ako sanay na may utang akong pabor sa ibang tao. Kaya mamaya, bago ka umalis tignan mo muna ang kabayo mo."

Nagitla naman si Yan Xun, at ng makabalik sa kanyang sarili ay matagal ng wala ang bata. Sa kalayuan ay para siyang kawawang aso na gumagapang sa lubak na daan.

"Interesting!" nakangising sabi ni Yan Xun.

Pagbaba ni Chu Qiao sa octagonal mountain nadaanan niya ang ilang mga kakaibang mga bato bago siya nagpatuloy sa plum forest.

Sa araw na ito ay natipon ang mga kilalang pamilya ng Huang City sa Zhuge Court kaya maraming nagbabantay sa plum forest. Banayad na naglalakad si Chu Qiao at pumitas ng ilang bulaklak ng plum.

"Hoy! Ikaw! Pumunta ka nga dito!" sigaw na tila galing sa isang bata na nagmamataas ang tono.

Lumingon naman si Chu Qiao at nakita ang batang lalaki na nakasuot ng kulay emerald na robe na may masalimuot na burda ng puting buntot ng sable. Masigla ang itsura nito na may matangos na ilong. Nakatitig ang napa-itim nitong mata sa kanya bago sumigaw, "Oo, ikaw ang tinatawag ko!"

Napasimangot si Chu Qiao pero naisip niyang mas mabuti nang iwasan ang problema kaya yumuko na lamang siya para magbigay galang. "May kailangan pa po akong gawin, pasensya na po." pagkatapos niya magsalita ay umalis din siya kaagad.

Hindi ito inasahan ng prinsipe kaya't naiwan siyang tulala. Kinusot niya ang ilong niya bago hinampas ang latigo na hawak niya. "Bastos ka! Ang lakas ng loob mo!"

Narinig naman ni Chu Qiao ang hagupit kaya humarap siya dito at hinablot ang dulo ng latigo bago niya tinitigan ang bata.

Hindi niya alam na palaban ang mga tauhan sa tirahan ng mga Zhu, buong pwersa niyang hinila ang latigo pero walang nangyari. Nadismaya siya at nagalit, "Gusto mo na bang mamatay?! Uutusan ko ang mga tauhan ko na patayin ka!"

Ngumiti lang si Chu Qiao at hinila ang latigo. Nabitawan kaagad ito ng prinsipe at napunta sa kamay ni Chu Qiao. Sa kabila ng maliit nitong pangangatawan at murang edad, ang panlilisik ng mata nito ay masisigurong hindi galing sa bata. Naglakad palapit si Chu Qiao bago walang emosyong sinabi, "Ginagamit ang latigong ito para sa mga kabayo at hindi para manakit ng ibang tao." pagkatapos niyang magsalita ay inabot niya ang latigo at naglakad paalis.

Iba naman ang dating nito para sa prinsipe, matapos niyang makita ang kakayahan nito at katapangan niya ay humanga siya batang babae. Nabahala naman siya ng makita niyang paalis na ito, hindi maganda ang naging usapan nila dahil sa ego niya kaya naman nagmamadali niyang hinarang ang daraanan nito.

"Saan sa Zhuge Court ka naninilbihan? Anong pangalan mo? Kilala mo ba ako? Naniniwala ka bang kaya kitang ipapatay sa mga tauhan ko?"

Tinignan siya ni Chu Qiao bago itulak ang kamay niya na nakaharang. "Hindi mo ako matatalo kaya ngayon tatawag ka ng tauhan mo, weakling! Kung sino ka man, hindi ako interesadong malaman."

Naiwang nakatayo ang batang lalaki habang nakatulala siya kay Chu Qiao hanggang sa hindi na makita kahit ang anino nito.

Binati niya ang mga naroroon sa Qing Shan Court pagdating niya bago pumunta sa Xuan Hall. Nakahiga si Zhuge Yue na tamad na tumingin kay Chu Qiao.

Naglakad siya palapit sa isang jade vase bago pinaltan ang bulaklak ng plum flower na bagong kuha niya lang. Pagkatapos ay pumunta siya sa tabi ni Zhuge Yue at lumuhod sa tabi ng incense burner. Pinaghalo niya ang bulaklak ng plum pati basil bago maingat na inilgay ito sa incense burner at dahandahang pinaypayan ito. Ilang sandali lang ay nabalot na ang silid sa nakakaginhawang amoy nito, huminga ng malalim si Zhuge Yue bago ipikit ang kanyang mata. 

Ilang oras din ang lumipas at mukhang nakatulog si Zhuge Yue. sa sandaling iyon ay may maririnig na mga kilos sa labas kaya't nagising siya.

"Fourth Master, pinadala ni butler Zhu ang tauhan niya para ipaalam na nahuli niya si Jin Cai sa octagonal mountain na nag-iiwan ng rattan na palayok at maraming nakakalasong ahas."

"Kahit na bossy si Jin Cai, hindi niya kayang gawin yan. Anong sinabi niya?" mahinahong tanong ni Zhuge Yue na hindi pa halos maimulat ang mata.

"Sabi niya…" naputol ang sinasabi ng lalaki bago ito lumingon kay Chu Qiao. "Sabi niya sinusundan daw niya si Chu Qiao, sinabi niya rin na si Chu Qiao ang may pakana sa lahat ng nangyari sa kanila ni Jin Zhu. gumaganti daw siya dahil sa mga namatay niyang kamag-anak." halos pabulong na sabi ng lalaki.

"Xing Er," naupo si Zhuge Yuge bago inabot ang tasa niya, "Magpaliwanag ka."

Lumuhod si Chu Qiao bago sumagot, "Hindi ko po ginawa yun."

"Saan ka nagpunta?"

"Nagpunta po ako sa plum garden."

"May nakakita ba sayo?"

Napailing naman si Chu Qiao at nag-isip. "Nakita ko po ang young prince sa garden. Hindi siya galing sa court natin, lagpas siya ng sampung taong gulang at nakasuot ng jade robe na may puting buntot ng sable. Hindi ko po siya kilala."

"Hm, you go." tumango si Zhuge Yue bago nag-utos.

Hindi naman ito inasahan ng lalaki, "Ano po mangyayari kay Jin Cai…" hindi niya siguradong tanong.

Sumandal si Zhuge Yue bago sinara ang kanyang mata. "Pagbabayaran niya ang mga kasalanan niya, bahala na ang court sa kanya."

Tumango lang ang lalaki at umalis. Nabalot naman ng katahimikan sa loob ng silid at ang umuusok na incense.

"Xing Er, kinamumuhian mo ba ang court sa pagpatay sa mga kamag-anak mo?"

Napatingin naman si Chu Qiao sa baba bago sinagot ang tanong ni Zhuge Yue, "Master, bata palang ako ay naninilbihan na ako dito, kung hindi dahil sayo ay wala ako ngayong kama na matutulugan, mga maiinit na pagkain at mga damit. Bata pa po ako at hindi kaya ng puso ko pag-isipan pa mga bagay na yan. Gusto ko lang na makatulong sa inyo at tahimik na mabuhay." 

"Tama," tumatangong pagsang-ayon ni Zhuge Yue. "Tama ang iniisip mo. Kahit na bata ka pa, maasahan ka naman. Sa susunod, ikaw na ang mamamahala sa Xuan Hall."