"Opo! Salamat po Young Master!" sabi ni Chu Qiao bago magalang na yumuko. Matapos ang ilang sandali ay nagtanong siya, "Naniniwala po ba kayo na si Jin Cai ang nagset-up kay Ate Jin Zhu?"
Napabuntong hininga naman si Zhuge Yue. "Hindi malakas ang loob ni Jin Cai para gawin iyon pero kung kaya man niya, hindi siya matalino para makabuo ng ganong plano. Nakakatanda si Zhu Shun, pero dahil sa pagkakamali niya naparusahan siya. Napakalaki ng ego niya at nagdadahilan para takluban ang pagkakamali niya, okay lang yun. Pero, hindi niya dapat isisi sa mga tauhan ko ang kagagawan niya. Hindi pa rin siya natututo sa lahat ng naranasan niya."
"Bakit hindi niyo po tulungan si Ate Jin Cai? Mamatay siya sa parusa doon."
"Kung siya naman talaga ang gumawa, tutulungan ko siya pero ang dali niyang nahulog sa patibong ng iba at sapat na iyon para malaman ang katangahan niya. Wala akong makitang magandang rason para manatili siya sa tabi ko."
Tumatagos ang sinag ng araw mula sa mga crack sa dingding habang ang preskong amoy ng plum flowers naman ay nasimoy.
Halos sampung taon na rin simula ng nagtrabaho si Zhu Shun sa mga Zhuge at hindi niya sinayang ang mga panahong ito. Sapagkat talagang naniniwala siyang ang gulo ni Jin Cai at Jin Zhu ang dahilan kung bakit siya nadamay at naparusahan. Pero natatakot siyang baka hindi siya paniwalaan ni Zhuge Yue at isipin na tinatabunan niya ang kasalanan niya sa pagset-up kay Jin Cai kung kaya't hindi niya pinabayaan si Jin Cai sa court at nais nalang maghintay na isa pang araw para ibalita ito sa First Young Master.
Kinagabihan ay sobrang tahimik sa court. Sa napakadilim na woodshed ay matatagpuan si Jin Cai na puno ng galos, bukas ang kanyang mga sugat at puno ng marka na siguradong mula sa mga hagupit ng latigo. Mabigat ang naging parusa sa kanya at sa harap ngayon ni Jin Cai ay nakatayo si Chu Qiao. Sumalok si Chu Qiao ng tubig bago binuhos kay Jin Cai. Naalimpungatan naman si Jin Cai, pagkakita niya sa mukha ni Chu Qiao ay nagsisigaw ito. "Bruha ka! At may lakas ka pa ng loob para kitain ako!"
Nakatayo lang si Chu Qiao sa harap niya habang pinapakinggan ang mga sigaw at mura niya. Matapos ang ilang saglit ay ngumiti ito at nagsalita, "Kung gusto mo na talagang mamatay, sige, ipagpatuloy mo lang yan."
Kulay pula na ang damit ni Jin Cai dahil sa dugo, sobrang putla niya at hinihingal siya. Masama siyang nakatingin kay Chu Qiao.
"Wala naman akong intensyon na saktan ang ahas, pero gusto pa rin akong kagatin nito. Binalaan na kitang huwag mo akong kalabanin. Kung hindi mo ako sinusundan, sa tingin mo mangyayari ito? Ikaw ang may kasalanan sa lahat ng nangyayari sayo, bakit ako ang sinisisi mo?" umiiling-iling pang sabi ni Chu Qiao.
"Hindi ko gustong saktan ka, at sana magtanda ka na sa nangyari ngayon. Sa kasamaang palad, ayaw kang tulungan ng Fourth Young Master. Mukhang malapit na kayong magsama ni Jin Zhu sa Ting Lake." dagdag pa ni Chu Qiao
Lalo naman namutla si Jin Cai matapos niyang niyang marinig ang sinabi nito. Tumingin siya kay Chu Qiao na para bang nagmamakaawa. Nagmamadali siyang nagsalita, "Xing Er, hindi tayo magkalaban sa nakaraan at wala rin tayong masyadong galit sa isa't-isa. Si Jin Zhu ang may plano sa pagkamatay ni Lin Xi, tinanggap ko lang ang plano niya dahil wala rin naman akong magagawa. Kung kaya mong pumunta dito ng walang nakakapansin, sigurado akong matutulungan mo ako. Nagmamakaawa ako, iligtas mo ako! Ayoko pang mamatay!" pagkatapos ay umiiyak na si Jin Cai.
Napabuntong hininga si Chu Qiao bago inilapag ang bag niya bago kinausap si Jin Cai. "Wag ka munang umiyak. Sa tingin mo ba nandito ako para makipagkwentuhan lang sayo? Dahil ako ang dahilan kung bakit nasa ganitong sitwasyon ka, hindi kita pababayaan. Suotin mo ito at tutulungan kitang tumakas." lumapit siya kay Jin Cai at tinanggal ang tali na nakagapos sa kanya.
Natuwa naman si Jin Cai at nagtanong, "Makakatakas ba tayo? Mahigpit ang mga nagbabantay dito."
"Wag ka mag-alala, sinuhulan ko ang mga bantay sa likod. Pabalik na ang Young Master at hindi hamak na alalay ka lang, walang makakapansin nito. Hindi ka mamatay kung talagang makakatakas ka."
Nakasunod si Jin Cai sa likod ni Chu Qiao habang pareho silang tumakas mula sa bintana at dinaanan ang Red Hill Court. Bigla ay nakarinig sila ng yabag ng paa sa di kalayuan. Kaagad silang nagtago dahil mula pala sa mga narondang bantay ang mga yabag.
Binigay ni Chu Qiao ang bag niya kay Jin Cai bago bumulong, "Ako na ang bahala sa kanila, basta tumakbo ka papunta sa western gate. May usapan na kami ng nagbabantay doon. Kapag dating mo doon, sabihin mo lang ang pangalan ko at makakaalis ka na. Heto ang mga damit at pera, kay Ate Zhi Xiang ang mga yan, hindi ko alam kung magkakasya sayo. Yan lang ang kayo kong ibigay sayo dahil wala rin akong pera. Alagaan mo ang sarili mo, at kapag nakatakas ka, gawin mo ang tama." pagkatapos niya magsalita ay umalis siya at nagpunta sa kabilang direksyon. Nag-ingay siya para mapansin siya ng mga nagbabantay.
Binuksan ni Jin Cai ang bag at nakita ang kakarampot na pera, ni hindi nga siya makakabili ng inihaw na manok. Nagtaas naman ang kilay niya ng makita ang marurumi o sirang damit. Lalo siyang nadismaya. Naisip niyang imbis na maayos siyang naninilbihan dito ay magiging pugante siya. Kapag nahuli siya, talagang mamatay siya at si Jing Xing Er ang dahilan ng lahat ng ito. Napaka walang hiya.
Kinuha ni Jin Cai ang pera at tinapon ang bag sa sahig. Wala siyang pakialam sa kahihinatnan ni Chu Qiao kapag nakita ang bag matapos niyang makatakas.
Malamig ng ihip ng hangin at maliwanag ang buwan.
Sa mga oras na iyon, maririnig ang mga ungol at mga paghinga sa loob ng kwarto ni Zhu Shun. Napakalamig ng gabi sa panahon ng winter, at matagal ng nagpapahinga ang mga bantay. Maingat na naglakad ang isang bata papunt sa harap ng pinto ni Zhu Shun. Wala siyang ginawang kahit ano para makita o marinig ng ibang tao.
Nakaluhod si Chu Qiao sa tapat ng pinto ni Zhu Shun. Kumikinang ang kanyang mata sa makadilim na lugar. Nayamot naman ang lalaki, bago marinig ang kaluskos ng mga damit. Pumulot naman si Chu Qiao ng bato bago ito binato sa pinto. Hindi naman naging malakas ang tunog na ginawa nito pero sapat na para marinig ng nasa loob. "Sinong nandiyan?" sigaw ni Zhu Shun.
"Papunta na!" naiinis niyang sabi. "Gabing-gabi na, sino ba yan?"
Binuksan niya ang pinto pero walang tao sa labas. Sumilip siya at naglakad palabas. Pag-angat ng paa niya ay napatid siya sa lubid bago lumagapak sa sahig.
"Aray!" masakit niyang imik. Isang itim na sako ang bumalot sa kanyang paningin. Nagulat siya at napansin na may kakaiba sa ng nangyayari. Nagsisigaw siya at nagpapalag.
Madilim ang gabi at malamig. Hawak ni Chu Qiao ang kanyang patalim at kita sa mukha niya na may masama siyang balak. Isang nakakabinging irit na parang isang baboy na kinakatay ang narinig matapos hiwain ni Chu Qiao ang kamay ni Zhu Shun. Mahigpit na hinawakan ni Zhu Shun ang kanyang pulso at nagpagulong-gulong sa sahig. Mabilis na tumakas si Chu Qiao papunta kanluran tungo sa mga flowerbeds.
Pagkaalis niya ay kasunod ang mga yabag ng mga bantay na pumunta dahil sa sigaw ng isang babae na wala sa ayos ang damit. "Anong nangyari? Ah! Sinong gumawa nito sayo, Steward Zhu?"
"Hindi ko nakita kung sino yun. Kita lang na maliit ito, parang bata." sabi ng babae.
"Saan siya pumunta?"
"Pa-kanluran."
"Sundan siya!"
Mahigit sampu ang dumaan lagpas sa tinataguan niya. Ilang sandali lang ay palayo ng palayo ang mga boses at naging tahimik nang muli. Nagpagpag muna siya bago kampanteng umalis. Naging mabagal lang ang paglalakad niya.
Pagkalagpas niya sa mga kakaibang bato sa Red Hill Court, agad niyang napansin ang bag niya na nakakalat ang gamit. Inasahan na niyang mangyayari ito at napairap nalang. Pinulat niya ang kanyang gamit at pagkatapos ay pumunta na sa Qing Shan Court. Dahan-dahan siyang umakyat sa bintana, bago nagpalit at nagsuot ng pantulog. Ilang saglit pa ay maririnig ang mga boses sa labas at nakikita ang liwanag mula sa mga sulo.
Hinawi ni Chu Qiao ang buhok niya at nagkusot ng mata bago binuksan ang pintuan. Mukha siyang bagong gising sa ginawa niya. Pagbukas niya ng pinto ay nakita niya ang ilang mga alalay rin na lumabas din ng kani-kanilang kwarto.
"Anong nangyari?"
Nasa labing tatlo o apat ang edad ng mga alalay na naroroon pero mas mataas ang posisyon ni Chu Qiao. Wala silang alam sa nangyari kaya umiling lang sila nang marinig nila ang pagbubukas ng pintuan ng Xuan Hall, agad silang tumakbo papunta dito.
Malungkot na lumabas si Zhuge Yue at nakita si Chu Qiao at ang iba. "Anong nangyayari? Bakit maingay?" tanong niya sa bodyguard niya.
"Young Master, sabi nila ay may assassin raw ho. Pinutol ho ang kamay ni steward Zhu. Nahuli naman si Jin Cai sa western gate na tumatakas. Dinala na siya pabalik sa court."
Nagulat si Zhuge Yue pero hindi rin ito nagtagal. "Sinong mag-aakala na may ganitong ugali pala si Jin Cai." nakangising sabi niya.
Tinitigan naman ng bodyguard ni Zhuge Yue si Chu Qiao bago pinagpatuloy ang ulat niya. Nang mahuli si Jin Cai, sinasabi niyang sinet-up siya ni Jing Xing Er at wala daw siyang ginawa.
Lahat ay napatingin kay Chu Qiao matapos ang pagsasalita. Kita ang panlulumo sa mukha ni Chu Qiao at halos mangilid-ngilid ang luha sa kanyang mata. Humarap siya kay Zhuge Yue na para bang nagmamakaawa bagi sabihing, "Fourth Young Master, nasa… nasa kwarto po ako at natutulog. Wala po akong…"
"Fourth Young Master, nasa kwarto lang si Xing Er, nakita po namin lahat," isa sa mga katulong ang tumayo bilang saksi niya at sumunod rin ang iba para tulungan siya.
"Sabihin mo sa court na kapag nagpatuloy ang babaeng yun sa mga sinasabi niya, wag ng pag-aksayahan ng oras at itapon na lang siya sa lawa. Ilang taon lang si Xing Er? Habang tumatagal ay nagiging katawa-tawa ang mga sinasabi niya."
Naintindihan naman nila ito at umalis.
Tinignan muna ni Zhuge Yue ang mga alalay niya bago sinabing, "Magsitulog na kayo," pagkatapos ay naglakad pabalik sa Xuan Hall.
Hindi umalis sa kanyang pwesto si Chu Qiao, bakas sa mukha niya ang sama ng loob sa nangyari. Napansin naman ito ng iba kaya kinausap siya. "Wag kang mag-alala Xing Er, kami ang mga saksi mo. Hindi ka niya mapagbibintangan."
"Maraming Salamat mga Ate," sabi ni Chu Qiao na mangiyak-iyak ang boses.
Gabing gabi na at patuloy pa rin ang malamig na ihip ng hangin. Ito ang ika-7 araw matapos mawala ang mga bata mula sa pamilya ng Jing. Ang may kasalanan sa lahat ng ito ay nagbayad na gamit ang kanilang dugo.
Pero hindi pa sapat ang lahat ng ito.
Sa sumunod na araw ay naging usap-usapan ang nangyari sa "assassin". Galit na galit si Zhu Shun kaya inutisan niya ang mga tauhan niya na bugbugin si Jin Cai. Isa nalang ang magagamit niyang kamay ngayon. Panay galos na si Jin Cai at di nagtagal ay nawalan na rin ng buhay. Tinapon siya sa lawa, binalot muna siya banig bago ipakain sa mga buwaya.
Simula't sapul ay hindi talaga nakikipag-usap si Zhuge Yue at laging nag-iisa. Si Jin Cai at Jin Zhu lang ang dating nasa Xuan Hall pero ilang araw palang ay patay na silang pareho. Ngayon, tanging si Chu Qiao nalang ang natitira. Batang-bata ito at hindi pa umaabot ng walong taong gulang. Baby-face at may pambatang boses. Kahit na mahusay siya, sa mata ng iba ay kataka-taka na siya ang namamahala sa Xuan Hall. Sa loob ng kalahating araw ay may kumakalat na balita na sumunod ang Fourth Young Master sa yapak ng old grand master na may abnormal na pagnanasa para sa mga batang babae.