Ang Xia Empire ay nasa hilagang bahagi ng Hong River. Nakasanayan na ng mga tao dito na mag-aral ng martial arts, kaya ang hukbo nila ay magigiting. Simula pa sa kanilang mga ninuno na naglakbay para makahanap ng mga bagong oportunidad.
Pagsikat ng araw ay maririnig ang mahabang tunog mula sa orasan ng bayan. Napakaganda nitong pakinggan, kasabay nito ay ang pagbubukas ng mga gate. Ang pagsikat ng araw ang siyang hudyat ng pagsisimula ng araw sa Zhen Huang City na nasa kamay ng mahigpit na batas ng imperyo.
"Takbo!" isang strikto ngunit napakalinaw na sigaw.
Isang magandang itim na kabayo ang tumatakbo sa labas ng Zhen Huang city, kasabay nito ang pagtalsik ng mga nyebe sa daan. Gumagawa ng ingay sa bawat pag lapat ng paa ng kabayo sa sahig sa bilis nitong tumakbo.
"Yan Shizi, huli ka na!" sabi ni Zhuge Huai natatawa niyang sabi habang pina-abante ang kanyang kabayo.
Sa tabi niya ay may apat na mga binata, ang pinakabata ay labing isa o labing dalawang taong gulang at labing tatlo o labing apat na taong gulang naman ang pinaka matanda. Mukha silang gwapo at matatalino sa mga mamahalin nilang mga damit. Sabay-sabay silang lumingon sa lalaking papunta sa kanila, nang marinig nila ang boses nito.
Sumigaw si Yan Xun para huminto ang kanyang kabayo. Suot niya ay kulay azure na roba, may ginto at pilak ito na karp sa laylayan nito. Meron rin siyang suot na mahabang puting fur coat. "Narinig ko ang balita tungkol sayo, Brother Zhuge. Nasa bahay ang Eight Princess, hindi ko siya maiwang mag-isa. Pasensya na at naghintay kayo." Masiglang bati ni Yan Xun na mukhang batang bata sa kanyang mga ngiti. Ngunit kapansin-pansin ang halos magsara niyang mata. Mukha siyang elegante at marangal sa mink scarf na nasa kanyang leeg. Hindi pa siya matanda ng higit sa labing tatlo o labing apat na taong gulang pero hindi makikita ang bahid ng ugali ng pagkabata sa kanya.
"Hindi namin alam na may date ka pala kasama ang isang magandang binibini. Mukhang naabala pa namin kayo, Royal Highness," sabi ng isa sa mga prinsipe habang naglalakad. Suot nito ay kulay turquoise, may kabataan pa ito sa kanyang boses. Mukha siyang labing dalawa o labing tatlong taong gulang, Masaya ang mga mata nito habang nagsasalita.
Natawa si Yan Xun bago siya sumagot, "Nagbibiro ka ata, Second Prince of Wei. Kung hindi dahil sa ginawa mo, hindi ko mababasag ang tasa ng Prinsesa noong isang araw, kung nagkataon ay maaring wala siya ngayon sa amin. Oo nga pala, siguro ay kailangan kong magpasalamat para sa pagkakataon na ginawa mo."
Ngumiti lamang ang prinsipe at hindi nagalit sa mga sinabi nito. Humarap ito sa isa pang binata sa kanyang tabi na may suot ng luntian na roba, "Kita mo na Mu Yun, sabi ko naman sayo na hindi niya palalampasin to at talagang pagsasabihan ako."
Tumaas ang kilay ni Mu Yun bago sumagot, "Ilan na ba sa imperyo ang nagdusa ng dahil sayo? Mabuting tao si Royal Highness Yan. Kung ako iyon, malamang matagal na kitang sinugod."
"Maglalro pa ba tayo? Kung mag-aaway lang kayong dalawa, bumalik nalang tayo!" Sabi ng isang binatang nakasuot ng itim habang may dilaw na pana sa kanyang tagiliran. Malamang ito ang armas na nakasanayan niya.
Tumingin si Yan Xun na parang unang beses niya palang ito makikita. Bumaba siya sa kanyang kabayo bago magalang na tumungo, "Seventh Highness, patawad, hindi ko kayo nakilala."
Tumingin si Zhao Che kay Yan Xun bago ngumisi. "Ako at ang pang walo kong kapatid ay pupunta pa sa bookstore mamayang hapunan, kaya wag na tayong mag-sayang ng oras," direktang sabi nito kay Zhuge Huai.
Tumawa si Zhuge Huai bago sinabing, "Dahil nandito na si Royal Highness Yan, tayo na't magsimula."
"Anong ang nahanap niyo ngayon para sa amin? Patingin kami, dali!"
"Marami akong nakitang kulungan ng hayop doon. Wag mo sabihing mangangaso kami ngayon? Baka yan ang dahilan kung bakit ayaw pumunta ni Fourth Brother."
Napa-iling si Zhuge Huai bago nagsalita, "Awkward talaga ang personality niya. Kelan ba siya sumama sa mga ginagawa natin? Marami akong ginawa para dito, makikita niyo rin." Pagkatapos nito ay dalawang beses siyang pumalakpak, malinaw ito at kaya't nag-echo pa sa kapatagan na puno ng nyebe.
Sa di kalayuan, nagbukas ang bakod ng arena. Tulak ang mga malalaking cart, pumasok ang mga tauhan ni Zhuge Huai. May anim na kulungan na direktang inilagay sa arena. Pinapalibutan ito ng itim na tela, talagang hindi makikita kung anu man ang nasa loob nito.
Interesadong interesado si Prince Wei sa laman ng mga kulungan. "Ano ba ang laman niyan? Wag ka ng pasuspense, Zhuge."
Tumawa si Zhuge Huai bago kawayan ang kanyang mga tauhan. Ilang segundo lang ay tinanggal na ang mga itim na tela na bumabalot sa mga kulungan. Nagulat si Prince Wei sa kanyang nakita, pero madali itong nakabawi at napangiti.
Ang laman ng mga kulungan ay mga batang babaeng na may edad na hindi pa hihigit sa pito o walong taong gulang. Sa isang kulungan, may dalawampung mga batang babae na pare parehong suot ang isang maikling bestida. Sa kani-kanilang dibdib ay may nakasulat na pangalan. Para silang mga preso sa mga nakasulat sa kanilang kasuotan. Ang mga nakasulat dito ay iba-iba sa bawat kulungan. Meron 'Mu', 'Wei', 'Yan' at 'Zhuge', pero para sa pangalan ni Zhao Jue at Zhao Che, 'Jue' at 'Che' ang nakasulat. Matagal ng nakakulong ang mga bata kaya agad silang nasilaw sa liwanag. Dali-dali silang nagsama-sama sa isang pwesto.
Napangiti si Zhuge Huai. "Kanina lang, may grupo ng mga mangangalakal na mula sa kanluran ang nagpunta sa bahay ko. Sila ang nagturo sa akin sa larong ito. Mamaya, magsasabi ako sa kanila na tanggalin ang mga kulungan at palabasin ang mga lobo. Hindi nila pinakain ang mga yun ng tatlong araw, sigurado akong gutom na sila. Pwede nating tirahin ang lobo o ang mga alipin gamit ang pana. Pagkatapos ng 30 minuto, tignan natin kung sino ang may pinaka maraming alipin ang matitira, at sila ang mananalo."
Pumapalakpak si Prince Wei at masayang tumawa, "Masaya to."
Nang matanggap ang utos ni Zhuge Huai, agad nilang tinanggal ang mga kulungan bago umalis ng arena. Nanginginig sa takot ang mga bata at nanatili sa kanilang mga pwesto na para bang may kulungan pa rin na nakapalibot sa kanila. Ni isa ay walang nagtangka na gumalaw sa kanilang tinatayuan.
Isang alulong ang kanilang narinig kasabay ang pagbukas ng mga pintuan sa dalawang gilid. Pumasok dito ang lampas dalawampung mababangis na lobo at sumugod papunta sa mga bata.
Maririnig ang matinis na tilian ng mga bata. Sabay-sabay silang sumisigaw habang tumatakbo papunta kung nasaan ang iba. Kasabay nito ay umulan ng pana, hindi sa direksyon ng mga lobo kundi sa mga bata.
Amoy ang dugo sa himpapawid ng arena. Maririnig ang mga sigaw at paghingi ng tulong ng mga bata. Makikita dito ang pag-tagos ng pana sa kanilang payat na mga katawan. Nagmistulang bulaklak na namumukadkad sa kanilang katawan ang dugo na umagos mula sa tama ng pana. Mas lalo pang naging mababangis ang mga lobo ng maamoy ang simoy ng dugo sa hangin. Isang kulay navy blue na lobo ang mataas na tumalon at mabilis na kumagat sa leeg ng isang bata. Bago pa man ito makahingi ng tulong ay bali na ang leeg nito, isang pang lobo ang kumagat at pumutol sa binti nito at isa pa sa kanyang bungo. Tumalsik ang kanyang laman loob na nagpinta ng pula sa lupang namumuti sa nyebe.
Hindi dito natapos ang sigawan. Hindi na matiis ni Jing Yue Er ang sakit na nararamdaman niya sa kanyang balikat, hindi na siya makabangon dahil puno na siya ng tama. Hirap na siyang magmulat ng mata at mabagal na rin ang kanyang paghinga. May palapit sa kanya na isang lobo habang nakatitig sa kanya. Makikitang puno ng laway ang bibig nito bago tuluyang siyang sakmalin sa ulo.
Parang isang milagro, nagbukas ang mata ng bata bago isinara ang bibig ng lobo at hinila ang dila nito kung kaya't naputol ito.
Isang malakas na ungol ang narinig at ang lahat ay napatingin sa direksyon kung saan nanggaling ang ungol. Nagulat sila sa kanilang nakita at panandaliang nakalimutan ang kanilang ginagawa.
Si Zhao Jue ang unang bumawi, nakita niyang 'Jue' ang nakasulat sa dibdib nito. Natawa pa ito bago pinana ang lobo sa kanyang ngalangala.
Bumagsak ang lobo, ngunit patuloy pa rin ang mga trahedyang nangyari sa loob ng arena. Lahat ng lobo ay patuloy sa paghabol sa mga bata samantalang punong-puno na ang arena ng mga putol na katawan ng bata sa kung saan-saan. Maririnig pa rin ang mga iyak at sigaw ng mga batang tumatakbo para sa kanilang buhay.
Pinilit na tumayo ni Jing Yu Er kahit na pagewang-gewang ito. Nanlaki ang kanyang mata sa pagkagulat. Magulo ang kanyang buhok at sira na ang kanyang damit habang puno ng dugo ang kanyang mukha.
Shoot! Isang pana ang papunta sa kanyang direksyon, maliksi niya itong naiwasan ito ngunit dahil sa sugat na natamo niya ay nadaplisan pa rin siya sa kanyang binti. Agad na umagos ang dugo sa kanyang binti.
Napangiti si Prince Wei sa tuwa bago kumuha panibagong pana at sumubok ulit.
Napakunot ang noo ni Zhao Jue bago pinatama ang kanyang pana sa pana ni Prince Wei.
Isang lobo ang sumusunod kay Jing Yue Er na parang isang anino. Alam niyang sinusundan siya dahil sa amoy nito pero wala na siyang oras para tignan ang sugat niya kaya minabuti niyang tumakbo sa kinaroroonan ni Zhao Jue.
Si Zhao Jue ang taong nagligtas sa kanyan. Dalawang beses siya nitong iniligtas at kahit na ang kanyang isip ay nasa kawalan, pinuntahan niya ang pwesto na maari niyang magamit para protektahan ang kanyang sarili.
Subalit, isang pana ang naka direkta papunta sa kanya. Bumaon ito sa malapit sa kanyang paa. Huminto siya at natulala. Nagtataka niyang itinaas ang kanyang ulo para tignan ang binatang may suot na itim, nakasakay ito sa isang kabayo.
Galit itong tumingin sa kanya bago mabilis na tumingin sa iba at tinira ang kanyang pana sa ulo ng isa pang bata.
Sumigaw ang bata bago tuluyang bumagsak sa sahig. Nataluban ang 'Yan' sa kanyang likod sa sarili niyang dugo bago siya tuluyang lapain ng mga lobo. Nasa lima o anim na taong gulang lamang ito.
Mabilis na lumipas ang oras pero para sa kanila na tumatakbo para sa kanilang buhay ay sobrang mabagal ito. Ilan sa mga bata ay nanatili sa kanilang pwesto at naiwang naka tulala. Kinagat niya ang kanyang labi bago tumakbo. Napakabilis niyang tumakbo na para bang wala siyang mga galos na natamo. Hinahabol siya ng isang lobo na mabilis na tumalon sa kanya. Halos hindi niya na ito naiwasan.
Sa isang sulok ng arena ay may nakatambak na kahoy at mga dayami na para sa mga kabayo. Pumulot siya ng isang kahoy bago binambo ang lobo na nagaabang sa isa pang bata.