Umuungol na tumakbo paalis ang lobo, siguradong nasaktan ito.
"Dito! Dali! Pumunta kayo dito!" sigaw ng babae habang pumupulot ng bato, sabay pinagtatama niya ito para makagawa ng apoy. Sinindihan niya ang kahoy na hawak niya apoy sabay takbo sa arena, at tinaboy ang mga lobo na umaatake sa mga bata. Habang tumatakbo ay patuloy siya sa pagsigaw ng, "Dito! Dali! Pumunta kayo dito!"
Lahat sila'y nagtakbuhan papunta sa kanya habang nag-iiyakan, lahat sila ay may tama at galos. Ang iba may kagat ng lobo samantalang ang iba naman ay may tama galing sa pana. Matapos ang pagsalakay ng mga lobo at ulan ng pana, hindi na umabot ng dalawampung kabataan ang natitira na buhay sa kanila.
Natakot sa apoy ang grupo ng mga lobo. Habang nakatingin kay Jing Ye Er na nagpoprotekta sa kanila sa gitna, hindi nila magawang lumapit. Matagal na silang gutom, matapos makitang may nagpoprotekta sa kanila ay binalikan nila ang mga patay na katawan sa arena at iyon ang kinain nila.
Nanliit ang mata ni Zhuge Huai bago bumulong ng, "Walang kwenta." Hintak niya ang kanyang pana bago tirahin ito papunta sa mga lobo.
Mabilis itong nakarating nakarating at tumama sa mga lobo. Ilang sandali pa ay bagsak na ang lahat, patay.
Natuwa ang mga nakaligtas, binalewala lahat ng sugat na kanilang natamo at masaya silang nagsisigawan.
Ngunit bago pa man marinig ang masasayang tinig ng mga ito ay pina-ulanan ulit sila ng pana na nagtagusan sa mga maliliit nilang katawan.
Walang awa silang tinira ng mga may dugong maharlika. Sa brutal nilang kamay ay nagbagsakan isa-isa ang mga natitirang mga bata. Isang pana ang mabilis na tumusok sa ulo ng isang bata, tumagos ito sa kanyang kaliwang mata mula sa likod ng kanyang ulo at huminto sa harap ng ilong ni Jing Yue Er. Sumaboy sa buong mukha niya ang dugo, mahigpit niyang hinawakan ang kahoy sa kanyang kamay at napa nganga sa gulat. Rinig niya ang nakakabinging iyak ng mga kabataan. Para itong isang bangungot.
Unti-unti ay nabawasan ang mga pana sapagkat nagtatawanan si Prince Wei at Mu Yun. Sabay silang pumorma na titira bago tuluyang pinana ang babae.
Pinaabante ni Zhao Jue ang kanyang kabayo bago inabot ang kanyang pana, saka niya lamang napansin na isa nalang ang natitira. Agad niya itong binali sa dalawa, gamit parehas nito ay pinatama niya to sa pana ni Prince Wei at Mu Yun.
"Ang galing mo!" natutuwang komento ni Zhuge Huai.
Pagkatapos niyang magsalita ay natigil din ang mga iyakan. Malakas na humangin dala-dala ang amoy ng dugo sa arena. Halos kulay dugo na buong arena, at tanging si Jing Yue Er na lamang ang natitirang buhay. Namumutla ang kanyang mukha at puno ng dugo ang kanyang suot. Magulo ang kanyang buhok na may dayami pang kasama. Bitbit ang kahoy sa kanyang kamay, nanatili siya sa kanyang pwesto. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari.
"Seventh brother ikaw pa rin talaga ang pinakamagaling! Wala na akong natitirang pana, ikaw yata ang mananalo ngayon." sabi ni Zhao Jue.
Napataas ang kilay ni Prince Wei bago tiningnan ang lalagyan niya, bago silipin ang kay Mu Yun at kay Zhuge Huai.
Ngumiti lang si Zhuge Huai bago nagsalita, "Matagal ng ubos ang akin."
"Marami pang natitira kay
Lahat sila ay napatingin kay Yan Xun.
"Kilala si Yan Shizi na mahilig mag-sorpresa sa mga di inaasahang pagkakataon." May bahid ng galit na sabi ni Zhao Jue.
Nasa kalahati na ang joss stick, pero ubos na ang pana ng lahat. Tanging ang mala-nyebeng puting balahibong pana ni Yan Xun ang natitira sa kanyang lalagyan.
Makisig na nakaupo si Yan Xun sa kanyang kabayo. Kahit na labing tatlong taong gulang pa lamang siya, kita ang tikas sa kanyang tindig, ang magandang hugis ng kanyang kilay, matangos na ilong at ang kanyang kumikislap na mga mata. Mas nagmukha siyang gwapo sa kanyang suot ngunit parang masungit din. Dinirekta niya ang kanyang kabayo paharap, kinuha ang kanyang pana, target ang natitirang bata sa gitna ng arena.
Sa pag-ihip ng hangin ay nilipad ang gutay-gutay niyang damit at magulo nitong buhok. Batang-bata pa ito, nasa anim o pitong taong gulang pa lamang. Halatang kulang sa nutrisyon dahil sa putla nito na parang bang bagong anak ng lobo. Ang kanyang braso, leeg at binti ay puno ng sugat at may malalim siyang sugat sa kanyang balikat. Naiwan siyang nakatayo sa gitna ng magulong arena ng Xiu Luo, nagkalat ang mga putol na katawan sa kung saan-saan, at ang malansang amoy ng ng dugo na bumalot sa buong arena. Parang binuhusan muna siya ng malamig na tubig bago maintindihan na wala na siyang pag-asa sa mga kamay ng mga ito.
Seryosong nakaupo ang binata sa kanyang kabayo. Taimtim niyang pinuntirya ang lalamunan ng bata, lumabas ang kanyang mga ugat sa paghila niya sa kanyang pana.
Wala na siyang mapagtataguan. Hindi siya makapag-isip ng maayos, marami siyang tanong ngunit bago pa man masagot ang lahat ng to ay nasangkot naman siya sa mga nangyayari sa kasalukuyan. Dahan-dahan niyang inangat ang kanyang ulo. Kita ang galit sa kanyang mata at ramdam ang sama ng loob nito. Nanlilisik ang kanyang mata habang tinititigan ang mga binata ng walang takot.
Noong araw na yun, sa taon ng 770, ikaapat na araw sa unang buwan ng Bai Cang calendar. Kakatapos lang nila magdiwang ng Bagong Taon. At sa royal hunting arena sa labas lang ng Zhen Huang City, ay ang unang pagkakataon na nagkita sila.
> Dalawang taong hindi dapat nagkita ay ngayon magkaharap na.
Kunot noo na binitawan ni Yan Xun ang pana.
Mabilis na tinahak ng pana ang himpapawid habang tutok ang lahat sa batang nanatili sa kanyang kinatatayuan.
Gumuhit sa leeg ng bata ang pana na sumugat sa kanya. Muntik na siyang matumba pero nanatili siyang nakatayo matapos sumuray ng ilang lakad.
"Ha Ha! Congratulations Seventh Brother!" tumatawang pagbati ni Zhao Jue.
Naiinis na tumingin si Zhao Che kay Yan Xun bago ngumisi, "Lagi nalang nakatutok si Yan Shizi sa pagsasayaw, pagkanta at pagtutula. Nakalimutan niya na yata kung paano pumana."
Binaba ni Yan Xun ang kanyang pano bago humarap kay Zhao Che. Walang emosyon niyang sinagot ito, "Kung paano man pumana ang Zhao Clan, sapat na sigurong alam ng mga tagapagmana nila ang tungkol doon. Wala akong balak na makisalamuha sa mga relasyong pampamilya niyo."
Malakas na tumawa si Zhuge Huai bago nagsalita, "Dahil nandito naman na ang lahat, masasabi nating ang Seventh Royal Highness ang nanalo sa kompetisyon na ito. Nagpahanda ako sa aking bahay. Tara at mag-inom doon."
Sumang-ayon naman ang lahat bago sumakay sa kani-kanilang mga kabayo na para bang lahat ng nangyari ay isang ordinaryong laro lamang.
Malakas ang ihip ng hangin, kasabay nito ang pagsayaw ng kanila roba sa hangin. Nang makalayo, tumingin pabalik si Yan Xun sa batang puno ng dumi at dugo. Nanatili ito sa kanyang kinatatayuan at patuloy na nakatitig sa kanilang direksyon.
Nagsimula ng dumilim. Mas malakas at mas malamig na ang bugso ng hangin na tila isang ulol na hayop na naalulong.
Nililinis ng mga tauhan ng Zhuge family ang buong arena, buhat ang maliit na katawan ng mga bata bago itapon sa isang kariton. Sa di kalayuan ay may binungkal na lupa na may naglalagablab na apoy sa gitna. Dito nila ililibing ang katawan ng mga bata pati na rin ang mga lobo. Ang buhay ng mga ito ay maihahalintulad sa mga bola, walang kwenta. Ang mga mayayaman na nagmamay-ari sa kanila ay sandali lang magkaroon ng interes sa kanila at kapag napagod na ay itatapon nalang bigla.
May sako na nakapatong kay Jing Yue Er habang naka yuko, tahimik lang siyang nakaupo sa tabi ng mga kulungan. Malubha ang kanyang mga sugat, pero kahit maging lalaki siya ay mahirap tiisin ang lahat ng kanyang natamo ng tahimik.
Akala ng mga tauhan ng Zhuge ay malapit na siyang mamatay, ngunit nang magtagal ay napansin nila ang pagtaas at pagbaba ng kanyang dibdib, kahit na kaunti lang. Alam nilang buhay ito dahil sa kanyang paghinga, at ang di malaman kung saan nanggagaling na lakas para magpatuloy mabuhay kahit na ang isang paa niya ay nasa hukay na. Kung kaya't hindi nila ito itinapon sa burial ditch, sa halip ay inilagay nila ito pabalik ng kulungan bago sila umalis.
Ang mga kulungan na punong-puno ng mga bata ay ngayon napaka bakante na. Lahat sila ay patay na at isa na lamang ang natitira. Napahanga sila sa kapalaran ng bata, hindi nila maiwasan na titigan at obserbahan siya.
Hindi man nila mahanap ang mga salita upang ilarawan ito, nararamdaman nilang may iba sa bata kumpara ng dumating siya.
Malaki ang sakop ng bahay ng mga Zhuge. Pumasok sila mula sa likod na pintuan at iniwan ni Zhu Shun si Jing Yue Er sa kamay ng dalawa pang mga trabahador. Matapos niyang magbilin, muli niyang tinignan ang bata bago tuluyang umalis.
Isang 'click' ang narinig at bumukas ang pinto. Tinulak papasok si Jing Yue Er bago muling sinaraduhan ng pinto bago pa man siya makatayo.
Madilim sa loob at meron lamang tumpok ng kahoy. Naririnig pa dito ang mga daga sa kwarto. Hindi takot ang bata, naupo laman siya sa gitna bago tinanggal ang sako sa kanyang balikat. Kagat ang dulo ng sako, sinimulang sinimulan niyang putulin ito at ginamit para takpan ang kanyang mga sugat.
Sapat na oras na ang nakuha niya para kumalma at ayusin ang kanyang isip. Si Jing Yue Er nga talaga si Major Chu Qiao, ang assistant commander ng 11th Division na inalay ang kanyang buhay para sa kanyang bayan. Ang tadhana nga naman ay sadyang mapaglaro at di kapanipaniwala. Sa kamatayan, maaring hindi pa ito ang katapusan kundi panibagong pagkakataon para muling mabuhay.
Inangat ni Chu Qiao ang kanyang braso, gamit ang liwanag mula sa labas ay tinignan niya ang kanyang kamay. Nakaramdam siya ng pagkalungkot pero di niya malaman kung para ba sa sarili niya o sa may nagmamay-ari ng katawan niya.
"Walang tao dito. Siguro naman pwede ko ng hayaan ang sarili ko na maging malungkot. Pero sandaling-sandali lang dapat."
Bulong nito sa sarili niya kasabay ang pagpatak ng luha sa kanyang madumi at payat na mukha. Niyakap niya ang kanyang tuhod sabay inubob ang kanyang ulo dito. Sa katahimikan ay nagsimulang manginig ang balikat nito.
Ito ang unang gabi ni Chu Qiao sa Xia Empire sa malamig na kubo ng mga Zhuge. Ito ang unang pagkakataon na umiyak siya dahil sa wala siyang magawa, dahil sa mahina at natatakot siya. Isang oras ang nilaan niya para sa sarili niya para alalahanin ang nakaraan niyang buhay, para kutyain ang kanyang kapalaran, at para pagisipan ang kanyang hinaharap. Pag natapos ang isang oras hindi na siya si Chu Qiao na super commander ng 11th Division kundi isang walang kalaban laban na alipin. Wala siyang kahit na ano at naghihirap mabuhay lang sa magulong imperyong ito.