Ang Xia Empire ay nagmula sa kapatagan at likas na may lagalag na pagkatao. Ito ang dahilan kung bakit itinaas nila ang katayuan ng mga kababaihan sa lipunan, at ibinigay ang respetong nararapat para sa kanila. Sobra ang pagkakaiba nito sa Tang at Song Empire. Sa libong taon, maraming babaeng heneral at opisyal sa Xia empire. Sa loob ng imperial harem, may mga babae din ang nasunod. Sila ay ganap na mapagparaya sa pag-uugali ng parehong kasarian. Kaya, sa loob ng likod na palasyo, bukod sa mga kerida ng emperor at mga prinsesa, marami rin ang mga gwardyang naka-istasyon doon. Maraming mga prinsipe na hindi pa maaaring umupo sa mga trono nila ang naninirahan doon.
Sa mismong oras na ito, sa Ying Ge yard sa loob ng likod ng palasyo, mayroong batang prinsipe ang nakaupo sa dagat ng mga kawayan na nakasuot ng itim na roba.
Ang binatang ito ay nasa mga 20 taong gulang. Ang gwapo niyang tignan sa kanyang kumikinang na parang mga bituin na mata. Mayroon siyang matangos na ilong at kilay na kasing hugis ng espada. Ang kanyang itim na buhok ay nakaladlad sa kanyang likuran at maluwag na nakatali ng itim na laso. Ang kanyang itim na roba ay may eleganteng nakaburda na bulaklaking lila na Kirin at mapalad na mga ulap na tumatalunton sa mga gilid ng kanyang roba.
Ito ay gawa sa tela na nagmula pa sa Song Empire, at ang kanyang bota ay gawa sa balat ng usa. Sa ilalim noon ay may nakaukit na larawan ng Qing Yun. Tahimik siyang nakaupo sa harap ng maliit na bluestone na lamesa, na may bango ng insenso na pumapalibot sa kanya. Ang makinang na Guqin ay nakalagay sa lamesa at may iilan pang scrolls ang nakakalat sa tabi niya. Mayroong isang jade na lagayan ng alak at babasaging baso sa kanyang gilid. Ang nakaukit sa parehong gilid ng kopita ay dragon na may perlas sa panga. Siguradong ito ay isang kayamanan.
Bagamat taglamig, ang mga lugar sa paligid ng bundok Xuan Lang ay may mainit init dahil ito ay napapalibutan ng mainit na bukal. Itong maiinit na bukal ay natural na gumawa ng mainit na santuwaryo tuwing panahon ng tag-lamig. Nang umihip ang hangin, isang sariwa at malamig na hangin ang kumaluskos sa mga kawayan, na malaya at kontento.
Ang kamay ng binata ay kasing puti katulad ng isang puting jade, at ang mga daliri ay mapapayat. Mabagal niyang tinaas ang baso patungo sa kanyang labi, pero napatigil siya sa oras na iyon. Ang makislap niyang mata ay bahagyang lumiit. Nang walang tingin, magaan niyang sinabi, "Lumabas ka."
"Nakakainis." isang pinong boses ang narinig nang isang kaakit-akit na dalaga ang nakita mula sa loob ng kagubatang kawayan na nasa likuran niya. "Lagi mo nalang akong nahahanap, hindi ka nakakaaliw!"
Ang dalaga ay wala pa mang 19 taong gulang. Siya ay nakasuot ng kulay lila na blusa na may mahabang palda, naka burda ang mga puting paru paro. Sa kanyang bewang, nakasuot siya ng mapusyaw na berdeng sinturon na may bulaklak ng lily na naka lambitin sa kanyang tagiliran. Ang makapal at maganda niyang buhok ay naka tali ng buo, at ang palawit ay umaabot sa itaas ng kanyang mga tainga. Ang kulay dugong jade na palawit ay nakalambitin sa pagitan ng kanyang kilay, at may suot siyang Agate na kwintas at pares ng hikaw ng Ding Lang. Bagama't mukha siyang maharlika, hindi siya mukhang magaspang. Habang naglalakad ang babae papunta sa kanya, tinanggal niya ang kanyang mabalahibong kapa. Sa isang malutong na tono, sinabi niya, "ikaw ang kinahahalingan ng aking ama. Kakabalik ko lamang galing sa Lan Shan court at sobrang lamig roon. Tingnan mo ang lugar kung nasaan ka, natutunaw na agad ang nyebe bago pa man ito makaabot sa lupa."
Lumingon ang binata para harapin siya. Kalmado itong ngumisi at sinabing, "Ito ay wakas na pagmamahal ng emperor."
"Hehe" singhal ng babae. "kung ganon bakit hindi niya ako pinapakitaan ng wagas na pagmamahal, pagkatapos ng lahat ay anak pa rin niya ako."
"Prinsesa."
"Bakit mo nanaman ako tinatawag na prinsesa!" sigaw ng babae at binato ang kanyang kapa sa kanyang mga tagasilbi habang tumatakbo patungo sa binata.
Walang nagawang napangiti nalang ang binata habang sinasabi, "Chun'er."
"Akala mo ba masusuyo mo ako sa pag ganyan mo," Sabi ni Prinsesa Chun'er at umupo sa katapat na upuan ng binata. Galit na pinalobo ang mga pisngi, nagpatuloy siya, "Sabihin mo, bakit ka umalis bago matapos ang piging? Ikaw ang dahilan kung bakit ko iniwan ang mga bisita doon para lang mahuli kita dito."
"Paumanhin, may mahalagang nangyari lang" saad ng binata na may kalmadong ngiti.
"Anong mga mahahalagang bagay ang kailangan mong gawin?" iyak ng babae. Nang matapos niya ang kanyang sinasabi, mabilis niyang napagtanto na nagpadalos-dalos siya. Maingat niyang tinignan ang ekspresyon ng binata gamit ang gilid ng kanyang mata. Nang makita ang kakulangan sa reaksyon nito, dali-dali siyang nagsalita, "Kaya ka ba agad na umalis sa piging ay dahil dumating si Wei Jing? Kakabalik niya lang galing sa timog. Hindi ko rin alam na babalik siya, pakiusap wag ka magalit sakin."
"Aking prinsesa, wag ka mag-alala, hindi magtatangka si Yan Xun." Saad ng binata nang iniangat ang ulo at dahan-dahang umiling.
"Tinatawag mo nanaman akong prinsesa," saad ni Chun'er habang nakasimangot. Bigla siyang tumayo at hinila-hila ang laylayan ng damit ni Yan Xun. "Brother Xun, hindi mo ba ako nakikita bilang isang kapatid?" galit niyang saad
Itinungo ni Yan Xun ang ulo nang siya ay mapasimangot sa makikinis na kamay ng babae. Hindi niya maiwasang mapakunot ang noo habang palihim niyang hinila ang kanyang damit na hawak ng dalaga. "Aking prinsesa, masyado kang nag-aalala. Kailangan natin bigyan ng pansin ang ating estado sa loob ng palasyo."
"Yang sinumpang estado na yan. Mas maganda pa noong mga bata pa tayo. Naaalala mo ba noong siyam na taong gulang lang tayo tapos dinala mo ako sa brothel para lumaban? Pero ngayon, kailangan mo pa magtago kapag tatawagin mo ako sa palayaw ko."
"Bata pa ako noon at walang pakialam sa ganoong edad. Wala pa akong ingat noon."
"Yan ang nakakainis!" sabi niya bago binato ang bote ng alak sa lupa habang umiiyak, "Galit ako sayo!" nang sinabi niya iyon, tumalikod siya at nagbalak umalis.
"Maaari bang maghintay sandali ang prinsesa," sabi ni Yan Xun nang tumayo tapos ay iniabot ang isang kahon na nakabalot sa kulay lila na yari sa sutla.
"Ano ito?" Sabi ni Chun'er at napakunot ang kilay.
"Kaarawan ng prinsesa, at ito ay regalo mula sa akin. Hiling ko na sana ay tanggapin mo ito."
Ang maliit na mukha ni Chun'er ay ngumiti nang malapad habang masayang binubuksan ang kahon. Pagkatapos buksan ang kahon, nakakita siya ng buntot ng kuneho, na isang magandang kulay ng puti. Biglang nanlaki ang mata ng babae. "Ito ay...ang buntot ni Yanyan?" iyak nito.
Tumango si Yan Xun. "Nitong nakaraang araw, narinig ko na kinagat ni Yanyan ang iyong kamay, at ang kamahalan ay ipinag-utos na ito ay paluin hanggang mamatay bago itapon. Dahil doon, umiyak ka nang matagal. Kaya inutusan ko sa aking mga tauhan na putulin ang kanyang buntot para maitago mo bilang paalala mula sa kanya. Hindi ito kamahalan kaya sana wag mo itong masamain."
Naluha-luha ang mata ni Zhao Chun'er habang iniiling ang kanyang ulo at bumulong, "Marami akong koleksyon na alahas na pag-aari, pero ito ang pinaka magandang regalong natanggap ko. Brother Xun, salamat, sobrang saya ko." Pagkatapos matapos ang kanyang sasabihin, namula ang mukha ng babae habang hawak ang buntot ng kuneho. Tumakbo siya palabas sa kagubatan ng kawayan na wala ang kanyang kapa.
Nakatayo lang si Yan Xun sa parehong pwesto. Ang kanyang ngiti ay naglaho nang unti-unting nawala ang dalaga sa kanyang paningin.
"Aking Crown Prince, nakaalis na po si Prinsesa Chun."
Nang marinig niya iyon, tahimik niyang tinanggal ang kanyang roba na hinawakan ng babae. Tinapon niya ito sa lamesa at tumalikod para umalis na. "Sunugin mo." Ang saad niya sa malalim na boses.
"Opo," sagot ng tagasilbi niya sa mabigat na tono. Nang iniangat nila ang kanilang ulo, wala na doon si Yan Xun.
Ang sinag ng araw ng hapong iyon ay nakapaliwanag. Nakaupo siya sa kanyang silid aralan, habang tinitignan ang mga dokumento ng buwis na naisunumite para sa taglamig, nagkokomento habang binabasa ng mabuti ang bawat linya. Tatlong beses na pumasok si Feng Zhi para ayain na mananghalian si Yan Xun, pero lagi siyang napapaalis ng silid ng gwardya na si AhJing. Ang magagawa na lang niya ay matyagang maghintay sa pintuan.
Marahang umihip ang hangin sa loob ng silid, malumanay na sinasayaw ang usok ng insenso sa mesa. Sa isang iglap, may sariwang amoy ang maaamoy sa silid. Ang amoy hindi mukhang galing sa palasyo, o mula sa orchid na insenso na galing sa Ying Ge Court. Hindi rin ito amoy ng mga kawayan. Isa itong kakaibang amoy na may bahid na buhangin at putik na nakahalo. Mayroon din itong amoy ng matulis na espada.
Napasimangot si Yan Xun nang nag-angat siya ng ulo. Nakita niya ang taong dumating at lumambot ang kanyang tingin. Gusto niya sana magsalita ng nakakatawa ngunit hindi niya mapigilan ang tawa niya. Sinubukan niyang pigilan ito sa pag-iba ng tingin, pero tumaas pa rin ang gilid ng kanyang mga labi.
"Tapos ka na ba tumawa?" Ang taong pumasok ay hindi man lang mukhang labing-anim na taong gulang, pero dalagita parin. Ang balat niya ay maputi at ang mata ay maluha-luha. Nakasuot siya ng itim na baluti. Mas nagmumukha siyang bayani. Habang siya ay nakasandal sa pinto na naka krus ang kanyang mga kamay sa kanyang dibdib, ang kanyang mata ay makislap na may mababatid na tawa. "Malamig pa rin sa labas." Matigas ang ulong sambit nito.
"Kailan ka nakabalik?" ang boses ni Yan Xun ay kasing malumanay katulad ng tubig, na parang agad nitong naalis ang kanyang inis. Tumingin siya sa mga mainit na mata ng dalagita na nasa pinto habang marahan siyang tumatawa.
Natawa rin ang dalagita. Ihinilig niya ang ulo at sumagot, "ngayon lang."
"Bakit ayaw mo pumasok ?"
Ngumuso ang dalagita at mapanghamak na sumagot, "May nagsabi kasi na bawal magpapasok kahit sino, kahit na ito ay mahalagang bagay."
Tumango si Yan Xun. "Sinabi ko? Dahil gumawa ako ng ganung utos, nangahas pa rin silang papasukin ka. Kailangan nila maparusahan ng kamatayan."
"Hindi ba't na sa labas pa rin ako ng pinto?" tinaasan niya ng kilay ang binata. "Sinong mangangahas na suwayin ang utos ng ginawa ng Crown Prince ng Yan?"
Nang magsasalita na dapat si Yan Xun, ang batang nasa likod ng dalagita ay hindi maiwasang magsalita, "Sasabihin ko lang po, Miss, wag na po kayong makipaglinlangan sa pakikipag-usap sa Crown Prince. Mahigit sampung beses ko na pong nautusan ang taga pagluto na initin ang pagkain niya. Pakiusap kumain po kayo."
"Sige kung ganoon." Inabot ni Chu Qiao ang lalagyan ng pagkain at pumasok. Ngumiti siya at sinabing, "bumigay lamang ako dahil kay Feng Zhi"
Nagpunas ng pawis ang batang lalaki nang siya ay papaalis na.
Tumayo si Yan Xun mula sa likuran ng kanyang lamesa. Lumapit siya kay Chu Qiao para tanggalin kanyang kapa, tapos ay nilagay ito sa upuan. Umupo siya sa harap ng kanyang lamesa, nakatingin kay Chu Qiao na nilalapag ang mga putahe sa harap niya. Saka lang niya ipinikit ang mata para langhapin ang mga pagkain. Para bang na tulala niyang sinabi na, "Kay bango! Paanong hindi ko ito naamoy kanina?"
"Iyang ilong mo ay hindi na gumagana. Mamamatay ka sa gutom kung hindi ako nakabalik." Nang nakahanda ng kanin kay Yan Xun, diretsong umupo si Chu Qiao sa tabi niya at sumubo nang isang kutsarang kanin. "Mas masarap pa rin ang luto ni Lady Yu."
Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Yan Xun, pinapakita ang hindi karaniwang pighati nang ibinaba niya ang tingin sa dalagita. "Mahirap ba?" tanong nito.
"Ayos lang naman." Sagot ni Chu Qiao nang ini-iling ang ulo at nagpatuloy, "masyado nga lang malamig."
"nanigas nanaman ba sa lamig ang mga paa mo?"
"Hindi, yung botang binigay mo ay napaka mainit sa paa at komportable."
Tumango si Yan Xun at sinabi sa malalim na tono, "Sa susunood, hayaan mo si Ahjing at ang iba ang humawak sa mga gantong bagay na yan, wag kang kung saan-saan pumupunta."
"Gusto ko rin manatili dito sa bahay, pero paano ako makakasigurado na matatapos ang mga bagay-bagay?" mahabang napabuntong-hininga si Chu Qiao. "Mabuti nalang, hindi na namin to kailagan gawin nang matagal. Anim na buwan pa at ang buhay ay hindi na magiging mahirap."
Lumiwanag ang tingin ni Yan Xun nang isang ihip ng hangin ang umihip sa bintana na bahagyang nakabukas, dala-dala ang halimuyak ng mga kawayan sa di kalayuan.
"Nakita mo ba si Mr. Wu?"
"Hindi." Iling ni Chu Qiao. "Pero nakita ko si Xi Hua. Sabi niya naka pasok na daw si Mr. Wu sa capital at nasa proseso na ng pangongolekta ng data para sa buwis ngayong tag-lamig. Pinapasabi niya na wag ka na mag-alala."
Tumango si Yan Xun at napabuntong-hininga. "Mabuti, maraming gabi na rin ang nakakalipas nung huli akong magkaroon ng magandang tulog. Yung mga buwis lang ang ginagawa ko lagi. Ngayong nakabalik na si Mr. Wu, natulungan niya ako ng malaki."
"Mapayapa na ba ang lahat sa palasyo?"
Malamig na napatawa si Yan Xun at hindi naitago ang pagka-uyam sa gilid ng mga labi. "Parehas pa rin ng dati. Pero hindi ko alam kung narinig mo na nakabalik na si Wu Jing. Kanina ko lang siya nakita."
"Narinig ko nga." Tumango si Chu Qiao at nagpatuloy, "Ang museleo sa kabundukan ng Nan Ji ay gumuho, at nahirapan si Wu Jing na iwasan ang sisi. Narinig ko din na natangal siya sa kanyang katungkulan, pero hindi ko inaasahan na babalik siya agad."
Ibinaba ni Yan Xun ang chopsticks at kinuha ang tsaa para sumimsim ng kaunti. "Ang paraan mo ng pagtatanggal sa ugat ng problema ay maayos naman. Nadamay si Wei Shuye kay Wei Jing, at natanggal bilang mahistrado sa capital. May mga bali-balita sa loob ng palasyo na sinasabing sinadya itong gawin ni Wei Guang upang makaalis sa posisyon. Bagama't hindi siya nagsalita ukol dito, ang mga Elder ay kritikal kay Wei Jing. Sa nakaraang araw lang, tinanggal nila ang pamilya Wei sa larawan. Kahit na walang silbi si Muhe Xifeng, at si Muhe Yunting ay wala na, si Muhe Rongcheng ay hindi kumakain ng gulay. Kapag nakabalik siya galing Xi Ling, ang konseho ng Grand Elder ay magiging masigla."
Pinuno ni Chu Qiao ng pagkain ang bibig niya. Subalit, nagawa pa rin niyang magsalita sa taimtim na tono, "Kailangan natin ipagpatuloy subaybayan ang bagay na ito; hindi tayo dapat magpabaya. Wag ka mag-alala, ako nang bahala doon."
Tumango si Yan Xun. "Makakaasa ako sayo." Nang sinabi niya iyon, bigla siyang tumawa at iniangat ang payat nitong daliri, ihinihimas ito sa mukha ni Chu Qiao.