Ang mukha ni Chu Qiao ay kasing ganda ng puting jade; ang kanyang balat ay makinis at malambot, nagpapakita ng senyales ng malamig na panahon sa labas. Ginamit ni Yan Xun ang kanyang mga daliri para painitin siya, dahilan para matulala si Chu Qiao. Hindi niya maiwasan mamula nung ginawa ito ni Yan Xun, naiilang niya tinulak ang kamay ni Yan Xun. Sumimangot siya at sinabing, "Anong ginagawa mo?"
"Eto." Pinakita ni Yan Xun ang kamay niya, at may isang butil ng kanin ang nakadikit dito. Tumawa siya at sinabi, "AhChu, mukhang sobra kang nagutom doon. Sa tingin ko ay kailangan kong bayaran ang pagsisikap mo."
Nang buksan ni Chu Qiao ang bibig para magsalita, biglang nahagip ng tingin niya ang mga daliri ni Yan Xun. Sa kanyang maputlang kamay, may apat na mahaba at payat na mga daliri, ngunit ang parte ng kanyang hinliliit ay putol.
Biglang naging malamig ang tingin ni Chu Qiao. Mabagal siyang sumandok ng isang kutsarang kanin, iniangat niya ang ulo at sinabi sa mababang tono, "Kapag nagtagumpay tayo ngayon, hinding-hindi na makakaakyat sa kapangyarihan si Wei Jing."
Biglang naging tahimik ang kapaligiran habang tumingin si Yan Xun sa gilid ng mukha ni Chu Qiao. Itinaas niya ang kanyang kamay at hinimas ang balikat ni Chu Qiao. "AhChu, wag ka na masyado mag-isip ukol doon."
"Yan Xun, hindi ako magpapadalos-dalos. Gagawin ko kung anong makakaya ko." Biglang parang nababagot si Chu Qiao nang ibinababa nito ang kanyang boses at sinabing, "naghintay na tayo ng maraming taon, hindi ako mawawalan ng pasensya ngayon."
Ang mainit na sikat ng panghapong araw ay suminag sa bintana, binabalot sila nito sa mainit na pakiramdam. Parang may kaunting lasa pa ng tagsibol sa hangin. Lumipas ang oras at ang mga bata sa nakaraan ay may mga gulang na ngayon. Ang araw ay maliwanag na sumikat sa labas. May mga bagay na nagbago, ngunit may mga bagay na tumanda na parang alak, nagiging hinog sa paglipas ng oras.
"AhChu, dahil nakabalik ka na, wag ka nang umalis ulit. Kumuha ka nalang ng sapat na pahinga."
Itinaas ni Chu Qiao ang kanyang ulo. Kahit na wala pa siya sa tamang gulang, lumaki siyang maganda. Ang kanyang kilay ay nakakurba, na hindi karaniwang makita sa mga maharlikang babae at wari mo ay nagtataglay siya ng mas malaking tapang at karunungan. Ibinaba niya ang kanyang ulo, ang kanyang noo ay nakasandal sa dibdib ni Yan Xun nang siya ay bumulong, "Sige."
Hinila ni Yan Xun ang babae para yakapin ito. Marahan niyang tinapik-tapik ang likod nito at sinabi, "Pag nakabalik tayo sa Yan Bei, tagsibol na doon. Dadalhin kita sa Hou Lei Plains para mangaso ng mga ligaw na kabayo."
"Sige." Parang medyo yamot si Chu Qiao nang sinabing, "Gagawin natin iyon."
Mabagal na lumipas ang oras. Nagsimula nang sumakit ang balikat ni Yan Xun ngunit nanatiling tahimik si Chu Qiao. Tumingin si Yan Xun sa babae, makikita ang mahabang pilik-mata na naglalagay ng anino sa kanyang mukha. Sa ilalim ng sinag ng araw, mas mukha siyang naging maganda.
"AhChu?" bulong ni Yan Xun, ngunit walang sagot si Chu Qiao. Bahagya siya natawa sa ilalim ng hinga niya, "Nagawa niya talagang makatulog sa posisyong ito." Tumayo siya at binuhat sa may bewang ang babae. Sa kanyang pagkaalerto, hindi siya nagpumiglas, na para bang alam niya na nasa isang ligtas na lugar siya.
Nang lumabas sila sa labas ng study room, agad na lumapit si AhJing. Tinitigan siya ni Yan Xun, dahilan para agad umatras si AhJing at ang iba pang tagasilbi, hindi nagtatangkang gumawa ng kahit anong ingay. Pinanood nila si Yan Xun na dahan-dahang dinala si Chu Qiao, na nakasuot ng panlalaking damit, sa silid-tulugan.
Pagkatapos ng ilang minuto, lumabas na sa pinto si Prince Yan. Nagmamadaling lumapit si AhJing.
"Anong nangari?"
"Natambangan po sila noong pauwi na sila. Pinangunahan ni Miss ang mga tauhan niya na dumaan sa ibang daan galing sa Lu Ye, nagmadali papunta dito. Natakot po siya na ang Your Highness ay mag-aalala; kaya hindi niya pinatigil ang kabayo niya ng tatlong araw. Natatakot po ako na sobrang siyang napagod."
Sobrang napakunot ang noo ni Yan Xun nang magsalita siya, "Nasaan ang mga taong iyon?"
"ngayon ay nasa 80 milya sa kanluran ng Zheng Huang City sila, sa Liang Shan Town. Ang mga tauhan natin ay minamanmanan sila sa kasalukuyan. Your Highness, gusto niyo po bang gumawa ng aksyon?"
"Oo." Tumango si Yan Xun habang kalmadong naglakad patungo sa study room.
"kung ganoon po..." nag-aalinlangang napaisip si AhJing. "Paano ang mga mangangalakal ng bato na namamahala sa mausoleum? Yung mga dinala ni Miss?"
Pinag-isipan ito pansamantala ni Yan Xun at sinabing, "Dahil wala na silang silbi ngayon, paalisin niyo na rin sila."
"Opo, your Highness."
Ang malamig na hangin ay umihip mula sa direksyon ng Xuan Lang Mountain. Itinaas ni Yan Xun ang ulo at nakakita nang featherless na puting ibon ang lumilipad sa hilagang hangin. Ito ay tila naaakit sa halimuyak na masasamyo sa katawan niya bilang walang takot itong nagpapaikot-ikot sa kanyang ulo, mausisang humuhuni at ipinapagaspas ang mga pakpak, taas at babang lumilipad.
Medyo natulala si AhJing, ngunit bigla siyang natuwa, "ito ay ang Cang Wu Bird! Your Highness, maaaring ito ay isang maliit na Cang Wu bird na naligaw ng daan. Ang ibong na ito ay hindi takot sa tao at napakahalaga. May mga taong nagpapaamo nito! Pero ito ang unang beses kong makakita ng maliit na Cang Wu bird."
"Talaga?" mahinang sagot ni Yan Xun. Inilabas niya ang kamay habang nakataas ang kilay sa ibon na nagpapaikot-ikot sa taas niya. Humuni ang maliit na ibon at mausisa itong tinignan. Pagkatapos ng ilang pagaspas, ito talaga ay dumapo sa mga daliri ni Yan Xun, tinutuka-tuka ang palad nito ng kanyang maliit, na matingkad ang pagkadilaw na tuka. Ang pulang mata nito ay masiglang tumingin sa paligid nang may pagmamahal.
Nagulat si AhJing. Nang gusto niyang mapasinghap sa hindi pagkapaniwala, isang malutong na tunog ang lumagutok. Kinuyom ni Yan Xun ang kanyang kamao, at ang mahalagang ibon ay hindi man lang nagkaroon ng pagkakataon na makasigaw. Nalaglag ito sa lupa nang may mahinang thud.
"Masyado kang mapaniwalain. Kung hindi kita papatayin, iba ang gagawa noon. Oras lamang ang pagitan." Ang itim na roba ng lalaki ay nililipad-lipad sa likod niya. Nang may diretsong tindig, naglaho siya sa loob ng pavilion. Tinangay ng mga bugso ng malalakas na hangin ang nyebe, dahilan para mailibing ang bangkay nito sa makapal na patong ng nyebe.
Nang magising siya, malalim na ang gabi. Sa loob ng maliit na lutuan na nasa lamesa, mayroong isang palayok ng mainit-init na gatas. Isinalin ito ni Chu Qiao sa sa maliit na baso at uminom mula doon, agad na kumalat sa katawan niya ang mainit na pakiramdam. Malaki ang buwan nang gabing iyon at maliwanag na makikita sa panggabing kalangitan, nililiwanagan ang Ying Ge court. Binuksan niya ang bintana at ang maliwanag na puting sinag ng buwan ay pumasok sa silid. Umupo siya sa upuan at inilagay ang kanyang siko sa pasimano, habang mahinay na humihinga.
Ilang beses na siyang tumingin sa bakurang ito, ngunit maraming pagkakataon na hindi niya kayang mabatid kung ang tanawin sa harap niya ay isang panaginip o kung ang nakaraan niyang buhay ay isang purong ilusyon lamang. Sa isang kisapmata, walong taon na siyang namamalagi sa mundong ito. Ang walong taon ay sapat na para maraming mga bagay ang mabago, kasama na ang pag-iisip ng tao, paniniwala, pananabik, at ang determinasyong makuha kung ano ang gusto nila.
Mayroong dalawang mataas na piraso ng kahoy sa bakuran. Nakatayo na sila doon nang mahigit pitong taon. Kahit sa madilim na gabi katulad nito, magagamit pa rin ng isa ang sinag ng buwan para makita ang mga malalim na marka ng patalim sa bloke ng kahoy. Ito ang lugar kung saan siya at si Yan Xun nagsanay ng martial arts. Sa mga unang taon, hindi sila nagtangkang magsanay sa umaga. Tuwing gabi, sila ay tahimik na pupunta sa patyong ito, isa sa kanila ay tahimik na magmamatyag para sa isa. Ang isa ay tahimik na pagsasanayan ang international mixed martial arts na tinuro ni Chu Qiao. Sa tuwing dadaan ang mga tagasilbi sa palasyo, pipigilin nila ang hininga, papakawalan lamang ito pag nakalayo na ang mga tagasilbi.
Sa loob ng hiwalay na warming room sa kanluran, laging may dalawang higaan na nakahanda. Nang oras na iyon, wala silang kayang pagkatiwalaan. Ang dalawang batang ito ay matutulog sa isang silid, ang mga patalim ay nasa kamay nila. Kapag tulog ang isa, gising dapat yung isa, at may manipis na taling nakatali sa dalawang pinto. Kahit na may konting galaw mula sa isa sa kanila, parehong tatayo ang dalawa na hawak ang patalim.
Sa istante ng study room, mayroong antigong plorera ang puno ng iba't-ibang klase ng gamot para handa sila sa kung ano man ang dumating sa kanila. Kahit na hindi nila ito madalas gamitin, kinaugalian na nila ito. Ang chopsticks at kutsarang gagamitin nila sa pagkain ay dapat gawa sa pilak. Marami rin silang napalaking mga kuneho. Bago kainin ang kanilang mga pagkain, ang mga kunehong ito ay pakakainin ng mga putaheng inihain sa kanila. Pagkatapos ay maghihintay sila ng isa o dalawang araw bago kainin ang mga pagkain. Sa mga unang taon na nandito sila, hindi sila nakatikim ng kahit isang mainit-init na pagkain.
Hindi na mahalaga kung ito ay kalagitnaan ng tag-init o kailaliman ng taglamig, lagi silang may suot na patong ng malambot na baluti sa ilalim ng kanilang mga kasuotan. Lagi silang may dalang armas na magagamit, kung sila man ay tulog o gising. Sobrang bagal na lumipas ang oras, ngunit kahit gaano man kahirap ang buhay, magkatalikod silang lumaban at sabay na lumaki. Ang pag-asa ay tila ba lumilinaw at ang hinaharap ay hindi na mapanglaw. Sa loob ng kanilang mga puso, mababahid ang isang nagngangalit na pag-asa ay lumalaki sa paglipas ng panahon.
Bahagyang ngumisi si Chu Qiao. Sa isang banda, maaari itong mabilang na pagkakaroon ng pag-aari. Pagkatapos nang ilang taon, sobrang raming pagpatay, at sobrang raming masamang balak, sa wakas ay hindi na niya nakikita ang sarili bilang isang tagalabas na gustong tumakas. Sa katotohanan nga, noong tumapak siya sa royal city na ito, ang mga tadhana nila ay mahigpit na nakatali sa isa't-isa.
Hindi maiwasan ni Chu Qiao ang tumingin sa hilagang-kanluran na kalangitan. Nandoon ang Hui Hui Mountains at Huo Lei Plains na ilang beses nang malinaw na inilalarawan ni Yan Xun. Saka, ang parang ng Yan Bei na matagal na nilang gustong puntahan ay nandoon din. Ang mga pag-iisip na ito ang sumuporta sa kanila sa hindi mabilang na malalamig na gabi, nakakahiyang pangyayari, pati na rin ang mga pangyayaring punong-puno sila ng pagkamuhi. Naranasan nila ang lahat ng iyon.
Huminga siya ng malalim at isinarado ang bintana. Lumapit siya sa lamesa at inilatag ang chart, ibinababa ang ulo habang malapitan niya itong pinag-aaralan.
Mabagal na bumukas ang pinto nang isang lalaki, nakasuot ng puting cotton na roba na may nakaburdang camels sa kwelyo nito, ang pumasok sa silid. Mukha siyang malinis at gwapo.
Ngumisi si Chu Qiao, pero hindi siya tumayo. Binati niya ito, "Masyado nang gabi, bakit hindi ka pa natutulog?"
May dalang lalagyan ng pagkain si Yan Xun nang pumasok ito, at binuksan ang takip. "Natulog ka hanggang kalagitnaan ng gabi at nakaligtaan ang hapunan, hindi ka ba nagugutom?"
Nang matapos ang kanyang sinasabi, isang kulo ang maririnig sa tiyan ng babae. Hinimas ito ni Chu Qiao at ngumiti. "Ayos lang ito bago mo iyon sinabi. Nag-umpisa palang siyang nagrebelde."
"Tikman mo muna ito, tignan natin kung sakto sa gana mo."
"Sige," ang saad ni Chu Qiao at inilapag ang pansulat at papel. Tumayo siya at kinuha ang lalagyan ng pagkain. Pagkita sa loob, napasigaw niya, "Woah! Pear dumplings!"
"Oo. Alam kong gusto mo niyan, kaya inutusan ko ang mga tagasilbi na ihanda iyan. Ito ay ibinabad sa yelo nang nakaraang mga araw, hinihintay ang iyong pagdating. Bagong luto sila."
"Hehe." Ang mga mata ng babae ay naging singkit sa maligaya niyang pagngiti. "Yan Xun, sa tuwing kakainin ko ang putaheng ito, pakiramdam ko ay nasa tahanan ako." Kinagatan niya ang mga dumplings habang pinagsalin siya ni Yan Xun ng isang basong gatas ng usa, tahimik na pinapanood ang pagkain niya. ang sinag ng buwan ay lumiwanag papasok sa bintana at papunta sa kanila, nang may apoy na kumakaluskos na gilid ng silid. Mukha ang lahat ay payapa at matiwasay.
"AhChu." Nang makitang tapos na si Chu Qiao sa kanyang hapunan, inabutan siya ni Yan Xun ng puting panyo at pinunasan ang mamantikang mantsa sa gilid ng kanyang labi habang sinasabi sa malalim na tono, "Yung mga mangangalakal ng batong dinala mo..."
"Yan Xun, gawin mo ang dapat mong gawin, hindi mo na kailangan pang sabihin sa akin." Bago hayaang tapusin ni Yan Xun ang sinasabi, nagsalita siya, "Hindi ko ito maingat na napag-isipan, at hindi ako ganun kalupit para patayin sila. Ngunit, kung papanatliin sila ay maaaring maging gulo sa hinaharap. Nang wala tayong kapangyarihan para salungatin ang mga elder sa loob ng palasyo, makakasama na mayroog ebidensya na nakakalat. Ang rason kung bakit ko sila dinala pabalik ay para ikaw ang gumawa ng desisyon para sa akin. Kaya hindi mo na kailangan itong ipaliwanag sa akin."
Ngumisi si Yan Xun at ang kanyang tingin ay naging malumanay bigla. "Ayaw ko lang itong itago sayo."
"Tama." Tumawa si Chu Qiao at sinabing, "nangako na tayo na hindi tayo magtatago sa isa't-isa. Ang pagtatago ng katotohanan ay pagsisimulan lang ng hindi pagkakaintindihan at lamat sa pagitan natin, kahit ano man ang intensyon noon. Hindi natin dapat magawa ang pagkakamaling iyon."
"Hehe," Tawa ni Yan Xun. "O sige, eh di sabihin mo sa akin ang tungkol sa paglalakbay mo sa Nan Ji Mountain ngayon, kasama lahat ng hindi ganoon kahalagang detalye, simula umpisa hanggang huli."