Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 802 - Space Fireworks

Chapter 802 - Space Fireworks

"Kaya dapat na kayong maghanda dahil ibubunyag ko na kung ano ang ginagawa ko sa mundo sa mga nakaraang dekada."

Sa screen, unang ipinalakpak ni He Lan Yuan ang kanyang mga kamay ng may pagkilos ng isang maginoo. Sa higanteng screen sa kanyang likuran ay nagpapakita ng imahe ng mga satellite na nasa kalawakan. Ang pinakakakaiba ay ang sampung satellite na isinaayos ang kanilang mga sarili sa isang linya.

"Nakikita ba ninyo ang lahat ng ito? Ang mga satellite na ito ay parte lamang ng aking mga imbensiyon. Ginagamit ko ang mga satellite na ito para makipag-usap sa inyong lahat. Gayunpaman, sa loob ng sampung minuto, ang lahat ng mga satellite na ito ay sasabog, ikunsidera na ninyo na ito ang una kong regalo sa inyo. Siyempre, hindi lamang ito ang bagay na ginawa ko. Ang pinakamaganda kong gawa ay ang ikalat ang may limang daang satellite sa paligid ng ozone layer ng Earth. Oo, hindi kayo nagkakamali ng dinig, mayroon na silang limang daan na bilang.

"Ang mga satellite na ito ay may kakayahan na hindi lamang magpadala ng mga hudyat, naglalaman din sila ng malakas na kapangyarihan ng pagsabog. Ang bawat satellite ay kayang magpakawala ng enerhiyang katumbas ng isang bomba atomika. Nagugulat ba kayo habang nakikinig? Iniisip ba ninyo na 'Pinaplano ba ng lalaking iyan na wasakin ang mundo?"

Ngumiti si He Lan Yuan at nagpatuloy na tila ba nagkukwento lamang siya ng tungkol sa panahon, "Kung iniisip ninyo iyan, binabati ko kayo dahil tama kayo. Kapag bumaba sa mundo ang mga satellite na ito at sumabog, ang mundo ay siguradong magugunaw. Gayunpaman, huwag kayong matakot dahil kung pumapayag kayong maging tapat sa akin at pagsilbihan ako, ang mundo ay mananatili pa din."

"Intindihin ninyo na isa akong lalaki na may malaking awa. Bibigyan ko kayo ng isang buwan para pag-isipan ito ng maigi. Sa loob ng isang buwan, babalik ako para marinig ang inyong desisyon. Tandaan ninyo, lahat kayo ay may isa lamang buwan para magdesisyon. Ang lumaban ay walang saysay dahil, hayaan ninyong ipaalala ko, nakikita ko ang lahat mula sa kalawakan. O sige, iyan na lamang ang lahat mula ngayon. Ang susunod, magustuhan sana ninyo ang mga paputok sa kalawakan na inihanda ko para sa inyo."

Ang screen ay nagbago para magpokus sa mga satellite. Sa sampung satellite na nakaayos sa isang linya, ang isa sa kanila ay mabilis na biglang papunta sa Earth!

Napakbilis nito, tila isang bulalakaw na lumilipad sa kalawakan. Ang lahat ng nanonood sa satellite ay napahanga at nagugulat habang sumabog ito sa kalawakan—

Ang mga spark mula sa pagsabog ay nakakasilaw at ang mabilis na pabagsak na satellite ay tila isang shooting star, kinakaladkad ang kanyang apoy sa kalangitan. Napakaganda nito pero nakakatakot.

Salamat na lamang, ang mga apoy ay naapula na bago pa nito narating ang ozone layer, pero sa oras na iyon, ang lahat ng nasa mundo na nanonood nito ay gulat na gulat na nakalimutan na nilang huminga. Inakala nila na ang pagsabog ng satellite na ito ay magiging kasing laki ng bonba atomika. Salamat na lamang, hindi iyon ang kaso…

Gayunpaman, ang kaba ng buong mundo ay tumaas muli dahil ng sumunod na segundo, ang ikalawang satellite naman ang nagsimulang bumagsak. Kakaiba mula sa nauna, ang satellite na ito ay sumabog ng mas una at mas malaki ang naging pagsabog nito.

Mabuti na lamang at malayo ito sa Earth, kaya hindi gaano kalaki ang pinsala. Gayunpaman, ang dalawang pagsabog na ito ay nagsasabi sa lahat ng isang bagay, si He Lan Yuan ang may kakayahan na kontrolin ang oras ng pagsabog, at ang tindi ng pagsabog para sa iba't ibang satellite ay magkakaiba.

Hindi na kakaiba sa mundong ito na paniwalaan na isa sa kanila ay kayang tapatan ang makapaminsalang lakas ng isang bomba atomika. Ang pagsabog ng sumunod na satellite ang nagkumpirma doon.

Related Books

Popular novel hashtag