Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 644 - Nagmamadali sa Kamatayan

Chapter 644 - Nagmamadali sa Kamatayan

Marami nang nagawa para sa pamilya niya si Elder Shen mula ng pagkabata pa niya. Ito ay dahil sa kanya kung kaya nakukuha ng Shen family ang respeto at impluwensiyang tinatamasa ng pamilya sa ngayon. Kahit na ang kanyang panganay na anak na babae ay ginawa ang kanyang pinakamahusay para ipagpatuloy ang karangalan ng kanilang pamilya.

Alas, ang lahat ng mga ito ay masasayang lamang kapag nauwi ito sa kamay ni Tong Yan. Napakaraming lalaki sa mundo at kinailangan pa talaga niyang mahulog sa isang walang pusong tao mula sa Lin family. Isang bagay lang kung isa lamang itong fling, pero nagdesisyon itong isuko ang buong buhay niya dito.

Iniisip ba talaga niya na pahahalagahan pa din siya tulad ngayon kapag naikasal na siya?

Hindi magtatagal bago ang grupo ng mga lobo mula sa Lin family para sirain siya.

Maaaring nakangiti sila ngayon sa kanya dahil sa impluwensiya ng Shen at Tong family, pero sa sandaling pumanaw si Elder Shen at nagbago ang presidente, ang kanyang kapalaran ay magbabago ng tuluyan.

Ang Tong family naman sa kabilang banda…

Hindi tulad ng Shen family, ang Tong family ay nabiyayaan ng maraming anak at apo. Maaaring siya ang young mistress ng tahanan sa ngayon, pero sa kultura ng mga Tsino, ang isang ikinasal na anak na babae ay hindi na parte ng bahay na iyon.

Matapos ang kanyang kasal, magiging isa na siyang Lin, kaya hindi na pag-aaksiyahan pa siya ng oras ng Tong family at saktan ang kinabukasan ng sarili nilang mga tao para tulungan ang Lin family. Matapos ang ilang panahon, siguro ay makakalimutan pa nilang nabuhay si Tong Yan.

Kaya naman, ang pinakahuling pagkilos ni Tong Yan ay hindi lamang sinaktan ang kanyang sarili kundi pati na din ang buong Shen family!

Gayunpaman, may mga positibong anggulo din dito, pero lahat ng mga ito ay para lamang sa Lin family, dahil ibinenta na niya ang sarili at ang Shen family para tulungan ang Lin family na makamit nito ang kanilang layunin!

Isa pa, si Tong Yan ay orihinal na nasa partido ng mga panalo. Maaaring nanatili siya sa gilid lamang at panoorin ang pagbagsak ng Lin family, pero ngayon ay payag siyang tanggapin ang galit ng Xi family. Sana ay namumuhay siya ng payapa, pero mas sinadya nitong piliin ang daan ng pagkawasak. Kaya naman, hindi lamang sinaktan ni Tong Yan ang kanyang sarili at ang kanyang pamilya, maaaring wala pang maiwan sa kanya na kahit ano…

Hindi kinaaawaan ni Elder Xi si Tong Yan, pero naaawa siya para kay Elder Shen.

Nang makauwi siya, napabuntung-hininga ng husto si Elder Xi habang ipinapaliwanag niya ang sitwasyon. Nakaramdam siya ng lungkot para sa sitwasyon ni Elder Shen.

"Ang matandang iyon ay isang taong nararapat na respetuhin, pero, ang lahat ng ginawa niya ay masasayang lamang dahil sa depektong ito na nagngangalang Tong Yan. Siya na mismo ang solong sisira sa buong Shen family," malungkot na sambit ni Elder Shen.

Wala nang panahon pa si Mubai para mag-alala sa ikabubuti ng ibang pamilya, lalo na sa isa na miminsan ay pinagplanuhang kitlin ang buhay ni Xinghe.

"Sa madaling salita, ang Shen family ay galit pa din sa Lin family? Hindi nila gustong pumayag sa engagement na ito?" Tanong niya.

Tumango si Elder Xi. "Tama iyon. Kahit na ginawa na ni Tong Yan at Lin Xuan ang bagay na iyon, hindi niya gustong pumayag dito, pero nagpumilit si Shen Ru na pumayag na siya. Kung sina Shen Ru at Tong Yan ay pumayag na dito, ano pa ba ang magagawa ng isang matandang lalaki na tulad niya?"

"Kaya naman, siguradong mayroong mali kay Shen Ru," obserba ni Xinghe. "Alam niya na ang ikasal si Tong Yan sa Lin family ay makakasira sa buhay ng kanyang anak, pero mukhang hindi siya nag-aalala tungkol dito. Kaya naman, siguradong may nakakahiyang sikreto sa pagitan niya at ng Lin family."

"Ano'ng klase kaya ng sikreto iyan?" Walang partikular na pinagtanungan si Elder Xi.

Sumagot si Xinghe, "Isa pa din itong misteryo sa ngayon, pero hindi magtatagal, lalabas din ang mga ito. Magkakaroon sila ng engagement party, hindi ba? Dapat ay dumalo tayo sa pagdiriwang para magmanman."

Ngumiti si Mubai. "Ganoon din ang nararamdaman ko. Mukhang kailangan nating maghanda ng isang malaking regalo; isa itong engagement party na hindi dapat palampasin."

Ngumiti bilang ganti si Xinghe. "Natural, dahil ang party na ito ay maaaring ang party na mas magpapabilis ng kamatayan nila."

"Kung ganoon pala ang kaso, maaari bang ikaw ang aking date?" Tanong ni Mubai ng may maliwanag na ngiti.