Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 57 - NASA KANYA ANG KWALIPIKASYON PARA MAGING MAYABANG

Chapter 57 - NASA KANYA ANG KWALIPIKASYON PARA MAGING MAYABANG

Pakiramdam ni Xia Zhi ay nakaganti na siya. Hindi siya nabugbog ng wala siyang nahita.

Karapat-dapat lang sa kanila kung anuman ang parusang ibato sa kanila ng ate nya.

Dahil itinaas ni Chui Ming ang pabuya, oras na para kumilos si Xinghe.

Gamit ang username na 001, kinontak niya ang Chui Corps, at inalok niya ng tulong na talunin ang misteryosong virus. Agad na sinunggaban ni Chui Ming ang kanyang pain. Masayang-masayang ito dahil mayroong mahusay na tao na agad na rumesponde sa kanyang hinaing.

Gusto niyang alisin agad ni Xinghe ang virus at ipapadala niya agad ang bayad sa bangko kapag nakita niya ang resulta.

I'll get back to you in 2 hours, ang sagot ni Xinghe.

"Ate, ikaw pala ang kilalang si 001!" bulalas ni Xia Zhi nang silipin niya at nakita ang username ni Xinghe, "Nabalitaan ko kasi na pagsulpot ng bagong hacker na may pangalang 001 ang gumulo sa hacker's world sa City T, hindi ko akalain na ikaw pala iyon!"

Wala namang balak si Xinghe na itago ang mga bagay kay Xia Zhi kaya inamin niya ito.

Nakaramdam si Xia Zhi na karangalan at matinding pagpapahalaga sa nalaman.

Tulad ng mararamdaman ng isang ordinaryong tao na ang matalik niyang kaibigan o kapamilya na ibinunyag ang sarili nito sa kanya na isa palang tanyag na tao sa buong mundo.

Masarap sa pakiramdam na ang isang taong malapit sa iyo ay isang kahanga-hangang indibidwal.

Pero kinastigo din ni Xia Zhi ang sarili sa kanyang katangahan. Dapat ay nalaman na niya noon pa ang tunay na katauhan ni 001. Ang panahon ng pagbabalik ng memorya ni Xinghe at ang paglitaw ni 001 ay isa na dapat na malaking palatandaan.

Nakikini-kinita na ni Xia Zhi na magiging tanyag ang pangalan ng kanyang ate pagkatapos ng pagkakataong ito.

Siguradong tataas ng husto ang reputasyon niya kapag nalaman ng buong mundo na siya ang tumulong sa Chui Corps!

Ngunit nandoon pa rin ang peligro sa lahat ng ito. "Ate, hindi ka ba nag-aalala na baka ikaw ang pagsuspetsahan nila na gumawa ng virus?"

Dahil si 001 lamang ang may kakayahan na talunin ang virus, maaaring pagdudahan siya ng ibang tao.

Itinutok ni Xinghe ang kanyang mga mata sa computer habang tinitipa niya ang keyboard. Sumagot siya, "Eh ano naman kung ganun?"

"Kung mayroon sila kahit na katiting na suspetsa na ikaw ang salarin, hindi ka papalampasin ni Chui Ming."

"Kailangan muna nilang alamin kung sino talaga ako," may kumpiyansa sa sariling pahayag ni Xinghe. Maaaring mayabang ang dating ng kanyang sagot, pero alam ni Xia Zhi na may katotohanan ang sinasabi niya.

At kung maging mayabang man ang dating ng sinabi niya, mayroon naman siyang kwalipikasyon para dito.

Sa isang simpleng virus na ginawa nya, halos mabangkarote ang Chui Corps. Kaya magiging imposible para sa mga programmer ng Chui Corps na tukuyin at hanapin kung sino at nasaan siya.

Hindi rin malalaman ni Chui Ming ang kanyang pagkakakilanlan mula sa bank information ni 001.

Ang transaksiyon ay nangyari gamit ang isang third party. Isang mataas at misteryosong hacker's group ang namagitan sa kanilang transaksiyon at mananatili itong lihim. Hindi nila ipagkakanulo si Xinghe kay Chui Ming.

At bilang pag-iingat, gumamit din si Xinghe ng palsipikadong IP address, kung sakaling mapilit ni Chui Ming ang mga hacker na ibigay ang kanyang impormasyon.

At ang huli, sinigurado ni Xinghe na hindi siya pagsususpetsahan ni Chui Ming.

Dahil doon, hindi lamang niya na-neutralize ang virus, kanya na din itinuro ang mga loopholes sa software nito.

Nagbigay siya ng mga payo kung paano ito mapapaigi. Itinago niya ang kanyang tunay na intensiyon sa likod ng kabutihang ipinakita niya.

Ninenerbiyos si Xia Zhi. "Ate, humingi sila ng tulong sa iyo para talunin ang virus, bakit mo sila tinutulungan para mapabuti ang kanilang software?"

Nakalimutan na ba niya na kalaban nila si Chui Ming?

Tumingin sa kanya si Xinghe at kalmadong sumagot, "Kahit na may ginawa akong pagpapabuti, sa aking pananaw, ang security software nila ay walang ipinagkaiba sa isang freeware."

Napakunut-noo si Xia Zhi, at idinagdag, "Kahit na, wala pa ding dahilan para tulungan mo sila."

"Huwag ka mag-alala, alam ko ang ginagawa ko."

Tumigil na si Xia Zhi sa pangungulit sa kanya. Pagkatapos ng sinabi sa kanya ni Xinghe, alam na niya na may mga rason ito kung bakit niya ginawa iyon.