Noong una ay nagsususpetsa pa si Chui Ming kay 001 pero nawala din iyon pagkatapos siya tulungan ng boluntaryo ni 001 na paigihin ang kanyang software.
At agad niyang idineposito ang pabuya dahil dito.
Nagbigay pa ng karagdagang 1,000,000 RMB si Chui Ming, para maging 11,000,000 RMB lahat!
001, Umaasa ako na magkaroon pa tayo ng kooperasyon, malugod na iniimbitahan ka ng namin ng aking kumpanya, alok ni Chui Ming.
Tulad ni Mubai, handa siyang gumastos para sa talento.
Mas gusto ko ang freelancing, sagot ni Xinghe bago siya nag-log off.
Kasabay niyon, nakatanggap siya ng message alert sa kanyang telepono, ang 11,000,000 RMB ay nasa bangko na!
Sumilay ang malawak na ngiti sa mukha ni Xinghe, at sinabi, "Zhi, bumili tayo ng kotse bukas. Pwede ka ng mamili ng kahit anong gusto mong kotse nang hindi lalagpas sa 5,000,000 RMB."
Nanlaki ang mga mata ni Xia Zhi sa sorpresa.
Pakiramdam niya ay hinagupit siya ng kasiyahan tulad ng isang mabilis na tornado, hindi niya mapigilan ito kahit na gusto niya.
Pero kahit ano ang mangyari, hindi naman talaga niya gustong pigilan. Hayaan mo ng hagupitin ako ng kaligayahan! Sigaw ng isip niya.
At ng gabing iyon, binago niya ang kanyang status sa social media account niya at nanatili iyon sa maraming taon.
Ito ay ang – World Dominating with Superhero Sister!
Pagkatapos bumalik sa sarili niyang silid ang nag-uumapaw sa kaligayahan na si Xia Zhi, naiwang mag-isa si Xinghe.
Tiningnan niya ang kanyang dalawang kamay at isinara iyon ng magkasama na tila siniselyuhan at pinagpasyahan na niya ang kanyang kapalaran.
Oo, sa wakas, hawak na ng kanyang mga kamay ang sarili niyang kapalaran!
Hindi na siya makakapayag na diktahan pa ng Diyos ang buhay niya.
At doon na nagsimula ang paglalakbay ng maluwalhati niyang buhay…
Babalikan niya ang mga nang-insulto, humamak at nanakit sa kanya noon para ipakain sa kanila ang mga sinabi nila.
Determinado siyang dumalo sa birthday party ni Lin Lin na gaganapin sa makalawa ng nasa kanyang pinakamainam na kondisyon.
Ipapakita niya kay Lin Lin na ang nanay niya ay isang kahanga-hangang babae.
Mag-ingat na ang lahat ng nasa mundo, dahil nagbabalik na si Xia Xinghe!
Ang birthday party ng Xi Family's young master ang usap-usapan ng buong bayan hanggang sa dumating ang araw na hinihintay nila.
Lahat ng nakatanggap ng imbitasyon ay ipinakikita ito dahil alam nilang ang mga nakakatanggap lamang nito ay ang mga taong may importansiya sa alta-sociedad.
Matagal ng pinaghandaan ni Tianxin ang pagtitipong ito.
Ito ang kanyang unang public appearance matapos makumpirma ang relasyon nila ni Mubai. Kailangan niyang makasigurado na siya ang magiging star of the show.
Kailangang maipaalam niya sa lahat, na simula ng araw na iyon, siya na ang bagong mistress of the house ng Xi Family. Gusto niyang ipahiwatig sa lahat, na pag-aari niya si Xi Mubai!
Ang pag-iisip pa lamang niya na kung paano siya sasambahin ng mga tao at tapunan siya ng nakakainggit na mga tingin ang halos nagpahalakhak sa kanya sa galak.
Natiyempuhan namang nabungaran siya ni Ginang Chu[1] na tumatawa ng buksan nito ang pintuan ng silid habang hawak niya ang kanyang ipinasadyang damit, "Tianxin, ano ang nakakatawa?"
"Wala naman, masayang-masaya lamang ako." Masayang sagot ni Tianxin.
Tulad ng mga kasabihan, mother knows best. "Iniisip mo ba ang piging bukas?" sadyang tanong ni Ginang Chu.
"Mom, sa tingin mo ako ang magiging pinakamaganda bukas doon?" umaasam na tanong ni Tianxin habang nagpapaikut-ikot hawak ang gown.
Puno ng kayabangan na sumagot si Ginang Chu, "Oo naman! Ang anak ko ay natural na maganda, siya ang pinakamaganda sa lahat kahit saan pa ito. At pakakasalan mo pa si Xi Mubai, kaya wala ng makakahigit pa sa iyo."
"Kung naroon lamang si Xia Xinghe," sa sobrang kapurihan, nasambit ni Tianxin ang kanyang saloobin.
Napasimangot si Ginang Chu, "Bakit gusto mo na nandoon siya?"
"Siya pa din naman ang nanay ni Xi Lin, may karapatan siya na nandoon. Tatawagan ko si Mubai mamaya para imbitahin niya ito."
"At bakit iimbitahin mo pa ang babaeng masakit sa mata na iyon?" tahasang pagtanggi ni Ginang Chu.
Inagaw ng babaeng iyon ang dapat na sana ay sa anak niya. Kinamumuhian niya ng sobra si Xinghe.
Note:
[1] Ginang Chu imbes na Old Mrs. Chu, tulad ng Ginang Xi imbes na Old Mrs. Xi. Alam naman natin na ang mga babae ay ayaw na natatawag na "old" so to distinguish them from Tianxin and Xinghe, iyon na lamang ang ginamit ko.