Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 60 - ANG BIRTHDAY PARTY NI XI LIN

Chapter 60 - ANG BIRTHDAY PARTY NI XI LIN

Gusto niyang itago ang sorpresa para sa kinabukasan.

Inimbitahan ni Mubai si Xinghe hindi para ipahiya ang huli, hindi tulad ng nais ni Tianxin.

Nang utusan niya si Chang An na ipadala ang imbitasyon, inutusan na din niya ito na ipamili ito ng damit at alahas na isusuot.

Pero tulad ng kanyang inaasahan ang naging resulta nito. Tinanggihan ni Xinghe ang kanyang mabuting alok.

Report ni Chang An, "Sabi ni Ms. Xia dadalo siya at pinasasalamatan niya si CEO Xi sa damit at alahas pero siya na daw po ang maghahanda ng sarili niyang isusuot."

Medyo natatangahan si Mubai sa babae, saan ito kukuha ng pera para ihanda ang mga isusuot nito?

Ngunit dahil alam niya kung gaano katigas ang ulo nito, hindi na niya ito pinilit pa.

Siguro ay wala itong pakialam sa kung anong hitsura niya sa party at hindi siya maaapektuhan, hinayaan na lamang ito ni Mubai na gawin ang gusto niya.

Si Mubai ay ang klase ng tao na hindi mapanghusga. Wala siyang pakialam sa kung anong klaseng damit o alahas ang suot ni Xinghe pagdating nito.

Of course, naniniwala siya na seseryosohin ni Xinghe ang pagdalo sa okasyon na ito.

Dahil ito ang selebrasyon ng kaarawan ni Lin Lin, ang kanyang anak.

Matapos opisyal na imbitahan ni Mubai si Xinghe, kumalat na agad ang balita tulad ng rumaragasang apoy.

Narinig na din ito nila Ginoong Xi at Ginang Xi.

Naging matigas din ang pagtanggi ni Ginang Xi dito. Pero nagpaliwanag ng malumanay si Mubai, "Wala siyang ginawang masama noong kasal pa kami at siya pa din ang ina ni Lin Lin."

"Alam ko pero ano na lamang ang iisipin ni Tianxin kapag nakita niya ito sa party?"

"Ideya nga ito ni Tianxin. Tinawagan niya ako ng kusa para imbitahan si Xinghe."

Nagulantang si Ginang Xi.

Pero agad na nakolekta niya ang sarili. Ang kabutihan marahil ni Tianxin ang nagtulak dito upang imbitahan si Xinghe.

Ngunit nag-aalala pa din siya sa magiging hitsura ni Xinghe na maaaring magdala ng kahihiyan sa pangalan ng Xi Family.

Pero hindi na nga pala siya parte ng Xi Family, kaya ang tanging ipahihiya niya ay ang kanyang sarili lamang!

Halos lahat ng nakaalam ng balita ay ganoon din ang inisip. Ang pagdalo ni Xinghe sa party ay magdadala lamang ng kahihiyan at kadustaan dito.

Marami sa kanila ay mga kapamilya at kaibigan ni Tianxin, kaya masaya sila para sa kinabukasan. Ang sobrang pagkakapahiya kay Xinghe ay magsisilbing magandang palabas sa kanila.

Sa madaling salita, ang pinakamaligalig sa kanilang lahat ay si Chu Tianxin.

Ang imahe sa isip niya kung saan siya, na nakatayo sa isang pedestal, ay tinitingala ni Xinghe ay magkakatotoo na. Ipapaintindi niya kay Xinghe kung ano ang tunay na kahulugan ng kahihiyan.

Sa bawat oras na naiisip niya ito, hindi maiwasan ni Tianxin na hindi humalakhak.

Nagpapasalamat siya sa Diyos dahil dinala Niya si Xinghe sa buhay niya. Gaano kaya kawalang kulay at kawalang-saya ang buhay niya kung wala ang payaso, na si Xia Xinghe, para tapakan at pagtawanan? Bawat reyna ay nangangailangan ng kanyang payaso at nagpapasalamat siya sa mga bituin at nahanap niya ang para sa kanya.

Tulad ng inaasam ni Tianxin, dumating na ang araw ng kaarawan ni Xi Lin.

Idinaos ito sa pinakamalaking hotel sa City T.

Ang buong hotel ay inarkila para sa okasyong iyon.

Nagsimula ang party at natapos sa hatinggabi.

Ang ballroom decoration ay nagpapakita ng karangyaan at inosensiya. Dahil kasama sa listahan ng mga panauhin ang mga bata at matatanda.

Sa presensiya ng mga bata, ang party ay naging mas maligaya at mas relaxed.

Suot ang kanyang pinakamagandang damit, nakihalubilo si Tianxin sa mga panauhin na tulad ng siya ang punong-abala.

Lahat ng naroroon ay alam ang kanyang engagement kay Xi Mubai kaya lahat ay nagkakagulo kung paano makukuha ang kanyang pabor.

Masayang-masaya si Tianxin sa lahat ng atensiyon na nakukuha niya. Naging abala siya na aakalain mong siya ay kasal na kay Mubai kung estimahin niya ang mga bisita.

Kung susuriin ang ballroom, masasabi mong siya ang pinakamaningning sa lahat ng naroroon.

Ang ngiti ni Tianxin ay maihahalintulad sa diyamante, sobrang nakakasilaw sa mga mata…

Related Books

Popular novel hashtag