Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 61 - TAHANAN NG MGA AHAS

Chapter 61 - TAHANAN NG MGA AHAS

Pero hindi pa rin siya lubos na nasiyahan, hinihintay pa talaga niyang dumating si Xinghe. Ang malaking kaibahan nilang dalawa ang magpapakita ng kanyang superioridad.

Habang naghahanda siya na tumawag ng mag-aabang sa pagdating ni Xinghe, si Wushuang, na nakasuot ng gown na abot ang laylayan sa sahig, ay lumapit sa kanya.

"Ms. Chu, congratulations," masayang pagbati ni Wushuang habang itinataas ang kopita kay Tianxin, "Narinig ko na nalalapit na ang iyong kasal kay Mr. Xi. Isa itong malaking karangalan para sa aming si Lin Lin na magkaroon ng isang babaeng tulad mo bilang kanyang stepmother."

Nakilala ni Tianxin si WUshuang, alam niya na ito ay ang kapatid ni XInghe. Alam din niya na parang tubig at langis ang relasyon ni Wushuang at Xinghe.

Ang kaaway ng aking kaaway ay ang aking kaibigan.

Ginantihan niya ng ngiti si Wushuang. "Oh, ito pala ang bagong lady of the house ng Chui Family. Gusto din kitang i-congratulate, Ms. Xia, dahil sa perfect match kayo ni Mr. Chui. You two make a gorgeous couple."

Masayang tumawa si Wushuang, at idinagdag pa nito, "Naku, wala kaming sinabi kay Ms. Chu at Mr. XI. Sa totoo lang, Ms. Chu, sa aking mga mata, kayo ni Mr. Xi ang nababagay sa isa't isa. Alam kong kalabisan para sa akin na sabihin ito pero kayong dalawa ni Mr. Xi ang talagang bagay na bagay sa isa't isa."

Ang effort ni Wushuang na mapalapit sa good side ni Tianxin ay agad nitong napansin.

Mas naging magiliw ang ngiti ni Tianxin. "Masyado naman ang papuri, Ms. Xia. Sa tingin ko ay hindi ako magiging kasing-buting ina kay Xi Lin tulad ng iyong kapatid."

Agad na sumagot si Wushuang, "Paano mo naiisip iyan? Hindi kailanman naging parte ng buhay ni Xi Lin si Xia Xinghe, ikaw ang tumayong ina niya ng mga taong wala siya, kaya sino pa ba ang magiging pinakamainam na maging ina niya kung hindi ikaw? Sigurado akong kinikilala ka na ni Xi Lin bilang ina niya sa kanyang puso."

Tila musika ang mga salita ni Wushuang sa pandinig ni Tianxin. Nasiyahan siya sa mga sinabi nito.

Sinubok niya ito, "Ms. Xia, iyon talaga ang iyong tingin? Naniniwala ka bang magiging mabuting ina ako kaysa sa iyong kapatid?"

"Oo naman! Ms. Chu, ang kapatid ko na iyon ay hindi maikukumpara sa iyo. Wala siyang mabuting kakayahan. Kahit ako na kanyang kapatid ay hindi siya kayang pagmasdan, iyon ang patunay na bigo siyang maging isang disenteng tao," puno ng sinseridad na sambit ni Wushuang. Isinama pa nito ang isang tinging puno ng pagkabigo ng sinabi nito ang pangalan ni Xinghe.

Kahit sinong estranghero na nakarinig ng kanilang usapan ay mag-iisip na wala talagang kwentang tao si Xinghe.

Kung hindi naman, bakit kahit kanyang sariling kapatid ay hindi siya dinedepensahan pero kinakastigo siya.

Pinanatili ni Tianxin ang kanyang kaswal na ekspresyon pero sa masayang-masaya siya sa loob-loob niya.

Kaya kahit bago man siya dumating, natatak na sa isip ng mga tao na si Xinghe ay hindi karapat-dapat na kakompetisyon ni Tianxin.

Lalong magiging malinaw ang katotohanan pagdating ni Xinghe. Nanamnamin niya ang mga sandali na pagtawanan ng lahat si Xinghe.

Gustung-gusto ni Tianxin na makihalubilo sa mga taong marunong at diplomatikong tulad ni Wushuang. Agad niyang ipinulupot ang kanyang kamay sa kamay ni Wushuang habang sinasabi, "Wushuang, hindi ko akalain na isa ka palang matuwid na tao. Mas papanigan mo ang isang estranghero at hindi ang iyong kapatid kapag alam mong nagkamali siya. Hinahangaan ko ang mga ganyang tao. Kung hindi mo mamasamain, pwede ba tayong maging magkaibigan?"

Hindi mapagsidlan ng tuwa si Wushuang. Matapos pakasalan ni Tianxin si Mubai, siguradong madami siyang makukuhang benepisyo bilang isa sa mga kaibigan ni Tianxin.

Nagkunwaring nasorpresa si Wushuang. "Ms. Chu, karangalan ko ang maging kaibigan mo. Wala kang ideya kung gaano ako kasaya ngayon, matagal ko nang gusto na maging kaibigan ka."

"Ikaw ang tiyahin ni Xi Lin, dapat ay naging magkaibigan na tayo matagal na," sabi ni Tianxin. Nanaisin na niyang maging kaibigan si Wushuang kahit na mas mababa ang estado nito sa buhay kaysa sa kanya. Hindi madaling makakita ng mga taong kinamumuhian si Xinghe tulad ng pagkamuhi niya.

Sinadyang magtanong ni Tianxin ng, "Oo nga pala, nasaan ang iyong kapatid, bakit hindi ko siya nakikita?"

Nagulat si Wushuang. "Dadating si Xia Xinghe?"

Nagkunwaring nasorpresa din si Tianxin, at idinagdag, "Hindi mo alam? Sinabi ko kay Mubai na imbitahan siya dahil ito ang birthday party ni Xi Lin. Patas lamang na imbitahin natin siya."

Related Books

Popular novel hashtag