Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 62 - XIA XINGHE, DUMATING KA NA

Chapter 62 - XIA XINGHE, DUMATING KA NA

"Ms. Chu, napakabuti at napakamaalalahanin mo. Pero natatakot ako na baka masamain ng aking kapatid ang kabutihan mo Ms. Chu."

"Bakit naman?" Nakasimangot na sambit ni Tianxin. Kung hindi darating si Xinghe, masisira ang kanyang plano.

Ibinaba ni Wushuang ang kanyang boses at napipilitang sabihin na, "Ms. Chu, hindi na dapat naglilihiman pa ang magkaibigan kaya huwag sanang bababa ang tingin mo sa pamilya ko sa sasabihin kong ito. Ang kapatid ko… ay hindi naging maayos ang kanyang sarili nitong mga nagdaang taon, kaya ang ganitong klaseng pagtitipon ay hindi nararapat na daluhan niya. Alam niyang magiging katatawanan siya kung tatanggapin niya ang imbitasyon kaya may posibilidad na hindi siya dumalo."

Alam naman ni Tianxin kung gaano kahirap ang kasalukuyang sitwasyon ni Xinghe.

Kaya hindi niya ito sinabi pero may panghihinayang siyang nadama. "Pero hindi naman sa inimbitahan namin siya para maging katatawanan. Alam mo naman na hindi pa nakita ni Lin Lin ang kanyang ina ng maraming taon…"

"Ms. Chu, naiintindihan ko naman at pinasasalamatan ko ang kabutihan mo, sa totoo lang ikaw na ang pinakamabuting taong nakilala ko, pero sa tingin ko ay magkakaroon pa ng lakas ng loob si Xia Xinghe na dumalo sa party na ito."

"Pero sinabi sa akin ni Mubai na nangako siya na pupunta siya."

"Totoo?"

"Totoo." At tumango pa si Tianxin para ipakita na seryoso siya.

Pinigilan ni Wushuang ang kanyang sarili na huwag humalakhak.

Pumayag si Xia Xinghe na pumunta?! Mayroon na siguro siyang malaking butas sa kanyang ulo.

Pero alam mo naman ang sinasabi ng iba, ang mga babaeng nagbebenta ng kanilang katawan ay kinakailangang may mga makakapal na mukha para mabuhay.

Ang mga ganitong pag-iisip ay tumimo sa utak niya habang ang kaligayahan at pag-asam ay nabuo sa kanyang puso.

"Ms. Chu, alam ko ang ugali ng aking kapatid. Kapag sinabi niyang pupunta siya, naniniwala akong pupunta siya. Iyon nga lamang ay natatakot akong darating siya kapag ang party ay halos patapos na…" hindi na natapos pa ni Wushuang ang sasabihin dahil agad siyang bumunghalit ng tawa. Ganoon din si Tianxin!

Kahit ang kanilang pagtawa ay halos sabay at magkapareho din.

Matapos humupa ang kanilang tawanan, nagpalitan ng tingin ang dalawang babae at agad nilang napansin ang kakaiba ngunit parehong kislap sa mata ng bawat isa.

Kanilang nakilala ang pagkamuhi para sa buwisit na babae, kay Xia Xinghe.

Pinilit pinakalma ni Tianxin ang sarili at nagsalita sa malumanay na boses, "Nakakalungkot naman kung iyon nga ang mangyayari. Malulungkot ng husto si Xi Lin…"

"Sigurado nga na malulungkot siya. Para sa kapakanan niya, sana ay dumating sa tamang oras ang kanyang ina," pagsang-ayon ni Wushuang.

Palagi nilang binabanggit si Xi Lin pero pareho silang walang pakialam sa batang lalaki. Para sa sarili nilang kapakanan kung bakit gusto nilang naroroon si Xinghe.

Kaya, XIa Xinghe, kailangang dumating ka… sa lalong madaling panahon.

Kung hindi ay pareho silang nawalan at nabigo.

Ang dalawang babaeng ahas ay parehong nakakita ng pagkakaparehas sa bawat isa habang nagtatagal ang kanilang usapan. Hanggang sa naging kumportable na si Tianxin na kasama si Wushuang kaya itinigil na nito ang pagkukunwari.

Deretsahan na niyang sinabi na, "Wushuang, bakit hindi mo ako tulungan para makita kung dumating na ang babaeng iyon, tawagin mo ako kung narito na siya."

"Walang problema." At umalis na si Wushuang ng may ngiti.

Nagsimula nang tumawa si Tianxin ng lumapit si Ginang Xi. Nagtanong siya, "Tianxin, ano ang ginagawa mo at tumatawa kang mag-isa?"

"Auntie!" Lalong nagliwanag ang ngiti sa mukha ni Tianxin habang niyayakap niya ang matandang babae. Agad siyang nagpaliwanag, "Wala po iyon, masyado lang akong masaya ngayong araw na ito."

Tumawa si Ginang Xi at nagbiro, "Masyadong masaya dahil sa nalalapit na kasalan ninyo ni Mubai?"

"Auntie, binibiro mo na naman ako…" namula si Tianxin, ang kanyang bawat galaw ay praktisado para ipakita ang kanyang ka-elegantehan.

Tiningnan siya ni Ginang Xi ng may pagsang-ayon. Habang tumatagal ang oras na nakakasama niya si Tianxin ay lalo niyang nagugustuhan ang kanyang mamanugangin.

"Tianxin, magsisimula na ang selebrasyon. Alalahanin mong umakyat sa entablado kapag tinawag ko na ang pangalan mo okay? Personal na inaanunsiyo ng Auntie mong ito ang nalalapit na kasal ninyo ni Mubai."

Humagikgik si Tianxin at nagpapalatak, "Talaga, Auntie?! Ang buti-buti mo sa akin!"

Related Books

Popular novel hashtag