Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 63 - ANG PAGKAWALA NI XI LIN

Chapter 63 - ANG PAGKAWALA NI XI LIN

"Ikaw ang napili kong mamanugangin, kanino pa ba ako magiging mabuting biyenan? Doon sa naunang pagkakamali? Napag-uusapan na lang din naman, nasaan na ba si Xinghe, dumating na ba siya?" Dumilim ang mukha ni Ginang Xi nang mabanggit niya ang pangalan ng dati niyang manugang.

"Mukhang wala pa siya dito…"

"Mabuti na ngang huwag na siyang pumunta, hindi pa ako magkaka-heartburn…" nakipaghuntahan pa si Ginang Xi ng ilang minuto kay Tianxin bago siya nagpaalam at umalis na.

Habang iniikot ang wineglass sa kanyang kamay, may namutawing ngiti sa labi ni Tianxin.

Masayang-masaya siya na malamang madaming tao ang namumuhi kay Xinghe.

Pero hindi pa din iyon sapat.

Kung hindi niya lubos na maipapahiya si Xinghe at madurog ito ng pinung-pino, ang galit at pighati na naipon sa kanya ay hindi mawawala!

Kaya Xia Xinghe, huwag mo akong sisihin, kasalanan mo ito dahil ninakaw mo ang lalaki na dapat ay sa akin!

Nagngalit ang bagang ni Tianxin sa galit at selos habang inaalala ang katotohanan na dating legal na mag-asawa si Mubai at Xinghe.

Padabog na ibinaba niya ang wineglass sa mesa at tumalikod na paalis pero nabunggo niya si Lin Lin na siya namang tumatakbo sa kanyang direksiyon.

Napaatras ang bata ng ilang hakbang bago ito napaupo sa sahig.

Nagulantang si Tianxin ng makita kung sino ang nabunggo. "Lin Lin, ayos ka lang ba?" Tanong niya agad-agad.

Yumuko siya para tulungan itong tumayo pero pinalis nito ang kamay niya. "Huwag mo akong hawakan!"

Tumayo mag-isa si Xi Lin at galit na tiningnan siya.

Agad na nakiramdam si Tianxin at nagtanong siya na may halong pag-aalala nang pakunwari, "Lin Lin, nasaktan ka ba?"

"Hindi kita hahayaang manalo," sagot ni Lin Lin bago ito tumakbo palayo.

Kumunot ang noo ni Tianxin, ano ang ibig niyang sabihin sa mga salitang iyon?

"Ms. Chu, nakita po ba ninyo ang young master?" Biglang lumapit ang isang bodyguard at nagtanong.

Mabilis na tumakbo ang kanyang isip, hindi siya sumagot ng deretso bagkus nagbalik ng tanong dito, "Ano ang nangyari?"

"Biglang nawala ang young master, wala kaming ideya kung saan siya napunta?"

"Parang nakita ko siyang pumunta doon." Sinadya ni Tianxin na ituro ang kabilang direksiyon ng pinuntahan ni Xi Lin. Nagpasalamat ang bodyguard at umalis na.

Tahimik na bumungisngis si Tianxin.

Kahit na wala siyang ideya kung ano ang gustong gawin ni Xi Lin pero gusto niyang sakyan ang tantrums nito.

Mas madaming kamalian ang gawin nito, mas madali para sa kanya sa hinaharap.

At nagsisimula pa lang siya dito…

Pagkatapos niyang lampasuhin ang nanay niyang basura, ang susunod niyang target ay ang bastardong anak nito. Tulad ng ginawa niyang pagwasak kay Xinghe, ganoon din ang gagawin niya kay Xi Lin!

Sisiguruhin niyang pahihirapan niya ng husto ang bata sa kanyang pamamalakad, at sadyang magiging madali sa kanya dahil ang tuta ay tanga tulad ng kanyang ina.

Iniwan ni Tianxin ang eksena ng may matagumpay na ere dahil lahat ay naaayon na sa kanyang plano.

"Nakita nyo na baa ng young master?" Ang pagkawala ni Xi Lin ay nagdulot ng pag-aalala kay Mubai.

Magsisimula na ang party at dahil siya ang may kaarawan, kailangang siya ang maunang humati sa cake.

At sinamantala naman ni Xi Lin ang importanteng pagkakataon na ito para maglaho.

Umiling ang bodyguard, "Ipagpaumanhin po ninyo, hinahanap na po siya ng buong team pero hindi po namin makita ang young master…"

"Ano ang nangyari kay Lin Lin, bakit naging pilyo siya ngayon?" Nagrereklamong bulong ni Ginang Xi pero mahahalata naman ang pagmamahal nito sa apo, "Larga na at ituloy ang paghahanap sa kanya at baka mapaano pa ang apo ko."

"Opo!" Ang ilang bodyguards ay mabilis na nag-alisan. Sa tingin ni Ginoong Xi ay pinalalaki lamang nilang masyado ang pagkakataong ito.

"Marahil ay nawala sa isip ni Lin Lin ang oras sa pakikipaglaro sa mga kaibigan niya. Matalino siyang bata, magiging ayos lang siya. Huwag na tayong masyado pang mag-alala sa wala."

Galit na tiningnan siya ni Ginang Xi, "Pero sinabihan ko na siyang huwag masyadong maglikot ngayon."

"Ano pa ang sasabihin ko, boys will be boys…"