Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 56 - WALANG IBA KUNDI AKO

Chapter 56 - WALANG IBA KUNDI AKO

"Isa pa, hindi naman santo si Chui Ming. Marami din siyang nakatagong lihim. Oo, ang target ko ay si Wu Rong at si Wushuang pero kailangan ko din siyang idamay dito. Sa tingin mo papayag siya na manood na lang sa isang sulok habang nakikipagpambuno ako sa asawa at biyenan niya?"

Naintindihan na ni Xia Zhi ang pinupunto ni Xinghe.

Tinutulungan siya ng ate niya na maghiganti laban sa tatlo. Lahat ng ito ay plano niya sa paghihiganti.

At wala siyang kaalam-alam.

"Ate, dapat sinabihan mo ako, tutulungan kita. Hindi pwedeng hindi mo ako isali sa mga plano mo, kapamilya mo ako, dadamayan kita," komento ni Xia Zhi.

Ang kanyang kusang-loob na suportahan siya ng walang tanong at alinlangan ay humaplos sa puso ni Xinghe.

Ngumiti si Xinghe at sumagot, "Zhi, huwag kang masyadong mag-alala. Hindi ako gagawa ng sobrang illegal, at nakakasiguro akong walang makaka-trace nito sa akin."

Napabuntung-hininga si Zhi, halatang gumaan ang loob sa narinig. "Mabuti naman dahil ayokong may masamang mangyari sa iyo, ate. Ano na ngayon ang gagawin natin?"

Handa na siyang kuhanin ang mundo kasama siya.

Ang nararamdaman niyang thrill ay dumadaloy sa kanyang mga ugat sa oras na iyon.

Tinitigan ni Xinghe ang screen ng kanyang laptop, makikita sa kanyang mga mata ang pagtatantiya.

"Sa ngayon, maghintay tayo," sa wakas ay sinabi niya.

Nasorpresa si Xia Zhi sa kanya. "Para saan?"

"Para sa reward na tumaas hanggang 10,000,000 RMB, saka mo ako hanapin."

"10,000,000 RMB?" napanganga si Xia Zhi.

Mag-aalok ba ng ganoong kalaking pera ang Chui Corps para ayusin ang virus?

Hindi sana maniniwala si Xia Zhi pero dahil ate niya ang nagsabi na hintaying umakyat sa ganoong halaga ang pabuya, kaya naghintay siya't naniwala. Ang ikinatatakot lamang niya ay mayroong mauna sa kanila na ma-neutralize ang virus bago dumating sa ganoong halaga ang pabuya.

Hindi estupido si Xia Zhi, pero nahuhulaan niya ng tama ang rason kung bakit inilabas ni Xinghe ang virus ay para kuhanan ang Chui Corps ng pera.

Hindi alintana ni Xia Zhi ang maruming taktika na ito dahil hindi naman patas lumaban ang kanilang kalaban pero natatakot siya na baka pumalya ang kanilang plano.

Pero nagdududa pa din siya na itataas ng Chui Corps ang pabuya sa 10,000,000 RMB.

At bago sumapit ang oras ng hapunan, itinaas nga ng Chui Corps ang pabuya sa halagang 10,000,000 RMB!

Sa oras na ito, halos lumuhod na si Xia Zhi kay Xinghe, dahil natamo na nito ang isang god-like status sa kanyang isipan.

"Ate, paano mo nalaman na mangyayari ito?" tuwang-tuwa na tanong ni Xia Zhi.

Bahagyang ngumiti si Xinghe, "Dahil may kumpiyansa ako na walang iba kundi ako lamang ang makakatalo sa virus na ito."

Kung hindi nila matatalo ang virus sa pinakamadaling oras, magiging katapusan na ito ng kumpanya ni Chui Ming.

Ang pangunahing produkto ng kumpanya niya ay security software at ang virus ni Xinghe ay partikular na tinatarget ang King Kong Internet Security ng kanyang kumpanya.

Wala namang masamang dulot na masyado ang virus niya, kundi ang i-crash ang infected computer ng isa or dalawang beses araw-araw.

Sino ba ang may gusto niyon?

Ilang araw pa lamang nakawala ang virus pero malaki na ang nalugi sa Chui Corps. Kinakailangang gawin na nila ang lahat para mapigilan pa ang virus.

Kaya kung sinuman ang talagang makatutulong sa kanila na mapabagsak ang virus, tama lamang ang pabuya na 10,000,000 RMB.

Kumurap si Xinghe. "Pasalamat siya hindi ako gahaman. 10,000,000 RMB lang ang kailangan ko sa kanya."

Nagdududang tumingin si Xia Zhi sa ate niya.

Ate, sigurado kang hindi ka gahaman?

Hindi niya maiwasang hindi maawa kay Chui Ming.

Oo nga at responsable si Chui Ming sa kanyang mga pisikal na galos pero kung alam lang ni Xia Zhi na may maghihintay na 10,000,000 RMB para sa kanya, naniniwala siyang gugustuhin niya na magpabugbog pa. Lahat ng ginawa ng mga ito ay pumapabor sa kanila.

Kung alam lang ni Chui Ming na ang pagkilos niyang iyon ang maglalagay sa kanya sa alanganing posisyon, hindi kaya nito suntukin ang sarili sa pagsisisi?