Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 37 - BAWIIN ANG UTANG MO SA AKIN

Chapter 37 - BAWIIN ANG UTANG MO SA AKIN

Pero ang buwisit ay may lakas pa ng loob na magsumbong sa mga pulis, inaakusahan ako na nagtangka sa buhay niya ilang taon na ang nakaraan.

Ang pagpapalayas sa kanila ay maituturing ng kabutihan sa parte ko.

Hindi naman ito masabi ni Wu Rong ng malakas. Pauyam na tiningnan lamang niya si Xinghe. Hindi siya natatakot kahit na alam niyang nagpunta doon si Xinghe para manggulo.

Siya ang nagmana ng lahat ng kayamanan ng Xia Family, bakit ba siya matatakot kay Xinghe?

Paismid na nagsalita si Wu Rong, "Mrs. Chan, nag-uulyanin ka na ba, bakit nagpapasok ka ng estranghero sa bahay? Hindi bahay pag-asa ang bahay natin, hindi lahat ay pinapayagan dito na pumasok."

Sumagot sa maliit na tinig si Mrs. Chan, "Pero madame, si Young Lady Xia po ito…"

"Mrs. Chan, nag-uulyanin ka na ngang talaga! Ang pamamahay na ito ay may isa lamang young mistress at iyon ay si Wushuang. Sa tingin mo ay may ibang tao ang karapat-dapat maging young mistress?"

Natahimik si Mrs. Chan.

Ni hindi natinag si Xinghe sa agresyon ni Wu Rong.

Tinitigan niya ng malamig si Wu Rong na parang inihahanda niya ang kamatayan nito.

Mabagal na bumaba ng hagdanan si Wu Rong, ginantihan ng matalim na tingin si Xinghe. "Xia Xinghe, ano ang ginagawa mo dito? Lumayas ka na bago pa kita ipadampot sa security."

Gumanti si Xinghe, "Ganoon ba? Sino kaya ang nagbigay karapatan sa iyo na palayasin ako."

"Pamamahay ko ito! Hindi pa ba sapat iyon? Uulitin ko ng isa pang beses, lumayas ka na. dinudumihan mo ang bahay ko ng germs mo," galit na sambit ni Wu Rong, kabaliktaran ng ipinakita nito 6 na taon na ang nakalipas.

Bago namatay ang tatay ni Xinghe na si Xia Chengwen, si Wu Rong ay isang mabait at mapagmahal na madrasta.

Ngunit ang kabaitan pala nito noon ay katumbas ng kalupitan nito ngayon.

Sinisi ni Xinghe ang sarili kung bakit hindi niya agad na nakita ang tunay na ugali nito bago nahuli ang lahat.

"Bahay mo?" sabi ni Xinghe habang nilalapitan ito, nagbabato ng matatalim na titig dito, "Wu Rong, sa tingin mo ba ay hindi ko alam na may kinalaman ka sa pagkamatay ng aking ama, sa aksidenteng nangyari sa akin, at sa lahat ng ginawa mong panloloko para maalis ang pangalan ko sa kasulatan niya?"

May panandaliang pangamba ang gumuhit sa hitsura ni Wu Rong.

Tinitigan niya si Xinghe at mabagal na nagsalita, "Nabawi mo na pala ang memorya mo."

"Tama ka, nandito na ako para bawiin ang lahat ng utang mo sa akin."

Patuyang tumawa si Wu Rong. Wala siyang pakialam kung nabawi na ni Xinghe ang alaala niya o hindi, ito pa din ang dating babae na walang kwenta.

"May pagkakautang ako sa iyo? Ako ang asawa ng ama mo, kaya sa pagkamatay niya lahat ay mapapasakamay ko, kaya ano ang sinasabi mong pagkakautang ko? Sino ka ba para hingin ang mana niya?"

Gamit ang loophole sa batas, hindi kinunsidera ni Wu Rong na banta sa pag-angkin ng mga ari-arian ni Chengwu si Xinghe.

"Xia Xinghe, kahit na hamunin mo ako sa hukuman, hindi ako natatakot! Pero ikaw ang dapat na matakot dahil kakasuhan kita sa paninirang-puri!"

Agad na tinawagan ni Wu Rong ang kanyang mga abogado ng marinig niyang nagpunta sa pulisya si Xinghe upang isumbong siya.

Sisiguraduhin niyang pagsisisihan ng babaeng ito ang pagkontra sa kanya!

"Tinatanggap ko ang hamon mo, tingnan natin kung sino ang matatalo at ang magwawagi," sabi ni Xinghe sa matatag na tinig. Nagduda tuloy si Wu Rong sa sarili, natakot na baka may hawak na alas si Xinghe laban sa kanya.

Ngunit mabilis niya itong inalis sa isip dahil mas tuso siya sa babaeng ito para magkaroon ito ng ebidensya laban sa kanya.

"Sinasabi ko sa iyo, ako mismo ang maghahatid sa iyo papasok sa kulungan," malupit na sinabi ni Wu Rong. Tumalikod na siya at nag-utos, "Mrs. Chan, tawagin mo ang security na palayasin siya!"

Natigagal si Mrs. Chan.

Matalim na tiningnan ni Wu Rong ang matandang kasambahay, "Ano, pati ikaw kinakalaban na ako ngayon?"

"Naku, hindi po, madam…" wala ng magawa si Mrs. Chan kung hindi tawagin ang security.