Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 43 - NANDOON SI XI MUBAI

Chapter 43 - NANDOON SI XI MUBAI

"Tingnan natin," sagot ni Xinghe. Ang kanyang kalmadong hitsura at tapang ay tila kumukutya kay Wu Rong, na nagpatiim-bagang kay Wu Rong sa galit.

Sinubukan ni Wu Rong – sa kanyang makakaya – na umalis ng nakataas noo pero hindi pa din niya maialis ang katotohanan ng kanyang pagkatalo.

Nilisan ni Wu Ron gang Xia Family villa sa ilalim ng malamig na titig ni Xinghe.

Ang pagbawi ng ari-arian ang unang hakbang ni Xinghe, sa nalalapit na hinaharap naman ay babawiin niya ang lahat ng dapat na kanya.

At lahat ng iyon ay may dagdag na interes!

Wu Rong, malapit na ang iyong katapusan, kaya magpakaligaya ka na sa mga natitira mo pang araw.

Binawi na ni Xinghe ang kanyang tingin at nakakita siya ng pamilyar na mukha sa ikalawang palapag ng katapat na gusali.

Nabigla siya ng bahagya dahil ito ay si Xi Mubai.

Nagtagpo ang kanilang mga mata sa gitna ng distansiya na naghihiwalay sa dalawang villa.

Nakasuot ng puting dress shirt si Mubai at nakatitig ito ng husto sa kanya habang hawak ang baso ng red wine sa kanyang kamay.

Ang kanyang mala-estatwang katawan ay bahagyang nasinagan ng araw, dahilan para makagawa ng isang kaakit-akit na tanawin .

Walang ideya si Xinghe kung gaano na ito katagal na nakatayo dito at kung gaano kadami ang nakita nito pero sa oras na iyon, nararamdaman niya na nakapako sa kanya ang matiim nitong titig.

Ibinalik niya dito ang isang blangkong ekspresyon.

Iniiwas na ni Xinghe ang kanyang tingin at pumasok na sa loob ng villa.

"Ano ang tinitingnan mo?" lumapit si Junting sa kanyang tabi at nagtanong.

Kalilipat lamang ni Junting sa kanyang bagong bahay at ngayon ang kanyang housewarming party.

Pero mula noong simula ng party, kumuha lamang ng isang baso ng alak si Mubai at nanatiling nakatayo sa kanyang balkonahe.

Ang totoo, napansin na ni Mubai si Xinghe mula ng nakatayo ito sa tarangkahan ng Xia Family villa.

Kahit na hindi niya sigurado kung ano ang nangyayari, nahulaan niya na nandoon siya para bawiin ang kanyang lumang bahay.

Mukhang nagbago at naging ibang tao ang dati niyang asawa, para mas naging assertive ito.

Sinorpresa na siya nito ng pagbabago noong nagkita sila sa ospital at ngayon ay sinorpresa siyang muli nang matagumpay nitong nabawi ang family villa nila.

Ano ang nangyari sa kanya…

"Ano ang nangyayari doon?" tanong ni Junting ng mapansin nito na lumalabas sa katapat na bahay ang mga pulis at security.

Nagkibit-balikat sa Mubai na sumagot, "Malay ko, pumasok na tayo sa loob."

Nabaling na ang atensiyon ni Junting at pumasok na siyang muli sa loob ng bahay.

Sa wakas, umalis na ang lahat.

Isinara na ni Xinghe ang pintuan sa likod niya at mabagal niyang inikot ang villa, ang lugar na dati niyang tinatawag na tahanan.

Ang tahanang nawala sa kanya matapos mamatay ng kanyang ama.

Pero mula sa araw na ito, ito na muli ang tahanan niya, at magsisimula siyang muli sa dati nilang tahanan.

Oo, isang bagong panimula!

Punung-puno ng pag-asa ang mga mata ni Xinghe, ang kanyang layunin ay mapantayan ang antas ng Xi Empire balang-araw.

Nang sa ganoon ay magkaroon siya ng sapat na katayuan para hingin ang karapatan na alagaan ang kanyang anak…

Mahaba-haba at masalimuot pa ang daan na kanyang tatahakin pero naniniwala siya na magagawa din niya ito.

Pagkatapos inspeksiyunin ni Xinghe ang bawat sulok ng villa, tinawag niya ang liyabero para pumaroon at palitan ang lahat ng kandado.

At kinailangan din niya na tumawag pa ng mga tao para alisin ang lahat ng pag-aari ni Wu Rong. Pagkatapos mapinturahang muli, magiging parang bago na ang lugar na ito.

Inihanda na ni Xinghe ang mga kailangang ayusin pagkatapos noon ay ipinagluto na niya si Xia Zhi ng isang simpleng pagkain sa kusina bago nilisan ang bahay.

Hindi pa man siya nakakalayo sa villa ng may sasakyan na mabagal na huminto sa likuran niya….