Chereads / Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) / Chapter 33 - Halika at pagsaluhan ang ulan at hamog

Chapter 33 - Halika at pagsaluhan ang ulan at hamog

"Hindi ako tutol dyan," sang-ayon na sagot ng Language teacher. Gusto niya ring malaman kung nagsasabi nga ba ng totoo si Ye Wan Wan.

Nagtinginan ang iba pang mga guro at sumang-ayon din sa huli.

"Ye Wan Wan, nang dahil sa'yo, maraming nagkakagulong mga tao dito at nasayang mo pa oras nila! Hindi pa huli para umamin ka ngayon! Huwag mong hintaying mawalan ka pa ng dignidad! Sobra mo nang ipinahiya ang F class!", galit na sabi ni Liang Li Hua.

Tumawa lamang si Ye Wan Wan, "Ms Liang, ikaw naman po talaga 'yung kumukwestyon sa akin at ginulo ang lahat ng mga guro dito. Pati pagsasayang ng oras nila, ikaw din ang dahilan. Ikaw din po ang dapat sisihin!"

"Ikaw…"

Bago pa ibuka ni Liang Li Hua ang bibig para sumagot, lumingon si Ye Wan Wan ang iba pang mga guro at direktang nagsabi, "Teachers, hindi niyo po kailangang humantong pa sa kaguluhan na 'to. Kung nandaya po talaga kami, siguradong sisishin naman ako ni Miss Liang na nandaya na naman ako. Kaya kahit pa tumalon ako sa Yellow River, hindi na malilinis pa pangngalan ko. Paano po kaya kung magbigay ng limang mga tanong ang bawat isang guro ngayon? Meron dalawampu't-limang mga katanungan at kapag nagkamali ako miski isa lang, edi ituring niyong nandayan nga ako!"

Kumamot lang ng pisngi si Zhao Xing Zhou, "Ah Miss Ye, may problema ka sa Math… sa Language, Math, Politics, Kasaysayan, at Geography, hindi pa dapat tatlumpung katanungan lahat-lahat?"

Napawalang-kibo si Ye Wan Wan, "Hindi po dapat kasama ang Math."

Nagtaas ng kilay si Zhao Xing Zhou, "Bakit hindi dapat isama ang Math?"

Blangkong sumagot si Ye Wan Wan, "Dahil ayoko sa Math."

Mabilis na napahawak si Zhao Xing Zhou sa puso niya, tagos sa dibdib ang mga narinig niya na nabalot ng lungkot ang mukha niya, "Huwag kang ganyan, ano bang ayaw mo sa Math? Interesante naman ang mga lesson ko…"

Binigyan lamang siya ng blangkong ekspresyon ni Ye Wan Wan, "..." para kamong mga masokista!

Nagdiskusyon muna ng sandali ang mga guro at saka napagdesisyunang tanggapin ang suhestyon ni Ye Wan Wan.

Nakabuo ng tig-limang mga katanungan ang bawat guro.

Mabilis na nakabuo ng dalawampu't-limang mga katanungan at naimprenta. Hiwalay ang bawat limang katanungan.

Samantalang ang Math teacher na si Zhao Xing Zhou, pinilit pa rin na gumawa ng limang katanungan, habang maiging nakatingin kay Ye Wan Wan.

Sumulyap ang pinuno ng Students Affairs saka tumingin sa orasan at nagsabi, "Pwede ka nang magsimula ngayon, okay na ba an kalahating oras sa'yo?"

"Opo." walang pagtutol na sagot ni Ye Wan Wan. Umupo na siya at nagsimulang sagutan ang mga katanungan.

Umupo ang lahat ng mga guro sa malapit na sofa at uminom ng tsaa habang naghihintay.

Tiningnan ni Liang Li Hua si Ye Wan Wan na tutuk na tutok sa pagkumpleto ng exam. Nagngingitngit sa inis ang guro at nagaabang kung hanggang saan siya dadalhin ng pagkukunwari niya.

Sinilip muna lahat ni Ye Wan Wan ang lahat ng mga katanungan mula umpisa hanggang sa huli at saka nagsimulang magsulat.

Para maiwasan ang panghuhula niya ng mga sagot, walang inilagay na multiple choices sa mga tanong kundi punan lang ang bawat patlang.

Sa loob lamang ng sampung minuto, tapos na niyang sagutan lahat.

Nagtipun-tipon ang ilang mga guro at saka nilagyan ng grado ang kanyang gawa. Ang huling hatol...isang perfect score!

Maliban sa Math na pinili niyang hindi sagutan miski isa sa mga tanong.

Para lalong masubukan ang totoong kapasidad ni Ye Wan Wan, ginawa ang mga tanong na kasing hirap ng simulation exam. Ngunit sa huli, nagawa ng batang 'to na masagutan ng tama ulit ang exam.

Matapos mamarkahan ni Liang Li Hua ang huling tanong mula sa English test, nagiba bigla ang kanyang ekspresyon, "Imposible 'to! Laging nasa hulihan si Ye Wan Wan! Paanong nangyaring tumaas ang mga grado niya ganun-ganun lang?!"

Sumagot si Ye Wan Wan, "Hindi po ba pwedeng matalino kasi ko?"

"Pffft…" natawa bigla ang nalungkot na si Zhao Xing Zhou matapos marinig ang sagot ng bata, "Siguro alam ng batang ito kung paano sagutan ang mga tanong bago pa ipasa ang nakablangkong eksaminasyon. Suwail na bata, ngayon naiintindihan ko na! Ngayong nalaman na ang katotohanan, nakakuha na naman ang Qing He ng isang magaling na estudyante. Hindi ba dapat ikasaya 'to?"

Nilingon niya si Ye Wan Wan na halata pa rin sa mukha ang kirot sa puso, "Pero Ye Wan Wan, sobrang nasasaktan ako na malamang ayaw mo ng Math! Hindi ba pwede tayong magkasundo dito sa susunod?"

"Pasensya na po teacher, hindi ko kayang gawin."

Tumingin si Ye Wan Wan sa pinuno ng Student Affairs at saka muling nagsalita tungkol sa ikinakabahala niyag isyu, "So, tungkol po sa aking dismissal notice?"

Tiningnan ng pinuno ng Students Affair ang provisional test paper saka malalim na nagisip, "Ayon sa patakaran ng eskwelahang ito, dahil na rin sa magandang resulta ng test mo, ang desisyon na i-dismiss ka ipapahinto muna habang inoobserbahan ang paguugali't ginagawa mo! Kung mapatunayan man na nagbago ka na talaga, mapapawalang-bisa ang desisyon na patalsikin sa eskwelahang ito!"