Chapter 34 - Paalam mo mukha mo!

"Paanong nangyari 'to? Anong karapatan niyong baguhan bigla ang naging desisyon sa umpisa pa lang?" pilit na pagkuwestoyn ni Liang Li Hua.

Napakahirap patalsikan ng lintik na 'to at saka napurnada ang plano ng ganun lang?

Malamlam lang na sinagot siya ng pinuno ng Student Affairs, "Miss Liang, ito ay ayon sa patakaran ng eskwlehan. Bukod pa rito, kung alam niyo rin, napakahalaga para sa eskwlehan ang graduation rate. Malaki ang potensyal ni Ye Wan Wan kaya dapat gabayan mo siyang mabuti!"

Hindi nakuntento si Liang Li Hua, ngunit ngayon, alam na ng mga guro na totoong mataas talaga ang nakuhang scores ni Ye Wan Wan at naintindihan niya rin ang importansya ng graduation rates sa eskwelahan.

Damn! Nasa 80 na porsyentong sigurado pa naman siya na mapapatalsik niya ang walang-hiyang bata!

Habang katatapos lang ni Ye Wan Wan na kumuha ulit ng exam, nagtago naman ang mga estudyante mula sa labas at mabilis na ibinalita ang nangyari sa klase.

Matapos marinig ang balita, ang buong F class ay nagkagulo.

Ang Ye Wan Wan na 'yun na laging huli sa klase, totoo ngang nasa top na ng klase?

"Nakita namin mismo, gumawa ang lahat ng mga guro ng bawat tanong at nagawa niya lahat 'yun sagutan ng tama! At saka 'ipinahinto rin nila ang desisyon na mapaalis siya!"

"Damn! Paano nangyari 'to?! Akala ko pa naman hindi na natin makikita pa 'yung pangit na 'yun pero parang sasakit pa rin mga mata natin nito!"

"Konti lang naman ang lamang niya sa grades! Anong big deal dun? Kung wala siyang magandang grado pampaayos sa pangit niyang mukha, mas mabuti pang mamatay na lang siya!"

Maya-maya pa, bumalik na si Liang Li Hua sa klase na kasama ang si Ye Wan Wan na may malungkot na mukha habang nakasunod sa kanya.

Nanahimik ang buong klase habang nakatitig ang lahat kay Ye Wan Wan.

Isa pa, nakakagulat talaga na malamang may estudyante na siyang laging huli klase ang ngayo'y biglang nangunguna na sa klase.

"Class monitor, pumunta ka rito at ibigay mo sa kanila ang resulta ng exams nila! Matapos niyong makuha ang exams niyo, huwag niyong kalimutang tingnang maigi 'yung mga mali!, kaswal na salita lamang ni Liang Li Hua habang nanlalamig ang ekspresyon ng mukha at nanatiling tahimik at walang binibanggit sa nangyari.

O kaya, gagawin na lang niya sampalin ang sariling mukha at purihin pa si Ye Wan Wan sa biglang pag-angat nito, diba?

Mula sa inaasal ni Liang Li Hua, alam na agad ng lahat na totoo nga ang balita tungkol kay Ye Wan Wan.

Sabi ni Liang Li Hua, "Okay, magpapalit tayo ng upuan ngayon na!"

Nang marinig na magbabago na sila ng upuan, maraming mga estudyante ang nagrereklamo, may iba naman masaya samantalang ang iba nama'y nagalala.

Sa wakas, matapos ang malaking problema na kinaharap, nasa maayos na kondisyon na si Ye Wan Wan. Nagpaalam siya sa katabi niya habang inaayos ang gamit, "Paalam, class Si Xia! Congratulations, hindi mo na kailang tingnan ang mukha ko khait na kailan!"

Inagaw ng binata ang resulta ng exams niya at saka nahalata na bumakat ang ugat niya sa noo. Goodbye mo, mukha mo!

Sa loob ng sampung minuto, mabilis na pumunta sa bagong mga pwesto sa upuan ang mga estudyante.

Saka ang lahat tumitig sa isang upuan sa may unahan.

Mula sa kaliwang pinakasulok ng upuan sa unahan makikita si Ye Wan Wan na nakaupo.

Sa kanan naman niya...Si Xia...

Sa puntong 'to, luminga-linga lang ang binata sa tabi ni Ye Wan Wan at hindi makapaniwalanh katabi niya pa rin ang kaklase na ilang araw nang nabibigay sa kanya ng malaking bangungot.

Kung nalaman niya lang noon pa ang magiging resulta, mas pipiliin na lang niyang maupo sa hulihan kaysa maging pangalawa sa klase.

Tiningnan lang siya ni Ye Wan Wan na may halong pagkaawa, "Nakikiramay ako sa'yo, bata. Malayo pa naman sana ang mararating mo sa buhay. Kung tutuusin, maliit lang naman ang problema na 'to sa'yo!"

Malalim na huminga si Xia para pigilan ang inis, "Manahimik ka nga!"

Tumigil na si Ye Wan Wan na pikunin pa ang katabi at saglit na umidlip na lang sa mesa niya. Masyado siyang napagod sa exam kanina kaya kailangan niyang makabawi ng tulog.

Matapos makaupo ng lahat sa bago nilang pwesto, nagpatuloy na si Liang Li Hua, "Ngayong tapos na ang exams, meron pa rin tayong importante na gagawin. Naniniwala naman ako na alam niyo na mayroong school leader's inspection. Nagayos ang paaralan ng isang arts performance at ang bawat klase ay kailangang sumali at maghanda ng isang performance.

Sa huling meeting, sumang-ayon kami na ang klaseng ito ang maghahanda ng isang palabas na "Snow White" at si Si Xia ang napiling gumanap na prinsipe. Pero, hindi pa rin kami nakakapagpasya kung sino ang bidang babae na gaganap bilang Snow White."