Chapter 1666: Lahat Ng Bagay May Hangganan, Kahit Maganda
Masunurin si Little Treasure at lumapit, tapos tumingin at sinabi, "Aunt, may regalo ako para sayo!"
Maingat na pinakita ng bata ang regalo niya. Ito ay isang portrait ni Ning Tianxin base sa mga litrato na binigay sa kanya ng nanay niya at may kasama pa itong frame para pwedeng isabit.
Bukod sa mga mga drawing niya ng nanay niya, minsan lang gumawa ng portrait ang bata. Makikita mo na maganda ang impresyon sa kanya ng tita niya at gusto talaga niya ito.
Hinawakan ito ni Ning Tianxin at humanga, mahinhin ang ekspresyon niya habang tinitingnan niya ang bata sa harap niya. Nag-iskwat siya para yakapin siya nang magaan. "Salamat, salamat, Little Treasure! Sobrang ganda!"
Malambot ang katawan ng bata, at may kaunting amoy pa ng gatas sa kanya, at pag naamoy ito, parang nakakaluha.
Binitawan agad siya ni Ning Tianxin. "Xiao Xi, aalis na ako. Balik na rin kayo!"
"Mmm, ingat!"
…