Chapter 1627: Huwag Siyang Abalahin
Pagkatapos siguraduhin ni Ning Xi na magaling na si Ning Tianxin, nag-iwan siya ng sulat at umalis.
Sa tabi ng malaking puno na malapit sa apartment, nagsindi ng sigarilyo si Mo Lingtian. Nakatago siya ng lilim ng puno habang nakatitig sa bintana ng kwarto ni NIng Tianxin. Biglang bumukas ang pintuan mula sa loob.
Natranta si Mo Lingtian at agad niyang pinatay ang sigarilyo. Nagtago siya sa likod ng puno. Sinubukan niyang pigilan ang paghinga niya.
Parang nagmamadali si Ning Xi at hindi niya namamalayan ang paligid niya. Pumasok siya sa kotse niya at umalis.
Lumabas lang si Mo Lingtian mula sa likod ng puno noong malayo na ang tunog ng kotse. Sandali lang ang pangyayari pero pawis na ang likod niya.
Pagkaalis ni Ning Xi, tumayo lang doon nang matagal si Mo Lingtian. Tahimik sa loob ng apartment at walang tunog.
Mukhang hindi mabuti ang pakiramdam niya kanina. May sakit kaya siya?