Chapter 1621: Gusto Ko Ng Halik At Yakap
Hindi niya naisip na pagkababa niya ng eroplano, makakarinig siya ng balitang nakakakilabot.
"Salamat, Boss! Chineck ako ng doktor. Pasa lang. Hindi malala!" Oh! Sobrang sakit! Gusto ko ng halik at yakap!
Kahit na "Boss" ang tawag ni Ning Xi sa kanya, hindi niya natago ang pagnanasa sa kanyang mga mata. Muntik nang bumigay si Lu Tingxiao.
Hindi masama ang Mandarin ni Orlando. Noong narinig niya ito, nalaman niya na ang lalaking nagpakita bigla ay ang Boss ni Ning Xi.
Seryoso ang itsura ni Orlando. Tiningnan niya si Lu Tingxiao. Agad siyang yumuko nang 90-degrees ang anggulo. "Kayo pala ang boss ni Xi! Palagi kayong binabanggit ni Xi. Sinasabi niya na malaki ang paghanga niya sayo! Kasalanan ko lahat ng 'to. Ako yung hindi nagbantay ng maayos sa baril, at dahil dito napalitan ito. Ako ang dahilan kung bakit napunta sa panganib si Xi… Please 'wag kayong mag-alala. Ako ang responsable!"