Chapter 1503: Mahusay
"Ah! Sis! Sis, halika rito!"
Sumigaw si Tang Nuo sa saya. Agad dumating sina Tang Shan, Sun Lan, Elder Madam Tang, at Ning Xi...
Nakita ng apat ang lalaki sa pintuan at si Tang Nuo na hindi makapaniwala habang may hawak siyang papel.
"Sis! Tingnan mo! Acceptance letter! Acceptance letter mula sa Imperial University!"
"Ha…? Xiao Nuo, san mo nakuha yan?!" Pinalibutan siya nina Sun Lan, Tang Shan, at Elder Madam Tang. Kahit si Ning Xi parang nagulat.
"Si bayaw… binigay sakin ni bayaw! Sabi niya regalo para sakin!" Niyakap ito ni Tang Nuo na parang sanggol, tapos nilabas niya para ipakita sa magulang at sa lola niya.
Uhh… Regalo?
Kumibot ang bibig ni Ning Xi nang makita niya ang lalaki sa pintuan.
Alam niya na mabilis kumilos ang demonyong yun, pero mas mabilis pa ito sa karaniwan!
Siya mismo ang naghatid ng acceptance letter mula sa Imperial University.