Chapter 1442: Kahit Ano Pa Ang Resulta
Sa kasabay na oras, ang maliit na goldfish sa kabilang villa ay halos magwala.
Kahit na kaunting oras lang ang lumipas, mabigat na parusa sa kanya ang maghintay na may mahalagang sikreto malapit sa kanya at hindi magawang makita.
Habang binubuksan ni Lu Jingli ang resulta ng DNA test, sa wakas ay tinawag siya ng kanyang kapatid.
"Lumapit ka."
Tumakbo na parang atleta si Lu Jingli nang tinawag siya ng kanyang kapatid, at agad din siyang nakarating doon.
Kahit na tinawag siya ng kanyang kapatid, siya ay traumatized pa din kay Ning Xi nitong hapon. Tumingin muna sa paligid si Lu Jingli bago pumasok sa lugar.
"Bro! Tulog ba si Xiao Xi Xi?" ang tanong ni Lu Jingli sa mahinang boses, hinihingal pa rin sa kanyang tinakbo.
"Mmm."