Chapter 1389: Yun Lang Ang Pwede Mong Gawin
Tahimik ang lahat, pero biglang may tumunog na phone. Mabilis kinuha ni Mo Lingtian ang phone niya. Nang makita niya ang pangalan sa screen, bigla siyang namutla.
Si Ziyao.
Wala na ang batang kinakatakutan niya. Hindi na siya pinapakailaman ni Ning Tianxin. Hindi na siya pinupuwersa ng magulang niya na magpakasal, at tinatawagan pa siya ni Ziyao...
Pagkatapos ng gabi, hindi kadiliman ang naghihintay sa kanya. Bumalik pa ang buhay niya sa ninanais niya.
Pero bakit naramdaman niya na parang walang kwenta lahat ng ito? Ang nasa isip lang niya ay gusto niya makita siya… Kailangan niya makita siya...
Hindi sinagot ni Mo Lingtian si Guan Ziyao. Tiningnan niya ang mahigpit na mukha ni Ning Xi at inulit niya, "Gusto ko lang siya makita."