Chapter 1287: Kahit Pilitin Mo, Walang Mangyayari
Hindi makapaniwala si Jiang Muye. Sumuko na siya. "Masyado kang cool! Suko na ako!"
Hinimas ni Ning Xi ang baba niya. "Isa si Mo Yuxiu sa mga tao na binigyan ko ng high class treatment, sayang lang kasi basura siya."
Basura rin si Jiang Muye. Dahil ito sa pagpalaki sa kanya, at dahil sikat rin siya. Nakukuha niya agad kung ano man ang gusto niya, at hindi niya nabibigyan ng halaga.
Wala siyang pakialam at sobrang dami niyang naging girlfriend. Walang bagay na parang "'till death do us part" para sa kanya, pero at least, loyal siya at hindi siya nanloloko pag nasa loob siya ng isang relationship.