Chapter 1209: Hindi Mo Ba Gusto Ang Trabaho Sa Kama? Gagawin Ko Ang Bawat Hiling Mo!
Ang pelikula ay hindi pa naipapalabas, ngunit mayroon na agad si Lu Tingxiao na kopya nito. Malinaw naman na ginawa niya ito para sa kanya.
Naantig si Ning Xi habang nagbuntong hininga, "Sobrang magpagmahal ng tao sa aking tabi, ngunit nandito tayo, nanunuod ng pelikula ni Liang Biqin... Sayang lamang ang mga ito..."
"Kung ganon, ano ang gusto mong panuorin?"
May naisip agad si Ning Xi at ngumiti sa kanya habang hinahaplos ang baba nito. "Dapat tayong manuod ng romantikong aksyon na pelikula o kahit anong ganoon... Hindi ba iyon mas bagay sa kalagayan natin ngayon?"
Tumingin sa kanya ang lalaki at sinabi, "Sa tingin mo ba na kailangan pang manuod ng ganoon kahit nasa tabi na kita?"
Natahimik na alng si Ning Xi.
Demonyo, ang mga pick-up lines mo ay lumalalim...
Napagtanto niya na habang inaakit niya ito ngayon, babali ang pabor sa kanya.