Chapter 1128: Hindi Niya Tinupad Ang Usapan
"Haha, Ms. Ning, kung ganoon, set na tayo. Sabay tayo bumalik sa Imperial bukas. Gusto ko lang makita ang headquarters ng Spirit at pipirmahan ko na ang kontrata. Ano tingin mo?" Malaki ang ngiti ni Deng Kuan.
"Syempre naman po. Set na tayo. Kung may mga tanong pa po kayo, pwede niyo ako tawagan anytime." Lumambot ang ekspresyon ni Ning Xi.
Nag-usap sila ng kung anu-ano ng sandali at pagkatapos nila mapag-usapan ang oras ng pagbalik nila para pirmahan ang kontrata, umalis si Ning Xi kasama si Han Momo.
Dumeretso sina Ning Xi at Han Momo sa kanilang hotel pagkaalis nila sa New Era mall.
…
Ilang sandali ang nakalipas pagkatapos makaalis ni Ning Xi, at pumasok ang isang lalaki sa opisina ni Deng Kuan.
"Mr. Deng, paumanhin po. Ako po si Qin Zifan, Marketing Director ng History." Nakangiti ang lalaking ito kay Deng Kuan.
"History?"