Chapter 1022: Makilala kahit minsan ang idol niya
Bawat bahay sa Taoyuan Village ay malayo sa isa't isa at ang tinitirhan ni Son Jin ay mas malayo pa sa iba. Isa talagang hamon ang pumunta dito para maghanap ng isang tao sa unang pagkakataon.
Buti na lang at nakita nila ang bahay nito at nagbunga naman ang paghahanap nila.
May nakita silang isang lumang patyo at umuusok na tsimenea sa bubong ng bahay sa 'di kalayuan. Sa likod ng bahay ay isang magubat na lugar na may palayan at naririnig nila ang tila kuntentong pag-ugong ng matandang baka mula sa loob ng patyo.
"Malawak na kakahuyang napapalibutan ng kagubatan, palayan sa tabi ng bahay; isang bahay na may 10-acres ang layo sa iba pang bahay sa paligid; mga puno ng willow na nagbibigay lilim sa bahay at mga peach sa paligid; sa isang malayong nayon ay may isang bahay na may usok sa tsiminea…Huh, mukhang fan ni Tao Yuanming si Elder Song!" tumawa si Ning Xi.