Chapter 860: Mamimiss Talaga Kita!
"Iyon...ba…" lumambot ang boses ni Ning Xi habang tinatapik ang balikat niya. "Dadating din ang araw na iyon! 'Wag kang magmadali!"
"Ning Xi, sinabi ko dati na ang kailangan mo lang isipin ay kung mahal mo ba talaga ako, at ganoon pa rin hanggang ngayon. Basta payag ka, walang sino man o ano man ang makakapigil sa'yo na maging asawa ko."
Pinapangako ni Lu Tingxiao sa kanya na walang impluwensiya mula sa pamilya o panghihimasok ng ibang tao ang makakaapekto sa desisyon niya.
"Alam ko…'wag kang makinig kay Zhuang Liaoyuan. Hindi niya lang alam kung anong mayroon tayo at malamang ay nasasabi niya lang iyon dahil akala niya ikaw ang may away na ipaalam sa iba ang tungkol sa relasyon natin...oo nga pala, ano kayang ibig niyang sabihin kanina?" napaisip si Ning Xi.
"Inimbistigahan niya siguro ang identity mo dahil sa nangyari sa shooting range noong isang araw." sagot ni Lu Tingxiao.