Chapter 720: Lalamunin Ba Siya Kapag Magaling Na Siya?
Umuulan ng nyebe -- napakagandang araw para mag-steamboat.
Kaya lang, sugatan siya at hindi pwede sa kanya ang maanghang na pagkain. Kaya nagpasya siya na gumawa na lang ng clear soup base. Mula sa pag;huhugas ng mga gulay hanggang sa paghahanda ng sopas, si Lu Tingxiao ang gumawa ng lahat habang tahimik na nakaupo si Ning Xi.
Napansin ni Lu Tingxiao ang pagiging masunurin nito. Nakasulat sa mukha niya na hindi niya na ulit ito gagawin pero hindi na ganoon kadaling maloloko ulit si Lu Tingxiao.
Parang totoo naman ang paghingi nito ng tawad pero...palagi niya pa rin itong inuulit!
"Okay, Little Treasure, gusto kang hanapan ni Mommy ng master para turuan kang lumaban...ibig kong sabihin, kung fu?" hiningi ni Ning Xi ang opinyon ni Little Treasure habang kumakain.
Binaling ni Little Treasure ang ulo. Kung fu?