Chapter 719: Malupit Na Big Bad Wolf
Bwisit! Paano niya nalaman ang tungkol sa sugat? Isang paa lang naman ang ginamit niya pangsipa! May x-ray vision ba siya?
Isang malaking pagkakamali!
Dapat pala ay ginamot niya agad ang sarili pagkauwi nila. Ngayon, halata na ang totoong nangyari sa kanya….
"Ito…'yan ba...nako! Bakit dumudugo ang sugat ko? Hindi ko na napansin! Nag-ingat naman ako buong araw! Isang paa lang naman ang pinangatake ko sa lalaki kanina. Ah baka dahil nadulas ako sa snow?" nagpasya si Ning Xi na magpanggap na inosente.
Pero, nang makita niya ang pagdududa ni Lu Tingxiao, halata nang alam nito ang katotohanan.
Tinigil niya na ang pagtanggi at nagsalit ng may maliit na boses, "Kasalanan ko."
Tinignan ni Lu Tingxiao ang duguang bandage at sumimangot. "Nasaan ang first aid kit mo?"
Bumulong si Ning Xi, "sa cupboard."
Pumunta si Lu Tingxiao para kunin ang kit.