Chapter 695: Nakikipag-date Ang Asawa Mo Sa Isang Vixen
Kinakabahan si Fang Ya pagkatapos ibaba ni Hu Hongda ang tawag. "Gusto kang makita ng vixen. Anong gusto niya? Bakit ka pumayag?!"
"Magkikita lang kami. Titignan ko kung anong gusto niya, 'yun lang! Magpakabait ka, dito ka lang sa bahay at hintayin mo ako!" pumasok si Hu Hongdan sa kwarto at nagsimulang mamili ng isusuot.
"Pwedeng 'wag ka nang pumunta? Siguradong may ibang plano ang babaeng 'yon!"
"Bakit naman ako matatakot sa isang maliit na babae?"
"Hindi ko sinasabing takot ka sa kanya, pero...paano kung akitin ka niya? Pokpok siya at masama ang reputasyon niya! Sinong nakakaalam kung anong klaseng sakit ang meron siya? 'Wag kang papaloko sa kanya!"
"Mukha ba akong mabilis maloko? Sige na, magpahinga ka sa bahay at itigil mo na ang pag-aalala mo." Nagsisimulang sumama ang tono ni Hu Hongda. Determinado talaga siyang pumunta.