Chapter 675: Hindi Tama Para Sa Katawan Na Pigilan Ito
Hinalikan siya ulit ng lalaki...
"Ning Xi…"
"Hmm?"
"Umuwi na tayo. Sabi ng doktor, stable na ang injury mo. Kaya pwede ka nang umalis ngayon."
"Okay! Gusto ko na rin talaga umuwi!"
Nagyakapan ang dalawa sa kama na ilang sandali bago bumangon. Habang nagsusuot ng damit si Ning Xi, nainis siya nang makakita ng chikinini sa buong katawan niya, hanggang sa baba!
Mabuti na lang at taglamig ngayon kaya pwede siyang magsuot ng turtleneck para maitago.
Medyo nahiya siya nang manghingi siya ng turtleneck sweater sa nurse.