Chapter 517: Ang Kampihan Ng Mag-ama
Sinuri uli ni Ning Xi ang temperatura ni little bun bago kumain. Guminhawa ang kanyang pakiramdam nang masigurong normal pa rin ito.
Hindi niya inaalala na hind pa rin nagsasalita si little bun.
Ang importante ay maayos ang kalusugan ng pangangatawan ni little bun. Siyempre, gusto rin niyang marinig uli ang boses nito, pero hindi niya pipilitin ang bata na gawin ang hindi niya gusto; magsasalita siya kung kailan niya gusto.
Pagkatapos ng agahan, may naalala si Ning Xi. "Ah! Muntik ko nang makalimutan! Mayroon akong mga regalo sa inyo!"
Regalo!
Lumiwanag ang mga mata ni little bun.
Bumalik si Ning Xi sa kanyang kwarto at nilabas ang dalawang kulay langit na sa mga bag, isa para kay little bun at isa naman para kay big bun.
Kinuha ni Lu Tingxiao ang bag para sa kanya at gulat na sinabi, "Mayroon din ako?"
"Siyempre naman!"
Ang demonyo ang nakakuha ng pinakamahal na regalo!