Chapter 468: To Visit Someone
Dahil sa gagawing perfume advertisement shoot, kailangan ni Ning Xi na manatili pa sa Los Angeles.
Dahil sa pagkakataong ito, may mahalaga siyang kailangang gawin…
May gusto siyang bisitahin.
Nagpunta si Ning Xi sa St. Bernard City malapit sa Los Angeles.
Wala namang makakakilala sa kanya sa lugar na 'yun kaya 'di na siya nag-abalang mag-makeup o mag-disguise. Nagpalit lang siya at nagbihis ng komportableng white t-shirt at pantalon.
Five years in a row nang binansagang pinaka-delikadong lungsod sa Country M ang St. Bernard City, kung saan nagtitipon ang mga low0income groups at kung saan madalas magtagpo ang mga smugglers; ito rin ang pinakabayolenteng lugar sa buong bansa.