Chapter 463: Suddenly Forgot His Words
Sinipsip lang ni Li Yueling ang dinalang fruit juice ng assistant niya at tuwang tuwa ito, "Pfft, mas nakakaentertain pa 'to kaysa sa inakala ko! Alam naman niyang papalpak lang siya, bakit niya pa ba kasi sinubukan? Akala niya ba talaga may mangyayaring milagro?"
Nang matapos si Li Yueling, inilabas niya ang cellphoneniya at may tinawagan, "Hello, Xueluo!"
"Yueling, tapos na ba ang audition mo? Kumusta?" isang marahan na boses ang nagtanong mula sa kabilang linya.
"Mmm, kakatapos lang! Syempre, 'di kita ipapahiya!" May mga mahirap kalaban mula sa mga naunang 13 pero wala na siyang kakumpitensya sa mga susunod na candidate, kaya mataas ang kumpyansa niya na siya na ang mapipili.
"Sabi ko na nga ba wala kang magiging problema!"
"Haha, gusto nga kitang pasalamatan sa chance na 'to, kung nagkataon, siguradong sa'yo mapupunta 'to!"