Chapter 456: Hindi Mo Ba Naaalala Ang Iyong Ama?
Naalala ni Ning Xi ang magulong pahayag ni Lu Tingxiao matapos itong maligo sa shower. Kahit na galit na galit siya, kumalma siya upang hindi matakot sa kanya si Ning Xi.
At siguro nakita naman niya kung paano pinatay ni Ning Xi ang mga taong iyon, pero hindi na siya nagtanong or nagbanggit pa ng kahit ano tungkol dito. Sa halip, malumanay nya itong tinrato gaya ng nakasanayan...
Naramdaman ni Ning Xi ang kasiglahan at binaluktot ang sarili na parang bola. Inalis niya ang sagabal sa kanyang lalamunan at sinimulang kumanta, "hindi ko pa rin alam kung ano itong aking nararamdaman nang mahulog ang puso ko sayo; ito ang pinakamagandang bagay sa aking buhay ng ikaw ay makilala ko... ikaw ang nagbantay sa akin tuwing umuulan at bumabagyo, ikaw ang gusto kong makasama... abot kamay natin ang isa't isa..."
Kahit na hindi niya siya nakikita, iniisip niya na nakikinig niya ang kanyan pagkanta.