Chapter 423: Birth Date Ni Ning Xi
Sa Fahua Temple.
Noong isang araw, matapos makipagusap kay Lu Chongshan, naglaan si Yan Ruyi ng oras para pumunta sa temple ng maaga.
Kilala ang temple na ito bilang maswerte at puno na agad ito kahit umaga pa lang.
Sinindihan ni Yan Ruyi ang isang joss stick at naghintay sa pasilyo. Ilang segundo lang, may isang mongheng lumapit, ang mga palad nito ay magkadikit na ang ibig sabihin ay "Amitabha". Binati siya nito, "Donor Yan, naparito ka!"
Ibinalik ni Yan Ruyi ang paggalang at balisang sumagot, "Little Master, nagtataka lang ako kung anong sasabihin ni Master Xuan Jing."
"Naghihintay sa loob ng bulwagan ang abbot. Donor Yan, sundan mo ako." sagot ng maliit na monghe.
"Ah, bale pumayag si Master Xuan Jing! Great! Maraming maraming salamat!" Dala ni Yan Ruyi ang salansan ng birth dates ng mga socialites. Masaya siyang sumunod sa monghe patungo sa lugar ng pagninilay sa bakuran.