Chapter 422: Special Task
Sumunod na umaga sa Platinum Palace Residence Entrance.
May dumating sa Mercedes Maybach, si Cheng Feng at apat sa bodyguards ay naghihintay sa labas ng entrance.
'Yung pinakamagtangkad na bodyguard, na mukhang tapat at walang muwang, ay hindi na napigilan pang tanungin si Cheng Feng, "Assistant Cheng, bakit gustong pumunta ni boss sa America sa panahong 'to? Isa pa, bakit sa isang magulong lugar tulad ng Philadelphia? Hindi ba niya pwedeng iutos na lang sa iba ang pag-oobserba? Ganoon ba kaimportante 'yung processing plant?"
Nang maisip niya ang pakay ng pagbisita, may naaala si Cheng Feng. Saka niya tinitigan ang lalaki, "Kung wala kang utak, 'wag kang mag-isip ng walang kwenta buong araw. Tingin mo kaya mong hulaan kung anong iniisip ng boss? Sumunod ka na lang."
Kinamot ng malaking lalaki ang kanyang ulo at pakiramdam niya ay may sense naman ang sinabi ni Cheng Feng, "Oh, naiintindihan ko, salamat ho, Assistant Cheng!"