Chapter 338: She Seemed More Attractive
"Uy, miss! PInapapunta ka ni Mister Li oh, 'di mo ba narinig?"
Nang 'di sumagot si Ning Xi, naging mainit ang ulo ng mga lalaki sa harap ni Mister Li at nag-iba rin ang tono nila.
'Di nila inasahan na hindi gagalaw ang babae sa harap ng mga imbitasyon nila at nagpatuloy lang siya sa pag-inom na parang wala siyang narinig.
"Hoy bitc-"
Bago pa matapos ang pagmumura ng lalaki, tumayo si Mister Li at kinalabit ito sa balikat bago tumawa, "Hindi ganyan ang pakikipagflirt sa mga babae. Dapat ineenjoy 'yung panghuhuli, gets?"
Nang marinig ang sinabi ni Mister Li, natawa ang binata, "Mister Lim sinasabi mo bang masyado akong nagmamadali? Sige 'di na natin kaya 'yung mga ganitong babae. Kailangan natin si Mister Li na gawin 'to nang personal. Kaming mga bros, manonood lang kami. Sa susunod, 'di namin kayo ipapahiya!"