Chapter 231: Sirain Ang Pagkahumaling sa Big Demon King
Pagkatapos maghanap ng isang saglit, nagpalit si Ning Xi ng isang kulay pilak na sequined camisole, itim na tights, at mataas na takong na labindalawang sentimetro ang taas. Pagkatapos ay naglagay siya ng smoky makeup na kahit ang sarili niyang nanay ay hindi siya makikilala dito… Si Cinderella ay nagpalit sa isang magandang gown nung hatinggabi, at pumunta sa palasyo na nakasakay sa karwahe na kalabasa para makilala ang kanyang Prince Charming.
Siya, siya ay naging isang puta nung hatinggabi, at pupunta sa nightclub para pukawin ang pandidiri ng Malaking Haring Demonyo...Sigh... Sa dalawang araw na ito, masyadong abala si Lu Tingxiao, gising pa naman siguro siya sa gantong oras, 'di ba? Tumakbo si Ning Xi sa may balkonahe at tumingin sa direksyon ng study.