CHAPTER 8: 'Di ba lalaki ang tipo mo?
Pakiramdam ni Ning Xi ay nananaginip siya at napatulala na lang sa blangko at nakapanlalamig na mukha ng lalaking kaharap niya. Napahawak siya sa kanyang noo, "Doktor… nas'an ang doktor? Malala ata ang pagkakahulog ko 'di gumagana nang maayos 'yung utak ko. Nag-iilusyon ata ako…"
Sa kabilang banda, seryoso naman si Lu Jingli. "'Di naman ako nauntog, sira na din ba ang utak ko?"
Nang oras na 'yun, 'di matanggap ni Ning Xi ang katotohanan sa harap niya.
Iniligtas niya si Little Treasure at ngayon gusto ng tatay niya na magbayad gamit ang katawan niya?
Kung ibang tao 'to, siguro ayos lang. Kung medyo mas gwapo, pwede na sanang lucky romantic encounter.
Pero si Lu Tingxiao 'to, si Lu Tingxiao!
Sa usapan ng itsura, di naman pangit si Ning Xi, pero si Lu Tingxiao kasi 'yung tipo ng gwapo na 'di pa ata nakikita maging ng mga pinakamagagandang babae.
Kung may paghanga lang sa kanya si Lu Tingxiao, 'di masyadong nakakagulat. Kung itsura lang ang habol sa kanya ni Lu Tingxiao at balak lang niya makipag play around, madali ring maintindihan. Pero ang sabi niya: "Pakasalan mo 'ko" at 'yun na ata ang pinakanakakatakot na scenario.
At lalo pa…
"'Di ba lalaki ang tipo mo?" sabi ni Ning Xi.
"Hahahaha…" tawang-tawa si Lu Jingli at halos mahulog sa kinauupuan.
Nagdilim ang mukha ni Lu Tingxiao na parang pwet ng kaldero at kasama sa pagdilim ng kanyang ekspresyon ang kwarto sa ospital.
Pagkatapos ng ilang minuto, tumigil rin sa pagtawa si Lu Jingli. "Kung lalaki ang gusto ni kuya, sa'n sa tingin mo nanggaling si Little Treasure?"
"Hmm, surrogate pregnancy o kaya artificial insemination?"
"Kung lalaki ang gusto ni kuya, bakit balak niya ipambayad ang katawan niya sa'yo?"
"Para pagtakpan 'yung totoo niyang sexual orientation?"
"Hahahaha…kuya, 'di ko na kayang tulungan ka…"
"Nabalitaan ko rin na…kayong dalawa…may relasyon…" nahihiyang sabi ni Ning Xi habang tinitignan ang magkapatid.
"Ahem ahem ahem…" Nagulat si Lu Jingli at halos mabulunan. "Bullshit, masyadong mabigat 'yun ah! Pero, gwapo naman 'tong si young master, pwede naman akong lady-killer at man-killer…"
Sa pagkakataong ito, may galit na estatwang tumayo sa kanyang upuan. Ang mahahaba niyang biyas ay dinala siya papalapit kay Ning Xi. "Jingli, dalhin mo sa labas si Little Treasure."
"Uh? Kuya, anong gagawin mo?"
Akmang inaayos ni Lu Tingxiao ang manggas ng kanyang polo. "Edi papatunayan kay Ms. Ning ang sexual orientation ko."
Nang makita ang nagdidilim na ekspresyon ni Lu Tingxiao na parang gusto niyang lamunin nang buo si Ning Xi ay natakot ito, nahulog siya sa kama at nagtago sa likod ni Little Treasure. Gusto na rin niyang magtago sa ilalim ng kama.
"Mr. Lu, wala po akong kinalaman, 'yun lang po talaga ang sinasabi ng ibang tao. Inuulit ko lang! Saka 'di niyo talaga kailangang magpasalamat sa'kin. Pero kung ipipilit niyong mag-request ako, ang request ko ay 'wag niyo na akong hingan ng request ulit kahit kailan. I'm sorry. May mahalagang audition po akong pupuntahan ngayon so aalis na rin po ako! Bahala na ang tadhana kung magkita ulit tayo –!"
Mabilis na natapos magsalita si Ning Xi at paalis na sana.
Nakakailang hakbang pa lang siya nang marinig nanaman niya nag kasing lamig ng yelo na boses ni Lu Tingxiao. "Pinayagan na ba kitang umalis?"
Nangiginig na ang mga binti ni Ning Xi sa takot.
Katapusan na ng buhay ko!
Matapos ang ilang segundo, sa ilalim ng itsura ni Ning Xi na parang handa na siyang mamatay, nag-abot ng blangkong papel at ballpen si Lu Tingxiao sa kanya. "Pwede ko bang mang mahingan ng pabor si Ms. Ning na mag-iwan ng note para kay Little Treasure – para lang 'di siya mag-alala pagkagising niya?"
'Yun…'yun na 'yun?
Nakaligtas siya sa trahedya!
"Oo naman…oo naman, walang problema! Kahit sampung libong salita pa, walang problema!" nakahinga nang maluwag si Ning Xi at kinuha ang ballpen para makapagsulat.
Pagkatapos niya magsulat ay kumaripas siya at tumakbo paalis.
Habang pinapanood ang likod ng umaalis na babae, tila nag-iisip ang itsura ni Lu Tingxiao na para bang sinusundan ng tingin ang isang prey na mayroon nag collar.
Pagkaalis ni Ning Xi, tumabi sa kanyang kapatid si Lu Jingli at parang napapatalon sa excitement. "Kuya, nananaginip ba ako? Gusto mo ba talaga si Ning Xi? Matapos ang ilang taon, kahit pala anong tigas ng tao eh mapapalambot din ang puso. Never ka kayang nagkagusto o humanga sa babae. Kahit nga ako na kapatid mo, nagsisimula nang magtaka kung silahis ka ba…"
Nang mabanggit 'yung salitang "silahis," pinatahimik na ni Lu Tingxiao ang kapatid. "Tumigil ka nga."
"Ahem…" nabulunan ulit si Lu Jingli.
Uhaw na uhaw sa chismis ang kalooban niya, 'di niya malaman ang katotohanan at parang desperado na siya.