Chereads / Hidden Marriage (Tagalog) / Chapter 9 - Ang Babaeng ‘di Dumating sa Audition

Chapter 9 - Ang Babaeng ‘di Dumating sa Audition

CHAPTER 9: Ang Babaeng 'di Dumating sa Audition

Rush hour na at matindi ang daloy ng trapiko. Kahit na binilisan na ni Ning Xi ang pagkilos, pagdating niya sa building ng auditions late na siya.

Palabas ng building si Chang Li kasama ang isang napakasayang Ning Xueluo na napapalibutan ng mga taong nagco-congratulate sa kanya.

Mula sa malayo, habang nakikita si Ning Xi na naliligo sa pawis habang tumatakbo, tinignan lang siya ni Ning Xueluo tulad ng pagtingin sa kanya nito limang taon ang nakaraan.

Tinignan siya nito na parang kapiranggot na langgam.

Pinanood ni Ning Xi si Ning Xueluo na sumakay sa van niya at umalis. Pero 'di umalis si Ning Xi at tumuloy pa rin sa building.

Hindi pa huli ang lahat!

Halos malapit na siya sa pupuntahan, nakasalubong niya ang isang grupo ng mga taong nag-uusap nang masaya. Sila ang casting judges para sa dramang .

"Sorry po, I'm late," yumuko si Ning Xi nang mababa.

Nung napansin nila na biglang humarang si Ning Xi sa dinadaanan nila, nainis ang mga judge at napakunot ang mga noo.

Sino ba naman kasi ang may gusto sa mga laging late?

Nakasimangot na nagsalita ang assistant director. "Tapos na ang auditions. Ano pang point ng pagmamadali? Mga kabataan talaga palala nang palala!"

"Hindi po ako nandito para mag-audition para sa female lead," sagot ni Ning Xi.

"Eh? Bakit ka nandito kung hindi ka naman pala mag-aaudition para sa female lead?" tanong ng screenwriter.

"Gusto ko po mag-audition para sa second female lead, si Meng Changge! Sa pagkakaalam ko po, nung huling auditions para sa second female lead, wala pa po kayong napiling babagay sa role," nang matapos siya magsalita ay tumayo siya nang tuwid mula sa pagkakayuko.

Sa pagtingala ni Ning Xi, may saglit na katahimikan, at naplantsa bigla ang kanina'y gusot na mukha ng mga hurado.

Ang nakita na lang nila ay ang mapulang labi at maputing ngipin ng dalaga, ang kanyang itim na buhok na bumabagsak hanggang sa kanyang bewang. Nakasuot siya ng pulang bistidang may kwelyo at bahagyang nagpapakita ng balat ngunit 'di nito inagaw ang atensyon mula sa magandang mukha ni Ning Xi, sa halip ay nakadagdag pa.

Nanatili siyang nakatayo na tila may awra na kasing misteryoso ng kagubatan, na para siyang isang thousand-year-old fox spirit – may nakagagayumang mga mata na pwedeng ikalunod ng mga may pagmimithi sa kanya. Nagpapahiwatig siya ng kaakit-akit na awra ngunit mukha pa rin siyang dalisay at inosente. May kakaibang linaw at lalim sa mga mata niya.

"Anong pangalan mo?" parang nagising mula sa pagkakalibang sa panaginip ang iba pang mga hurado nang magsalita si Director Guo Qisheng.

"Ning Xi po."

Nagkatinginan si Director Guo at ang assistant director, producer at screenwriter bago nagsabing, "Parang pamilyar. Artista ka under Starlight Entertainment, correct? Go back and prepare, sa'yo na ang role! 'pag nagsimula na ang filming, i-cocontact ka namin."

"Thank you, director! Maghahanda po ako nang mabuti!" yumuko si Ning Xi sa pasasalamat.

Simula pa noong una, ito na talaga ang goal ni Ning Xi – ang maging second female lead.

Para sa role na'to, naghanda talaga si Ning Xi sa loob ng tatlong buwan, nagsikap siyang maintindihan ang nararamdaman ni Meng Changge at ang impresyong taglay niya para magawa niya rin ito sa mga judge sa isang tingin lamang.

Kahit na ang dami niyang pinagdaanang hirap, sulit na sulit ang resulta. Nagtagumpay siya.

Pagkaalis ni Ning Xi, 'di maiwasan ni Director Guo na lalong humanga. "Hirap na hirap tayong mahanap ang babagay na actress sa role, pero tayo ang nahanap niya! Kahit na under Starlight siya, kulang ang experience niya at parang mahina ang qualifications. 'Di ko inakalang bagay siya sa second female lead. Sino namang mag-aakalang in real life eh mas maganda siya kaysa sa mga photos niya!"

Si Ye Ling Long, ang screenwriter, 'di naiwasang magkomento. "Pinakagusto ko sa kanya 'yung ugali at manners niya. Her gaze was absolutely perfect. Domineering female general si Meng Changge bago siya naging disastrous beauty at kuhang kuha niya 'yon. Pwede siyang seductive nang hindi nagiging malaswa, nagagawa pa niyang i-maintain ang 'yung sense of purity at kaakibat na katalinuhan. Lahat ng nag-audition nung nakaraan, kung umarte akala mo reyna ng beer house. Halos mamatay ako sa galit!"

"Hahaha o siya, 'wag ka nang magalit. 'Di ba nahanap mo na ang pinakahihintay mong Changge?"

Sa kasalukuyan, sa First People's Republic Hospital sa B City.

Nagkakagulo sa VIP room na kinalulugaran ni Little Treasure.

Sinumpong nanaman ang bata at nakayuko sa may bintana. Kahit anong pakiusap ng mga doktor at nurse ay ayaw niyang bumaba.

Sa baba ni Little Treasure, sinusuyo siya ng tito niyang si Lu Jingli para kumalma pero ayaw pa rin bumigay ng bata.

Dahil wala nang ibang paraan, tumawag si Lu Jingli sa opisina para pabalikin si Lu Tingxiao.