Chereads / Hidden Marriage (Tagalog) / Chapter 13 - ‘Di Madali ang Magkaroon ng Anak

Chapter 13 - ‘Di Madali ang Magkaroon ng Anak

Chapter 13: 'Di Madali ang Magkaroon ng Anak

May mga props si Ning Xi mula sa isa sa mga naging part-time jobs niya, isa na roon ang pares ng Pikachu costume na pajamas para sa bata. Kaswal niya lang itong dinala noon pero ngayon bagay na bagay ito kay Little Treasure.

Mas madali ang paghahanap ng damit para kay Lu Tingxiao bilang may mga naiwang damit ang nakababatang kapatid na lalaki ni Ning Xi sa bahay niya.

Pagkatapos sumamang muli sa kanyang mga tunay na magulang, na-guilty si Ning Xi sa mga umampon sa kanya. 'Di niya magawang makapagpakita nang maayos sa kanila at unti-unting nawalan ng contact sa kanila, ang nakakausap na lang niya sa pamilya ang ang kapatid niyang lalaki, si Tang Luo.

Matapos mahanap ang mga damit, nakakita rin si Ning Xi ng kumot at unan para kay Lu Tingxiao.

'Di sapat ang laki ng sofa sa sala para sa mahahabang binti ni Lu Tingxiao, ang nagawa na lang ni Ning Xi ay magdagdag ng upuan para humaba ito.

Magaling naman si Little Treasure at 'di na kailangan pang magpaasikaso dahil nakaligo na ito mag-isa, nagbihis, at umakyat sa kama.

Pagkaligo naman ni Ning Xi, nagsuot siya ng konserbatibong pantulog at minabuting tignan kung wala ba siyang naipapakitang 'di angkop na bahagi ng katawan.

"Bale…Mister Lu, matutulog na po ako. Kung may kailangan kayo, tawagin niyo lang ako."

"Sige," nang makita ang isang bagong ligong Ning Xi, saglit na nataranta si Lu Tingxiao. 'Di kalaunan, nakapako na din ang titig niya at napuno ng imahe lamang ng Ning Xi ang paningin nito.

Nakatali sa isang simpleng bun ang buhok niya at nakasuot ito ng pinaka-basic na design ng two-piece pajamas. Wala rin siyang suot na makeup, pero ang kanyang makinis at maputing balat ay may natural na pamumula mula sa init ng shower.

Dahil sinadya naman ni Ning Xi na manamit ng konserbatibo, walang 'di naaangkop sa kanyang itsura.

Pero sa puso ni Lu Tingxiao, may problema, dahil napansin nitong may nagigising sa ibabang bahagi ng kanyang katawan.

Pumasok na si Ning Xi sa kanyang kwarto at napansin ang maliit na nilalang sa kanyang kama at naintriga ito.

Simula kagabi, ang daming 'di inaasahang pangyayari ang naganap na siyang 'di niya kayang kontrolin.

"Sige na matulog ka na," lumuhod ito sa tabi ni Little Treasure matapos pataying ang mga ilaw maliban sa maliit na ilaw sa gilid ng kama.

Nanatiling nakadilat si Little Treasure na tila ipinararating ang intensyon niya na manatiling gising.

Sumakit ang ulo ni Ning Xi.

Bedtime story ata ang kailangan para mapatulog ang ganitong bata.

Ning Xi helplessly threw up her hands. "'Di ko alam kung paano magkwento, kaya paano kung kantahan na lang kita?"

Tumango si Little Treasure at tila naghihintay.

Kaya mahinang tinatapik ni Ning Xi ang likod ng bata at mahinang kumata:

"On a somewhat cold and warm autumn day

Tranquilly by your side

Quietly watching the flickering light dance

The wind carries a few red leaves

Stirred up hearts go on and on

Between being half drunk and half awake

I laugh uncontrollably

Let me float like the snowflakes amongst the clouds

Using my frigid coldness to kiss others lightly

Bringing out waves of their emotions

Leaving behind who knows how much love in the world

While welcoming fleeting life and its many changes

…"

Tumigil sa pagkanta si Ning Xi dahil ang susunod na linya ay: "Doing joyous matters with your lover…"

Paano babagay ang lyrics na 'to sa isang musmos na bata?

"Ahem, 'di na itutuloy ni Tita ang kanta ibang kanta na lang!"

Nakisama naman si Little Treasure at tumango lamang bilang pagpayag.

Hinalungkat ni Ning Xi ang kanyang utak para sa pinakasimple at bagay na kanta para sa bata: "Sa isang masayang lawa mayroong isang munting palaka. Tumalon ito at sumayaw na parang sinapian ng prinsipe. Sa makisig niyang titig, wala nang mas makisig pang palaka. Isang araw ay ginising siya ng isang prinsesa. Naniniwala ako sa himala, naniniwala akong isang araw magiging kapares kita lalalalala…"

Nang maulit nang tatlong beses ang kanta tungkol sa palaka, sa wakas, narinig niya ang tunog ng mahimbing na paghinga ng bata sa kanyang tabi.

'Di talaga madali ang magkaroon ng anak!

Bigla siyang nakaramdam ng paghanga kay Lu Tingxiao bilang isang single father.

'Di niya alam kung sino ang ina ni Little Treasure, pero bakit niya kaya ito ipinanganak ngunit 'di nanatili sa tabi ni Lu Tingxiao?

Dahil kaya mababa ang estado nito at 'di siya tinanggap sa Lu family?

O kaya may 'di malamang isyu silang pinag-awayan ni Lu Tingxiao?

Habang iniisip ang mga posibilidad, unti-unting bumigay si Ning Xi sa mundo ng mga panaginip.

Sa kalagitnaan ng gabi, takot na nagising si Ning Xi dala ng ingay sa sala.