CHAPTER 7: Katawan ang Gusto niyang Ipambayad
Minasdang mabuti ni Lu Tingxiao ang reaksyon ng babae sa hospital bed, inaalam niya kung tunay ba o peke ang reaksyon nito.
Matapos ang ilang minuto, naniwala rin siyang 'di nga alam ng babae ang pagkatao ni Little Treasure. Kalmado niyang sinabi, "State your request."
"Uh, anong request?"'Di naintindihan ni Ning Xi ang ibig sabihin ng tatlong salitang 'yun.
"Ibig sabihin ni kuya, salamat sa pagliligtas kay Little Treasure, kaya sabihin mo lang kung mayroon kang request!" sa pagkakasabi ni Lu Jingli, para na rin niyang ipinahiwatig na naka-jackpot si Ning Xi.
Naliwanagan si Ning Xi at seryosong nagsalita. "Actually, 'di niyo naman ako kailangang pasalamatan. Iniligtas ko si Little Treasure at iniligtas niya rin ako pabalik. Kung 'di siya nakalabas at nakahingi ng tulong, matatrap ako sa loob, kaya patas na kami."
Kahit na iniligtas niya nga si Little Treasure, bakit naman siya hihingi ng pabuya? 'Pag mas maraming pera ang isang tao, mas maiisip nilang target lang sila ng mga manloloko. Lalo pa't Lu family 'to, isa sa mga pinakamayayaman at prominenteng pamilya sa lugar nila. Baka isipin pa nilang sinadya niya ang lahat ng nangyari. Halimbawa na lang ang pagtitig sa kanya ni Lu Tingxiao na may halong pagdududa.
Para makaiwas na rin sa isyu, mabuti nang tapusin dito ang kung ano mang pakikipagdiskusyon sa kanila.
Kahit na parang wala namang mali sa sinabi ni Ning Xi, parang 'di pa rin kuntento sa sagot niya si Lu Tingxiao. Natakot si Ning Xi nang mapansin ito.
May mali ba sa sinabi niya? Bakit nakakatakot ang mukha nung estatwa?
"Kuya, nakakatakot naman 'yang itsura mo, kung 'di ko alam na gusto mo lang suklian 'yung nagawa niya, iisipin kong balak mo siyang paghigantian!"'di naiwasang magsalita ni Lu Jingli dahil napansin niya ang takot sa mukha ng magandang dalaga. Tumingin siya kay Ning Xi at sinabing, "Ayaw kasi ni kuya na magkaroon ng utang na loob kaya sige lang mag-request ka lang. 'Wag ka na mahiya!"
May mga tao ba talagang namimilit na mag-request sa kanila ang ibang tao?
Napaisip si Ning Xi, "'Di naman ako nahihiya, pero sa totoo lang, 'di na kailangan. Sinabi ko lang ang totoo, kung ayaw niyo maniwala, pwede niyong i-check…"
"'Di na kailangan." Pagdidiin ni Lu Tingxiao, parang nauubos na rin ang pasensya niya.
Nagsalita ulit si Lu Jingli. "Na-check na namin 'yung mga security cameras sa storeroom ng bar. Si Little Treasure talaga ang nagdala sa sarili niya doon, as for you, umamin na 'yung manager na ini-lock ka niya doon kaya 'wag ka mag-alala. 'Di ka namin pinagdududahan, besides, iniligtas mo talaga si Little Treasure kaya mag-request ka lang ng kahit ano!"
Ayos, balik nanaman tayo sa simula!
Naubusan na ng ideya si Ning Xi at sumuko na rin siya sa malamig na titig ni Lu Tingxiao. "Eh kung…bigyan niyo na lang ako ng pera?"
Di ba lahat naman ng mayayaman pera ang sagot sa problema?
Ganun rin malamang mag-isip si Lu Tingxiao!
'Pag hindi siya humingi ng pera, baka isipin pa nilang iba ang pakay niya kay Little Treasure.
Akala niya ay tama na ang sagot niya pero parang lalo lang pumait ang mukha ni Lu Tingxiao.
Naiiyak na si Ning Xi. Bakit ba ang hirap nito kausap? 'Di ba pwedeng sabihin mo na lang ang gusto mong sabihin? Nakakamatay ba magsabi ng ilang salita?
Napakamot ng ilong si Lu Jingli at sinubukang i-translate, "Naniniwala kasi ang kapatid ko na insulto ang magbigay ng pera sa ganitong sitwasyon."
Nagsusumigaw na ang puso ni Ning Xi: Walang problema, insultuhin niyo lang ako!!
Masyadong kakaiba ang Lu family, 'di talaga siya makapag-isip ng rasonableng request ngayon. Sa wakas nagsalita rin si Lu Tingxiao –
"Pakasalan mo 'ko."
Natigilan si Ning Xi at naubo nang malala na parang nabulunan sa sariling laway. "Ahem ahem ahem…anong sabi mo?"
Nang mapigilan niya na ang pag-ubo, tumingin na lang siya kay Lu Jingli.
Second Master, please paki-translate!!!
Sa pagkakataong ito, 'di na lang si Ning Xi ang nagulat, maging si Lu Jingli nagulantang. "Kuya, anong ibig mong sabihin? This time, 'di ko na kayang i-translate!"
Biglang may naisip si Ning Xi at nagtanong. "Dahil iniligtas ko ang anak mo, napagpasyahan mo na lang na suklian ako gamit 'yang katawan mo?"
Napabaling lang ang ulo ni Lu Tingxiao at napaisip bago tumango. "You could say that."